CHAPTER 2
Nagising ako na tanghali na. Naligo lang ako’t kumain. Kinakausap ako ni Kuya pero hindi ko sinasagot. Ni hindi ko nga marinig at alam kung ano ang mga sinasabi niya. Basta ang narinig ko lang..
“Magbabakasyon tayo sa Korea.” Nakita ko nga pagkagising ko na nakaempake na ang mga gamit ko. Inayos na siguro ng katulong namin.
Bigla ko na lang naalala ang nangyari kagabi. Fcku Shin Yoshima.
Gaya nga ng sinabi ni Shin kagabi na girlfriend, yes.. I’m his girlfriend. Pero gusto ko na talagang makipagbreak sa kanya. Ayoko ng maalala ang mga nakaraan namin. Ginamit niya ako’t niloko. Nagpagamit naman ako’t nagpaloko. Ang tanga-tanga ko na minahal ko ang lalaking katulad niya.
Shin Yoshima. Half-Japanese and Half-Filipino. 17 years old. My boyfriend for about 8 months. At sa 8 months na yun. Niloko lang niya ako. UGH! AYOKO NG MAALALA ANG LALAKING UN KAHIT KAILAN!
“Maligo ka na, Hime. Mga 3PM ang flight natin.” I just nod. After kung kumain naligo na ako. Nagbabad ako dun about 1 hour. Nagiisip. Iniisip ko kung paano kalimutan ang lalaking yun. Pero hindi.. HINDI! HINDI KO SIYA PWEDENG KALIMUTAN! Hindi pwedeng hayaan ko na lang siya na pinagtatawanan ako at pinagpyestahan ang katawan ko.
“Curse you Shin!”
Nagbihis na ako pagkatapos. Nagbus lang kami papuntang airport. Niyakap ako ni Kuya pero tinabig ko ang kamay niya.
“Don’t touch me!” Alam ko nagulat siya sa sinabi’t ginawa ko. Ayokong may yumayakap sa aking lalaki. Kamag-anak ko man o hindi. Basta ayokong may yumayakap na lalaki sa akin. Oh kahit man lang hawakan ako. For now.
Hindi ko alam pero pinandidirian ko ang sarili ko. Ng dahil sa kagagahan ko at dahil sa pag-ibig na yan, nagkanda leche leche ang buhay ko. Sarili kong pinsan tinutulak ko palayo.
Hindi ako umiyak nung oras na yun. Dahil alam kong, pagiiyak ako, ibig sabihin lang nun nagpapaapekto ako. At samakatuwid, mahina ako.
“Tara na Hime.” Tumango na lang ako at sumunod kay Kuya. Oo, alam ko. Ang weird ko. Kasi isang direksyon lang ang tinitignan ko. Ni hindi ako nakikipageye contact sa mga tao. Mas maganda na lang iyon. Ayokong makakita ng mga lalaki. Matanda, bata, baby at mas lalong teenager. Ayoko.
Mga ilang oras lang ang byahe namin galing Japan hanggang South Korea. Sa Seoul kami nagstay. Hindi ko alam kung paano kami nakapunta sa hotel na to. Basta ang alam ko lang nandito na kami sa isang hotel sa Seoul.
BINABASA MO ANG
Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*
Action© 2012 by iammejlyn Isang katagang laging nasa isipan ni Clarence na naging second leader ng Ichisan dahil sa naranasan niyang panggagahasa ng dati niyang kasintahan na si Shin Yoshima. Sa kanyang paghahanap at paghihiganti, may nakilala siyang lala...