CHAPTER 20
“Hoy Gago ka ha!!” Sabi ni Steve kay Kuya Kevin at itinulak. Ano nanamn ba?!
“TANGINA MO HA!!” Sabi naman ni Jared at sinuntok si Kuya Kevin. Hinarang ko naman sila kay Kuya Kevin. Naguguluhan kaming dalawa, sinong hindi?! Bigla-biglang susuntukin si Kuya Kevin ng walang rason?!!
“HOY!! ANO BANG PROBLEMA NIYO?!!!” sigaw ko sa kanila. Nakatayo na din naman si Kuya Kevin at parang wala lang talaga sa kanya yung suntok. Sabagay, sanay na siya.
“Bat mo kasama yan?!” –Laurence
“Anong masama?”
“Hindi mo ba alam ha?!! Siya si Kevin Ramosa! Member ng Ichisan.”
“Ano naman ngayon? Masama na bang sumama ako sa KAIBIGAN KO?!” Pagkaemphasized ko talaga sakanila na kaibigan. Baka kasi kung ano nanaman iniisip nila. Ano yun tinotwo ko si Laurence? Ano namang pakealam nila eh FAKE lang naman relationship namin.
“Kaibigan?” Sabi nilang lahat na nagtataka.
“Sino ka ba para pagsabihan ng ganyan si Hime? Gago ka din ha!” Susuntok na sana si Kuya Kevin ng pinigilan ko.
“Anong sasabihin mo?” Sabi ko kay Laurence.
“Bat hindi mo sinasabi na kilala mo pala siya?”
“Nagtanong ba kayo? At bakit ko naman sasabihin out of nowhere? I’m just wasting my time here. Tara na Kuya.” Paalis na kami ng pinigilan nila kami.
“Alam mo bang may rule kami?”
“Ano namang kinalaman ko sa rule niyo?”
“Pagmay lumapit at nagpakita ng attachment sa girlfriend ng isa, patay sa amin ang lalaking iyon.”
“He’s my friend. Anong masama dun?” Sabi ko na lang hinila paalis si Kuya pero pinalibutan talaga kami. “Anong gagawin mo? Bubugbugin niyo kami? Tas tinatawag niyo ang sarili niyong RIVAL GROUP ng Ichisan? Baliw na ba kayo? Sa pagkakaalam ko ang Ichisan hindi ganito. And what you were all doing is crazy. He’s my friend. At teka Mr. Mizushima, ano namang pakealam mo kung may kasama akong lalaki ha?”
BINABASA MO ANG
Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*
Aksiyon© 2012 by iammejlyn Isang katagang laging nasa isipan ni Clarence na naging second leader ng Ichisan dahil sa naranasan niyang panggagahasa ng dati niyang kasintahan na si Shin Yoshima. Sa kanyang paghahanap at paghihiganti, may nakilala siyang lala...