CHAPTER 46.1

16.5K 266 5
                                    

CHAPTER 46.1

 

CLARENCE POV

 

Eto na ang pangalawang lingo na walang tawag o text man lang si Laurence sa akin. Kahit man lang sana blank message tanggap ko pa ehh. Ano bang nangyayari sa kanya?

Araw-araw dinadalaw ko si Shin. Baka kasi mamaya magising siya. Pero hindi. Ngayon nama’y napagdisisyunan kong pumunta sa bahay nila Laurence. Gustong gusto ko na talagang pumunta noon pa, kaso… nahihiya ako. Ewan ko!

 

 

[DING DONG]

 

 

Nagdoorbell ako ng nagdoorbell pero walang sumasagot. Mga siguro after 5minutes pa na may lumabas mula sa bahay. Katulong nila.

“Ma’am Clarence.” Sabi niya at binuksan ang gate.

“Anjan po ba si Laurence?” medyo lumungkot ang expression niya. Bakit?

“Uhm.. Ano po. Wala po sila Sir Laurence dito, pumunta po sila ng Japan.” ANO?! Without even……..

“Ano?! Kailan pa po? At bakit daw po sila biglaan naman  yata?”

“Hindi ko po alam ang dahilan ehh. Noong Miyerkules lang po sila umalis.” Miyerkules?? Ni wala man lang tawag o text sa akin?! Ni hindi man lang niya sinabi sa akin?!!

“Ahh. Ganun po ba. Sige po alis na po ako.” Patalikod na ako ng tinawag niya ako muli.

“Ma’am Clarence, may sulat pop ala para sa inyo.” May kinuha siya mula sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin.

“Sige po. Salamat.” Pagkatapos non umalis na ako. Pagkadating ko sa bahay agad kong binasa ang sulat niya.

 

Renz,

Sorry kung biglaan ang pag-alis namin papuntang Japan. May kailangan kasi kaming asikasuhin. Importanteng importante. Don’t worry baby, babalik ako. I promise! If ever my time, tatawag ako sayo. May kaunting problema lang talaga dito na dapat kong ayusin. Pakabait ka jan ha? Wag mong pababayaan ang sarili mo. Tandaan mo, mahal na mahal kita Renz. Genkidena, anata!

 

Laurence

 

(Genkidena-take care)

 

 

Hindi ko mapigilang umiyak. Sana man lang sinabi niya ng mas maaga. Nakakainis siya!!

--------

Sorry short UD. 

Sorry! Vote Comment and Share pa din! :))

Thank you!

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon