CHAPTER 46.2
DARREN POV
Ilang weeks na akong tumatambay lagi dito sa isang bar. Tangina lang! Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Daniella! Ano bang problema?!
“hey hottie.” Sabi ng isang babae sa akin at lumapit.
“Umalis ka nga!” Sabi ko sa kanya at tinaboy. Nakakabadtrip! Ayoko ng babae ngayon. Nakakaasar.
Mga siguro nakailang shot ako ng Tequila at halos gegewang gewang na ako. Umalis na din ako. NagCR lang ako sa isang park at pagkalabas ko nakita ko si Daniella kasama si Dennis. Bat sila magkasama?!
Walang kaano-ano, lumapit ako sa kanilang dalawa. Puta! Ilang araw siyang hindi nagparamdam tapos ganito?! Makikita kong magkasama sila?!!
“Daniella!” Sigaw ko. Gulat na gulat siya ng makita ako. “bat magkasama kayo niyan?! Ha?! Uuwi na tayo!” Sabi ko sa kanya at hinatak siya palayo. Pero pinigilan kami ni Dennis.
“Pare, kargo ko siya ngayon kaya sana wag kang bastos.” Gago din to ah! Ako pa ngayon ang naging bastos?
“Gago ka ba?! Girlfriend ko siya kaya may karapatan ako! Ikaw ang bastos!! Tara na Dane!” Sabi ko at hinila siya pero pumiglas si Dane. Why hon?
“Darren, tigilan na natin to.” Now what?!
“Ano ba yang pinagsasabi mo?” Sabi ko sa kanya. Please… please, don’t break up with me.
“Ayoko na. Tapos na tayo. Kami na ni Dennis at wala ka ng magagawa.” WALANG MAGAGAWA?! Ano to gaguhan lang?!! Ano ako, damit?! Na kahit kailan pwedeng palitan kasi mabaho na… madumi na?! Anong tingin niya sa akin?! DUMI?!!
“Ano ba yang pinagsasabi mo Dane! Alam mo bang ilang araw na kitang tinatawagan hindi ka sumasagot?!! Pagpinupuntahan kita sa condo mo lagi kang wala hanggang sa maggabi na hindi ka pa rin dumadating! Alam mo bang ilang lingo ako ganito?! Tas malalaman ko na magkasama lang kayo niyang hayop mong EX! Pwede ba Dane! At ngayon ang maririnig ko lang ay AYAW MO NA AT ITIGIL NA NATIN TO?! Tangina! Sa tingin mo ganito lang kadali tanggapin ang mga ito Dane?!” Hindi siya makapagsalita. Nakayuko lang siya.
“Daniella! Alam mong ikaw ang pangalawang babae na minahal ko ng ganito!! Alam mo kung gaano ako nagpakatanga sa una kong minahal. ALAM MO YUN DIBA?!! Tapos ngayon… Ano to gaguhan?! We promised each other na magpapakasal tayo after we graduate. ANO BA DANIELLA CHRISTINE LOZANO!! NAKIKINIG KA BA?!!! HA?!!!” Sabi ko sa kanya at niyuyugyog siya.
“WAG MO SIYANG GANYANIN!” Bigla naman akong sinuntok ni Dennis. At doon na nagsimula ang rambulan.
“TAMA NA!!” Sigaw ni Daniella. Umiiyak na siya. Nasasaktan ako. Ayokong umiiyak siya.
“Darren, tanggapin mo na lang! Wala na tayo! Please lang layuan mo na ako! Kami ni Dennis. Please. I’m happy with him.”
“Dane, bakit ako..? Hindi mo na ba ako mahal? Hon, look at me.” Lumuhod ako sa harap niya at tinignan ang kanyang mga mata.
“Honey, look at me. Please.” Tinignan naman niya ako at mas lalo siyang umiyak.
“I’m sorry kung ano man ang nagawa ko. Pero… Pero sana maayos natin ito. Hon..” Umiiling iling lang siya.
“I’m sorry Darren. Pero hindi ko kayang iwan si Dennis.”
“WHAT?!” Tangina. Bat ganito… hindi ako makahinga? Sumisikip ang dibdib ko. “Why?” Mahina kong sabi. Naiiyak na ako.
“Because…. I’m pregnant. And he’s the father.” A-ano? Pregnant? As in buntis? Teka.. tama ba ang narinig ko o imagination lang? Si.. Dane na mahal ko, buntis? At ang hinayupak niyang EX ang ama? Pa—ano? Halos hindi ako makapagsalita sa nalaman ko.
“Sorry Darren.” Kailan pa? Kailan?
“Gusto ko sanang sabihin sayo noon pa, kaso… kaso… hindi ko kaya. Mahal ko pa si Dennis non at ayun… nangyari. Dalawang buwan na ang nakakaraan.” 2 months?! She’s 2 months pregnant?! Kaya ba…. Hindi niya ako kinakausap? ANG TANGA KO!! NALOKO NANAMAN AKO!! Bakit ba ang mga babae manloloko?!!
Hindi ako makagalawa pero kailangan kong makaalis dito. Ayoko siyang makita. Lalo na si Dennis. Mga hayop sila! Mga baboy!
Tumayo na ako at umalis.
“Darren.. Darren!!” Sigaw ni Daniella pero hindi ko pinansin.
Ayoko silang makita. At huwag na huwag silang magpapakita sa akin at baka kung ano pa ang magawa ko.
----
Nainspired ako sa story ni Ate prettychq18 na 53.000 Steps.
Try niyo basahin! Maganda siya as in :))
kakaiba story! XD
Yun lang. Vote Comment Share! :))
Thank you. xoxo,
BINABASA MO ANG
Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*
Azione© 2012 by iammejlyn Isang katagang laging nasa isipan ni Clarence na naging second leader ng Ichisan dahil sa naranasan niyang panggagahasa ng dati niyang kasintahan na si Shin Yoshima. Sa kanyang paghahanap at paghihiganti, may nakilala siyang lala...