CHAPTER 21
LAURENCE POV
Andito kami ngayon sa tambayan, nagyoyosi, inom dala ng babae. Ang tambayan kasi namin is bahay pero walang kagamit-gamit. Ang gamit lang is tables and chairs yun lang.
“BADTRIP!!” Sigaw ko sabay tapon ng yosi ko at tinapakan. Nagsindi ulit ako at sinabayan ko ng alak. Tanginang buhay to.
“Easy lang, pre. Babae lang yan.” –Jonathan
“Natapakan pride ko dun!”
“Ha! Ibang klase pala si Clarence, pumapayag sa pera saka tatapakan ang pride mo. Hanep” –Jared
“Bwst!! Makikita niyong lahat!!”
NARRATOR
Nang kumpleto na silang mga Ichisan na sasabak sa Phase 10, dumiretso sila sa tambayan ng mga ito. Una nilang nakita ay si Mike na nagliliwaliw kasama ang ilang babae sa labas gayundin si Ryugi. Lumapit sila sa mga ito.
“Oh, sino kayo?” Sabi ni Mike.
Pero hindi sumagot ang Ichisan at biglang sinuntok ni Denver si Mike. Sinuntok naman ni Paulo si Ryugi.
Habang nasa loob naman sila Laurence at nagbabaraha, narinig nila ang tiliian ng mga babae kaya nagsilabasan silang lahat. Naaninag nila ang ilang grupo ng ichisan at nagsimula ng lumapit ang mga ito dito.
Sinuntok ni Kenneth si Max at biglang nagulat ito ng nakitang babae ito, hindi lang isang babae kundi ang babaeng kinaiinisan niya sa klase. At dahil sa nadistract si Kenneth, pinatid ni Max si Kenneth na sanhi ng pagkatumba nito.
Sinuntok naman ni Jerico si Jared at gumanti naman si Jared. Nagisa-isa silang laban. Jerico-Jared. Max-Kenneth. Denver-Mike. Paulo-Ryugi. Darren-Steve.
Habang si Hime/Clarence naman ay nakatayo lang at matalas na tinitignan si Laurence. Sumugod si Ryan at Dennis kay Hime pero naiwasan niya ito at sinipa si Dennis habang si Ryan naman, she flipped him over at pinaikot ang kamay hanggang sa may naring na ‘crack’.
Sumunod naman si Lance na medyo mabilis ito kay Hime. Sinuntok ni Hime si Lance sa pisngi at bumawi naman si Lance ng suntok. Napatumba si Hime dahil sa lakas. Pumagitna si Lance sa kanya pero nahigit na ni Hime ang ulo ni Lance gamit ang isa niyang paa at napatumba si Lance. Patayo na sana si Lance ng sinuntok ni Hime ito sa pisngi, tiyan, bisig at saka binato.
BINABASA MO ANG
Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*
Acción© 2012 by iammejlyn Isang katagang laging nasa isipan ni Clarence na naging second leader ng Ichisan dahil sa naranasan niyang panggagahasa ng dati niyang kasintahan na si Shin Yoshima. Sa kanyang paghahanap at paghihiganti, may nakilala siyang lala...