CHAPTER 36
Halos hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Ang ina ni Laurence? Ang dahilan ng pagkamatay ng aking mga magulang?! Kung bakit ulila ako ngayon?! Hindi ako makapaniwala. Bakit? Bakit niya gagawin yun?
“Hindi kita maintindihan Shin. Ano ba yang mga pinagsasabi mo?!!!” Sigaw ko sa kanya.
“Clarence, ang ama ni Laurence at ang ina mo ay may relasyon dati. Bago pa ikasal ang mga magulang mo at ang mga magulang ni Laurence nagkaanak sila.” NAGKAANAK?!! Ano?!! Ang ina ko at ang ama ni Laurence?!
“Ano ba yang pinagsasabi mo?!! Hindi kita maintindihan!!” Sigaw ko ulit sa kanya.“Renz, makinig ka muna. Ng malaman iyon ng ina ni Laurence nagbalak itong patayin ang ina mo. Kahit ilang taon na ang nakakaraan. Hindi matanggap ng ina ni Laurence na nagkaanak si Uncle Tsukasa at ang ina mo.”
“Kung nagkaanak man sila, asan?! ASAN ANG KAPATID KO?!!” Bulyaw ko sa kanya. Pero ngumiwi siya.
“Namatay ang bata, Renz.”
“Alam ba ni Papa ito? Alam nilang lahat?! Pati ang pinsan ko?!”
“Hindi. Ang mga nakakatanda lang ang nakakaalam.”
“PERO PAANO MO NALAMAN?!!”
“Narinig kong naguusap si Mama at si Tita Anna.” Tita Anna ang ina ni Laurence.
“Kailan? Kailan mo pa nalaman?!”
“A month bago tayo magbreak. Hindi ko akalain na ang mga magulang mo ang tinutukoy nila. Ng maalala ko lang nakwinekwento mo sa akin ang mga magulang mo dati, doon ko lang napagtanto na sila pala mismo iyon.” Napaluhod ako sa harap niya. Gulat na gulat. So totoo nga ang hinala ni kuya na hindi lang pangkaraniwang insidente iyon?!
Bakit?! Bakit ang ina pa ni Laurence?!!!
“Ang ina lang ba ni Laurence?” Tanong ko ulit.
“Oo, siya ang nagplano.” Kaya ba after naming bumisita sa bahay nila Laurence, halos hinahanap hanap ako ng ama niya? Andami kasing nagsasabi sa akin na kamukha ko ang ina ko. Yun ba ang dahilan? At yun din ba ang dahilan kaya… kaya ganun kabait ang mga magulang ni Laurence sa akin?
BINABASA MO ANG
Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*
Acción© 2012 by iammejlyn Isang katagang laging nasa isipan ni Clarence na naging second leader ng Ichisan dahil sa naranasan niyang panggagahasa ng dati niyang kasintahan na si Shin Yoshima. Sa kanyang paghahanap at paghihiganti, may nakilala siyang lala...