CHAPTER 51

16.1K 263 19
                                    

CHAPTER 51

 

 

“Ohayooo~~” Bati sa akin ni Shin. “Nagdaday dream ka nanaman.”

“Sorry.”

“Renz, we… need to talk.” Sabi niya at humarap sa akin.

“Bakit?”

“Uhm…” Sabi niya na mukhang kinakabahan.

“Clarence… I’m sorry.” Ha? “I’m sorry. Alam ko ung fiancée thingy pero… pero may dahilan si Laurence! Prinoprotektahan ka lang niya.”

“Hindi kita maintinidhan…” Ano ba tong pinagsasabi niya?!

“Ano kasi Clarence… Isang yakuza ang pamilya namin.” Yakuza lang pala bakit….. ANO?!!

“ANO?!!!” Gulat na gulat na sabi ko. Yakuza?!

“Gomenasai!” Yakuza? Prinoprotektahan? What?

“Hindi pa rin kita maintindihan.”

“Prinoprotektahan ka ni Laurence mula sa lolo namin. Ang lolo namin ay 3rd generation boss. Gusto niya na maging 5th generation boss si Laurence pero ayaw niya. Nalaman ni lolo na may girlfriend siya dito. May mangyayaring masama sa iyo kapag hindi siya pumayag na maging boss… at ipakasal. Kaya yun, pumayag siya.” Medyo nabawasan ang sakit sa puso ko at ganun na din ang lungkot. Pero napaisip ako, isa lang ibig sabihin nun.

Hindi niya ako kayang ipagtanggol.

“Ahh. Ganun ba.” Yun na lang ang naisagot ko. Tss. Bakit pa ba ako umaasa?! Tama na Clarence. Masyado ka ng nasaktan. Masyado ka ng nagpaapi. Kinalimutan ka na niya at totoo iyon.

“Renz… daijoubo?” I nodded. I’m so disappointed with you Laurence.

DARREN POV

 

 

*knock knock*

Sino ba tong gumugulo? Ang aga aga nakakabwst! Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto. Tumambad sa akin ang mukha ni Daniela.

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon