CHAPTER 23
2nd sem na and thankfully, iba na ang mga classmates ko. Almost. Hindi ko na classmates yung tatlo, yeah sila Joyce, Rowena at Charis. Si Mikee kaklase ko pa. We’re already in good terms. Andami daw niyang natutunan sa mga pinagsasabi ko kay Rowena. Kaya habanga maaga pa, humiwalay na siya kina Rowena bago magfinals.
Kung tinatanong niyo kung kaklase ko pa din si Clyde at Dominic, hindi na. Ang balita ko lumipat ng school si Clyde samantalang si Dominic nasa Amerikana. Kinuha daw siya ng mga magulang niya. Yun ang pagkakaalam ko.
Kasama ko ngayon si Mikee. So for me, I consider her my friend. She’s kind naman ehh. Peer pressure lang talaga yung last time.
“Ano ba yan, nakakaasar naman mga magulang ko!!” Biglang sabi ni Mikee.
“Bakit?”
“Pinapalipat nila ako ng major. Sabi nila magCivil na lang daw ako.”
“Bakit naman? Eh diba mas gusto mo ang ECE?”
“Yeah. Hayy~ Ewan ko sa kanila. May nakaready na daw kasing trabaho sa akin pagnagCE ako. Ehh ayoko naman. Wala ring kwenta kung magpalit man ako ng Major pero hindi ko naman gusto edi.. diba? Di ka gaganahan.”
“Yeah. I know. I agree. Pagbutihin mo na lang. Pakita mo sa kanila na gustong gusto mo talaga ang ECE.”
“Hayy. Tama ka jan! Tara na nga.” Bumalik na kami sa classroom pagkatapos naming maglunch. Nakakaboring walang magawa.
“Siya nga pala, Clarence. Kamusta na kayo nung Mizushima?”
“Ewan.”
“HA?!! Anong ewan? Kayo pa ba?”
“Sa kasamaang palad, oo.”
“Ngek! Kasamaang palad talaga. Bakit ba kasi naging kayo biglaan? I still don’t get it.”
“Wag mo ng alamin.”
“Mm.. okay—OUCH!!” Napaupo bigla si Mikee. Tinulungan ko naman siyang bumangon. Nagkalat tuloy ang mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*
Ação© 2012 by iammejlyn Isang katagang laging nasa isipan ni Clarence na naging second leader ng Ichisan dahil sa naranasan niyang panggagahasa ng dati niyang kasintahan na si Shin Yoshima. Sa kanyang paghahanap at paghihiganti, may nakilala siyang lala...