Fastbreak

2.2K 215 25
                                    

After nung "kasalan" incident, madalas na ulit akong kinukulit ni Jay. He would text me nonstop kahit wala namang kuwenta yung mga sinasabi niya. Madalas naman ay hindi ko na rin pinapatulan.

Does he really expect na after ng mga panahon na binalewala niya ako at yung friendship namin, di ako magbabago ng pakikitungo sa kanya? Ni hindi pa nga siya nagpapaliwanag kung bakit niya ginawa yun. Hanggang pangungulit lang naman ginagawa. Bahala siya sa buhay niya!

I was on my way sa room ng first subject ko nang matanggap ko ang text message ni Jay. He is asking why I went ahead first at hindi ko raw siya hinintay para sabay na kami pumuntang school.

The nerve! Kainis na talaga yung tukmol na yun! Bakit ako yung kinukulit niya? Di ba dapat yung Suzu niya yung atupagin niya? Magsama sila! (Yung totoo, yung friendship ba talaga yung issue o yung selos mo? 😂)

During my vacant period, I decided to stay on the library to catch up with some reading. Pinili ko yung pinakasulok na mesa para walang distorbo. I was so engrossed with what I'm reading na hindi ko man lang napansin na may umupo na sa upuan sa harap ko. Napatingin lang ako nang may ipinasang papel sa akin.

Sabay tayo uwi mamaya? -Jay

I looked back at him. I mentally rolled my eyes and just shrugs my shoulders. I got my pen and written back.

Can't. Got something to do with the club pa.

He frowned but hastily scribbled on the paper.

May basketball practice pa din naman kami. Maybe I can wait for you or you can wait for me? Just like the old times. :)

Wrong move. Just like the old times? Eh sino ba yung bumitaw at kinalimutan ang old times? I can feel the anger brewing inside me. I tried to compose myself and answer back.

No. I'll just go home on my own. Sanay na rin naman ako mag-isa umuwi these recent times eh. Uhm, time na for my next class. Bye.

And I hurriedly stood up and walk past him. Hindi ko na siya nilingon para tingnan yung reaksiyon niya sa sinulat ko. Buti na rin yung alam niya na nasaktan talaga ako sa ginawa niya.

Mag-aala siyete na ng gabi nang matapos yung meeting namin sa Book Lovers Club. May upcoming reach out activity kasi kami sa isang orphanage next week. We planned to have story telling sa mga kids and some art workshop too. I am really lucky to be part of this team. Hindi lang ako naka gain ng friends but I also got to help other people. Ang sarap sa pakiramdam.

Sabay kaming naglakad ni Jane palabas ng Campus nang tinawag ako ni Ian. Sabay pa kaming natawa ng kaibigan ko nang makita namin yung mukha niya. Pulang-pula yung mukha niya sa hiya. Kung hindi lang hulog na hulog itong puso ko sa best friend ko siguro magugustuhan ko rin si Ian. Kaso wala eh, hindi natuturuan ang puso. Mapipilit turuan pero andami pang pagdadaanan.  Hinintay kong makalapit siya sa amin.

Dei,  pwede ko bang hingin yung number mo?  Akala ko wala nang ikakapula pa yung mukha niya pero meron pa pala nung tanungin niya ako. Uhm, kailangan ko kasi para sa Club. Mabilis niyang dugtong sa tanong.

Sige ba. Sabi ko sabay abot ng cellphone niya para mai-type ko yung number ko.  Ngumiti na lang siya at nagpasalamat pagkatapos. 

Grabe ka friend, crush na crush ka talaga ni Ian.  Ikaw na, bes! Tukso ni Jane sa akin. 

Wala iyon. Friendly lang naman talaga nung tao. Bakit naman magkaka-crush sa akin yon? Bale walang sagot ko sa kanya.

Fishing ka bes? Sus! Maganda ka friend, ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo yan? Kahit hindi ka mag-ayos, maganda ka! Ikaw lang ang walang tiwala sa sarili mo eh! Selp kampidens lang need mo, bes! May pera ka ba diyan? Bilhan na lang kita.  Pakwelang sagot niya. 

Nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot.  Kung sana nga pansin din ng taong gusto ko yung ganda ko na sinasabi ng kaibigan ko.  Kaso wala eh. 

Kinalabit ako ni Jane at may itinuro sa akin sa bahagi ng parking area.  Nandoon si Jay nakasandal sa sasakyan niya at halatang may hinihintay.  Dumiretso siya ng tayo nang malapit na kami. 

Good evening, ladies.  Uwi na rin kayo?  Tara, hatid ko na kayo.  Alok nito sa amin.

Hindi na, Jay. Sabay na lang kami ni Jane.  Sige, una na kami.  Tanggi ko sa kanya sabay hila sa kaibigan ko paalis.  Pero dahil hindi ko pa siya na-orient tungkol sa amin ni Jay,  hindi niya ako sinakyan sa trip ko.

Beshie, magkapit bahay lang kayo di ba?  Diyan ka na sumakay kay pogi.  Out of the way ako sa bahay mo ba't kita isasabay? High ka ba? Sige na, una na ko. Doon kila Tetay ako sasabay. Babush friend! See you bukas!  At tuluyan na ngang umalis ang bruha. Hindi na nga ako sinakyan, binuko pa ako. Disown ko kaya bilang kaibigan to?

Wala na nga akong nagawa kundi sumabay kay Jay pauwi.  It was a silent drive.  Jay tried to engage me into a conversation pero monosyllabic lang yung mga sagot ko sa kanya.  Nakaramdam na rin yata na ayokong kinakausap kaya tumigil na rin siya.  He just turned on the car stereo to ease the awkward silence.

I've known you for so long
You are a friend of mine
But is this all we'd ever be?
I've loved you ever since
You are a friend of mine
And babe is this all we ever could be?

Lakas maka asar ng coincidence.  Talagang yun pa talaga yung music?

You tell me things I've never known
I shown you love you've never shown
But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly
But deep inside you'll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad
But then again I'm glad

Gusto kong patayin yung stereo pero tagos sa puso ko kasi yung bawat salita ng lyrics.  Napapikit na lang ako at binaling ang ulo ko sa bintana ng kotse.

I've known you all my life
You are a friend of mine
I know this is how it's gonna be
I've loved you then and I love you still
You're a friend of mine

Saktong patapos na yung kanta nang itigil ni Jay ang kotse sa tapat ng bahay namin.  Akmang bubuksan ko na ang pinto para bumaba pero pinigilan niya ako.

Okay ka lang ba? Bakit ang tahimik mo? May sakit ka ba? May pag-aalalang tanong niya sa akin.

I'm okay, just a bit tired. I gotta go. Salamat sa paghatid. Night, Jay. Agad na akong lumabas sa sasakyan. Sumunod naman agad siya sa akin.

Dei! Iniiwasan mo ba ko?

I stopped walking. I guess this is the time I finally tell him the truth. I know it will hurt. Pero kailangan. Para matapos na. Para makapag umpisa na ulit siya.

I turned back to where he is standing and looked him straight in the eye.

Yes, I am Jay. For my own good. And yours too. I'm sorry.

But why? May problema ka ba? Best friends tayo. You know you can tell me anything.

Anything, Jay? Really?

He just stared at me helplessly, waiting for me to continue.

I love you. Higit pa sa kaibigan. Matagal na. There. Can I go now?

**Yas! Nai-connect ko rin yung first chapter. Ang hirap pala.  I had no drafts writing this story.  Write as you go ang peg ko dito tapos perstaym pa. Okay pa naman yung kwento?  Sagutin nyo ko, huy! 😂

Again, thank you so much po sa mga nagbabasa at Salamat din po sa mga pa-star niyo.  Na-appreciate ko po yun ng sobra-sobra. 😊

Splash LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon