CHAPTER 27
Good Morning Philippines! J Ang saya ng gising ko, paano ba naman kasi katabi ko ang taong mahal ko. Naku po >___< Eto nanaman ako sa pagiging inlove.
Tinitigan ko muna siya bago tuluyang bumangon, nakatulog pa rin kasi siya. Eh may pasok pa kami. Nakayakap pa rin kasi siya sa akin. Ako na kinikilig >/////////////////<
“Baka matunaw ako jan.” Biglang sabi niya. Oops! Gising na pala tong mokong na to.
“Gising ka na pala! Di ka man lang magsabi.”
“Kanina pa ako gising noh. Haha! Good Morning babe.” Sabay kiss niya sa akin sa lips. Nakakarami na to ha.
“Ligo ka na nga at magprepreapre ako ng food.” Sabi ko sa kanya. Naligo naman na siya pagkatapos. Yung damit niya kahapon ang sinuot niya. Uuwi din daw siya muna pagkatapos kumain. Kumain na din kami after kong makaligo at magbihis. Sa CR ako nagbihis noh! >___<
Dumaan muna kami sa bahay niya at nagpalit siya. Then after nun, sabay kaming pumasok sa school. Habang naglalakad papunta sa building namin, hawak-hawak niya ang kamay ko. Pilit kong tinatanggal kasi naman pinagtitinginan kami, pero ayaw niyang tanggalin. Hindi naman ako mahilig sa PDA ehh. Nakakahiya kasi at nakakailang.
“Renz, kamay ko. Pinagtitinginan nila tayo.”
“Okay lang yan.” Binitawan naman na niya ang kamay ko at umakbay naman. Mas lalo tuloy kaming pinagtitinginan. Hayy~
Pagkarating namin sa room ko kiniss niya ako sa forehead saka umalis. Nagsihiyawan naman ang lahat ng kaklase ko. Tangna! Nakita pala nila yun. Lumapit naman agad sa akin si Mikee.
“Uiyyyy~ Kinikilig naman ako sa inyo. Ang sweet sweet niyo!” Sabi niya sabay hampas sa akin. Ouch ha.
“Aray ha. Haha!” Medyo nagulat yata siya sa expression ko. Anong meron?
“OMG! Ikaw ba talaga yan Clarence Sobela?! OMG!! Tumatawa ka na. At higit sa lahat ngumingiti ka na. Tignan mo teh nagblublush ka pa!! Nakuuu~ Hihihi!! I’m so happy for you.” Tinitigan ko naman ang mukha ko sa salamin na binigay niya. Tama siya nagblublush ako and besides ngumingiti ako out of nowhere. Ganito pala talaga paginlove. Dati rati kasi hindi ko alam na ganito din ako kay Shin noon. Wala nga akong friends doon diba? Walang nagsasabi sa akin na blooming ako, ganito ganyan
“Congrats teh!! So, mahal mo na nga?” Tanong ulit ni Mikee. Nagnod naman ako at ngumiti-ngiti. Di ko mapigilan, kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*
Aksi© 2012 by iammejlyn Isang katagang laging nasa isipan ni Clarence na naging second leader ng Ichisan dahil sa naranasan niyang panggagahasa ng dati niyang kasintahan na si Shin Yoshima. Sa kanyang paghahanap at paghihiganti, may nakilala siyang lala...