Dropping Dimes

2.2K 138 13
                                    

Dei's POV

Minsan naiisip ko kung totoo pa ba 'tong nangyayari sa buhay ko.  Yung feeling na sobrang saya at kuntento ka na sa buhay mo.  Minsan tuloy nakakatakot.  Nakakatakot na baka isang araw paggising ko wala na lahat ito.  Wala na yung saya.  Wala na si Jay.

Yes,  I am pessimistic in a way.  Pero alam mo yun?  Parang ang surreal ng feeling.  Minsan tuloy napapansin na ni Jay na parang ang lalim parati ng isip ko.  Tulad ngayon.

Baby girl, ang lalim na naman ng iniisip mo.  Saan ka na nakarating niyan?  malambing na tanong ni Jay sa akin.

Napabuntong-hininga naman ako at bumaling ng tingin sa kanya.  Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench sa park na lagi naming pinupuntahan sa loob ng subdivision. 

Alam mo yung feeling na parang panaginip lang lahat ng 'to?  Na baka paggising ko bukas di naman pala totoo itong mga nagyayari? Sagot ko sa kanya.

He just smiled at me tenderly and scooted closer.  Sabay patong ng braso niya sa mga balikat ko.

Babe, what you have now is real.  I am real.  We are real.  May doubts ka pa ba about us? Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko para mapatunayan yon? 

May himig ng pagtatampo yung tanong niya kaya mabilis akong humarap sa kanya at ikinulong ang mukha niya sa dalawang kamay ko.

No, babe.  I believe in you. In us.  And hindi mo na kailangang patunayan pa yon.  Alam kong mahal mo ako.  At mahal na mahal din kita. 

And I showed him that by kissing him fully on the lips.  Letting him feel my love for him.  And the fear of losing him. 

Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.  He stopped the kiss and touched my face. 

Pero ramdam ko pa rin ang takot mo, babe.  Please.  Andito lang ako.  Wag ka nang matakot.  Hindi ako mawawala.  Kahit sobrang tigas pa niyang ulo mo at lagi mo akong pinapakaba dahil pasaway ka, di kita iiwan.  Pangako yan, babe.  So please.  Wag ka na masyadong mag-isip ha? 

Mas lalo ko pa yatang minahal si Jay pagkatapos ng mga salita niyang yun.  If that's even possible dahil mahal na mahal ko na siya in the first place.  Basta yun,  mahal ko siya to the moon and back pati sa buong Milky Way.

Overwhelmed with emotions, mahigpit ko na lang na niyakap si Jay. Contented but still apprehensive.

Jay's POV

How can I show Dei that we are in this for a long run? Kung ano yung meron kami ngayon ay totoo at hindi ko siya iiwan?

Maybe we both need some fresh air.  Naging busy din kasi siya lately with basketball and his requirements for graduation.  Siguro kailangan muna nila ng time away from all that and just be together.  Just the two of them.

A smile slowly spread on his lips as an idea comes to his mind.  He got his phone out and made a call.

Hey, Tuns! Favor naman oh.

**Update!!! Grabe ako, antagal ko nawala. Yung totoo po, wala lang talaga akong maisulat. Hahahah. Tapos sabaw pa. Pero infairness, mukhang nagkaka plot na. Cheret. 

Ano kaya yung idea ni Jay?  Any guesses? Saan niya dadalhin si Dei? Ang makahula sa comments, may pa shoutout sa next chapter. G? G na!

Kaway-kaway sa mga bagong ligaw dito sa Splash Love. Hello po. Bakit po kayo nandito? Lol. Sa mga patuloy na nananalig na magu-update ako, thank you soooo much! Kapit lang tayo. Lamyu all.  Sino pupunta sa ADNFest? 😊

Splash LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon