It's the day of our out reach activity sa napiling orphanage ng club namin. Ang aga naming nagkita kita sa school para sabay kaming lahat sa isang bus papunta roon. Everyone is busy talking and laughing.
Kanya-kanya na kaming pwesto sa sasakyan. I chose to sit malapit sa bintana and reserved the seat beside me for Jane. Busy pa ang babae sa pagsulyap sa bumbayin niyang sintang parurot na si Amhir. Varsity player siya ng school namin sa football. May training kasi ang mga ito sa field. Sisilay daw muna yung bruha.
I decided to wear my headphones and play my favorite playlist in Spotify (guess nyo kung ano, guys 😂) while waiting for the others. I was busy humming a tune when someone sits beside me. I turned and was speechless when it's not Jane.
Jay! Bakit nandito ka? Nabigla kong tanong sa kanya.
He just flashed me a smile and shrugged.
Oh, Faulkerson! Nandito ka na pala! Dei, sasama daw sa atin 'yan. Nakiusap eh. Ayos naman para makatulong sa ating magbuhat ng mga gamit mamaya. Di raw makakasama si Ian eh, nagkasakit. Si Cristy yung nagsalita, president ng club namin. Madalas Tetay yung tawag namin sa kanya.
Thanks, Tetay. I owe you one. Sabi ni Jay dito. Napakunot noo na lang akong napatingin kay Jay, still not comprehending. Nginitian lang ako ng tukmol. Inabutan lang ako ng kape galing sa isang kilalang coffee shop. Inabot ko yun at inirapan na lang siya. Mayamaya pa at umandar na rin yung sasakyan.
I tried hard not show how happy I am na magkatabi kami ni Jay. Ramdam ko yung mga sulyap niya sa akin pero nahihiya akong tingnan din siya. Para madistract ako, naisipan kong isuot na lang ulit yung headphones ko. Pero bago ko pa man maisuot yun, pinigilan ako ni Jay. Napatingin lang ako sa kanya.
He got his phone and earphones out and put one on my right ear and the other on his left. We ended up sharing the earphones and hearing the same song from his phone. I Knew I Loved You by Savage Garden was playing. I looked at him consciously. Uminit yung mukha ko nang tumingin din siya sa akin. He gave me me his bedimpled smile. Bigla akong nasinok. Tumawa lang siya.
Finally nakarating din kami sa orphanage. Sinalubong kami ng mga bata at mga madre roon, bakas sa mga mukha nila ang saya at excitement. We started preparing then we started our short program. May mga parlor games kaming inihanda at mga art workshops. Then we had lunch together. After that, we had story telling with the kids. I'm incharge of this activity at ako na rin yung nagbasa sa mga bata.
While in the middle of my storytelling, napatingin ako kay Jay sa likuran ng activity area. Bigla akong naconscious nang makita kong titig na titig na siya sa akin. Itinaas baba niya yung kilay niya habang nakangiti. Sinagot ko rin siya through kilay language habang natatawa. Napatigil na lang ako nang kinalabit ako ng isang bata. Doon ko lang naalala na nagkukuwento pa pala ako. Nang muli kong tingnan si Jay, natatawa pa rin ito. Inirapan ko na lang siya ipinagpatuloy ang pagkukwento.
The last activity of the day is entertainment. My other comembers prepared dance numbers and song numbers for the kids. Even the kids prepared something too. The atmosphere is so festive and everyone is enjoying. After ng dance number ng trio nina Jane, Tetay and Via, biglang tumayo si Jay bitbit yung gitara at pumagitna. Napataas ang kilay ko na sinundan siya ng tingin.
Ehem. Hello po! This song is for Dei. Nagsigawan yung mga kasama namin. Lahat napatingin sa akin. Alam kong namumula na yung buong mukha ko sa hiya. Lagot talaga sa akin ang tukmol na to mamaya.
Wag kang maniwala d'yan. 'di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)Hindi ko na narinig ang hiyawan ng mga kasama namin at yung iba pang lyrics ng kanta. I was lost in the moment habang nakatingin sa mga mata ni Jay. Parang may gusto siyang iparating sa akin sa pamamagitan ng kantang iyon. Imposible.
The rest of the afternoon was a blur for Dei. Namalayan na lang niya nasa sasakyan na ulit siya pabalik ng school nila para kanya kanya na sila ng uwi. Di pa umaakyat ng sasakyan si Jay kasi tumutulong pa siya sa pag-aayos ng mga gamit namin. Mayamaya pa ay tumabi sa akin si Jane.
Girl! Ang haba ng hair natin ah! May pa-song number. Kayo na ba? Nang-iintrigang tanong nito.
Hindi ah! Bakit naman magiging kami? Best friends lang kami nun. At di naman nanliligaw sa akin yan. Imposible! Todo tangging sagot ko sa kanya.
So, hinihintay mo lang manligaw. Sige girl, ipush mo yan. Pero aminin mo, kinilig ka kanina no? Nanunuksong tanong ni Jane.
Sinubukan kong huwag magpakita ng reaksiyon sa kanya pero hindi effective. Hindi ko maitago ang ngiti ko sa kanya.
Luh luh luh. Kinikilig nga ang bruha! Hayan na pala si lover boy. Tisoy! Para-paraan ka kanina ha? Ingatan mo tong kaibigan ko ha? Hinay hinay lang sa pagpapakilig, marupok puso niyan. Tuloy tuloy na salita nito sabay tayo. Tinangka niya itong habulin para saktan pero mabilis na itong lumipat sa likurang bahagi ng sasakyan.
Umayos na lang ako ng upo nang tumabi na si Jay sa akin. Hindi ako makatingin dito. Nahihiya pa rin ako sa kanya lalo na at dinagdagan pa ng sinabi ng kaibigan ko.
Hey... Napapitlag ako nang tinawag niya sabay tapik sa dulo ng ilong ko. Napatingin ako sa kanya. You okay? Tanong niya.
I smiled at him para hindi na siya mag-alala. Kahit minsan makulit si Jay, lagi pa rin niyang tinatanong if okay ako. That's one of ten many things bakit I fell in love with him.
Dei, patingin ng kamay mo.
Bakit? Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Basta. Inabot na niya yung kamay ko at di na ako nagprotesta.
He held my hand over his and looked at it intently. Napalunok ako nang ma realize ko na magkalapat ang mga palad namit. Considered as holding hands na ba to?
Ang liit ng kamay mo.
Hindi kaya! Malaki lang talaga yung kamay mo no.
Talaga ba? And my heart started beating fast when he slowly intertwined our fingers together.
Nakanganga lang akong napatingin sa kanya sa ginawa niya. Tiningnan niya ako nang matiim sa mga mata at nagsalita.
But it fits. Perfectly.
**ano na mga bes? Sorry po sa late update. Nilamon po ako ng realidad. Char. Hahahah. Enjoy the weekend. Thanks for reading.

BINABASA MO ANG
Splash Love
FanfictionDei and Jay have been best friends all their life. But Dei have fallen in love with him. He's the Campus Heartthrob. She's a wallflower. Will they be perfect for each other as lovers?