Chapter Five

7 0 0
                                    

Agapito Pumatong's POV

"Alam nyo bang may tagapagmana daw ang CDR-King?" Maya maya'y tanong ko sa kanila. Matagal tagal na din kaming naglibot dito sa elementary school, pero lahat ng room naka lock. Wala palang pasok ngayon. Ngayon kung kaylan umatake ang mga zombies. Tsk.

Tumigil kami sa may Garden. May fish pond na walang tubig, at everyday na bulaklak. Basta yung bulaklak na iba't iba ang kulay na natubo nalang kung saan. Umupo kami sa may bench.

"Talaga?" Sabi ni Carmeng pagkaupo namin. Masyadong seryoso si Jovs at Minira. Mukhang naalala nanaman nila si Ricardo at Ace.

"Sino naman?" Nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa boses ni Jovhicang. Seryosong seryoso sya na nakatingin sakin. Kinilabutan ata ako.

"E-edi si... Pffft!" WAIT LANG! NATATAWA AKO. WHAHAHAHAHA!

Jusq. Nauutas nako naiisip ko pa lang.

"Sige lang, unahin mo pa yang tawa mo bago yang joke mo." Mataray na sabi ni Miniracquel.

"Si ano nga! Pffft!"

"Isa Agapito ha. Sinasabi ko sayo." Parang biglang umurong ang dila ko dahil sa kasungitan ni Jovhicang. Pssh!

"Si ano nga! Si CDR Munting Prinsipe!"

Expectation:

Carmeng: WHAHAHAHA!
Miniracquel: HAHAHAHA!
Jovhicang: BWAHAHAHAHA!

Reality:

Krooo.. Krooo.. Krooo..

Halos mamatay na ako sa kakatawa dito tapos sila titingnan lang ako ng ganyan? Di makatarungan!

"RIP sa joke ni Agapito Pasensya." Inip na inip na sabi ni Carmeng.

"Feeling ko natatae na ako." Sabi naman ni Jovhicang.

"Kaderder ah. Wag ngayon Jovs." Sabi naman ni Minira kay Jovhicang.

"Mukha kasing inidoro si Agapito," nang aasar ma dagdag nya.

Nagtawanan sila ng dahil sa sinabi ni Jovhicang. Kanina paiyak na sila dahil nawala mga kaibigan nila. Tapos ngayon bat ang sasaya na nila?

Mga polar talaga. Tsk!

Walk out na lang kaya ako no? Lipat na lang ako ng ibang story. Dun na lang sa invisible. Ako na lang papalit kay Gianna.

WTF AGAPITO?

Anyways..

"Agapito.."

Napatigil ako sa pagmumuni muni dahil sa makapanindig balahibo na tawag ni Jovhicang.

Tiningnan ko sya at... Err. Hindi ko alam ang kilabot na dating sakin nung tingin nya. Yung tingin na nang-aakit. HINDI TO PWEDE!

"ANO?!" Iritado kong sagot.

"Nagmamahal na ang lahat ng bilihin, ikaw rin ba?" May bahid ng pang-aakit nyang sabi.

Halos pagpawisan ang anit ko. Ano nabang nangyayari sa babaeng 'to?! Maya maya pa, humagalpak silang lahat sa katatawa. Napansin ata nilang natatameme na ako.

Aish! Pinigtitripan nila ako!

"Pakyu frends." Inis na sabi ko.

"Jovs oh! Pakyu daw! Kelan daw ba? Ngayon na? HAHAHAHA!" Natatawang sabi ni Carmeng.

"Depende sa kanya. Ano Agapito, ngayon na?" May halong kalandian na sabi ni Jovhicang.

Putangama.

*****

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa matigas na sofa na hinihigaan ko. Taray naka sofa. Bukas kasi ang principal's office kaya dito na kami nagpalipas ng gabi. Maganda ang office na 'to. May tatlong mahahabang sofa, may dining table at may water dispenser pa. Thuruy.

Nang hindi na ako muling makatulog ay bumangon na ako. Napansin ko ang bookshelves sa tabi ng office table. Nilapitan ko ito at tiningnan ang mga libro. Bago ang mga librong nandoon. Pero may isang libro na talagang na catch ang atensyon ko. Ito yung pinakaluma at pinakapangit sa tingin ko.

Medyo maliwanag naman dito dahil sa lampshade. Tuhruy. Nagpapasalamat na lang kami at kahit papaano, may kuryente pa. At isa pa, wala pang nasugod na zombies.

Yearbook yung librong yon. Lumang luma na at mukhang maabo na. Nakaplastik pa nga e.

Tinanggal ko iyon sa plastik at dahan dahang binuklat.  Tumambad naman sakin ang mga class pictures ng mga high school students-- pero nandito sa elementary school? Bat nandito to eh dapat nasa library to ng BNHS?

At ang mas nakagigimbal,

SY 2016-'17

Eh? 3002 na ngayon ah?

Binuklat ko ng binuklat ang libro. Ang tagal na pala nito? Buti hindi pa nasirira?

Napatigil ako sa isang pahina.. Batch ito ng mga fourth year high school.

IV- MADAMDAMIN

Magdalyn Bahala
Friendly
"To be a successful artist at SM Entertainment."

***

Theyang Pinatungan
Cheerful
"To invent a cure for an unknown diseases."

Napatitig ako sa mga mukha nila. Pakiramdam ko kasi, napaka pamilyar nila sakin. Di ko lang alam kung saan ko sila nakilala.

Pero yung mga sumunod na larawan ang gumimbal sa mundo ko.

Crystal Bomba
Joyful, Simple, Pretty Faced-lady
"To destroy all the flirts in the world."

Nginig na nginig ang kamay ko. Lalo na nung natitigan ko ang mukha nya. Kamukhang kamukha nya si.. Carmeng.

Nanay nya ba yon? Kapatid? Ninuno?!

Pero nung 2017 pa 'yun!

Ano ba 'to? Naloloka ako sa mga nababasa ko!

------

A/N
(c) sa mga jokes. Nakuha ko lang po yan from somwhere. Hahaha!

Any resemblance from an actual person, places and everything chuchus are coincidental. Wag seryosohin. Nagkataon lang.





The Misadventures Of The Pacanton SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon