CHAPTER 54
Hindi ako makapagsalita… Start all over again with Shin? Sabagay masaya naman ako sa kanya ehh. Ng dahil lang sa droga kaya nagkandaleche leche.
“Hahahahaha!!” Biglang tumawa ng tumawa si Shin. Anong meron? May nagawa ba akong nakakatawa?“What?” Sabi ko at tinignan siya.
“Don’t take it seriously. Alam ko namang si Hiro lang ang nasa puso mo.” Sabi niya at ngumiti.
Will I give him another chance?
“Wala rin namang kwenta ehh.” Sabi ko sa kanya.
“So anong ibig mong sabihin?” Sabi niya habang nakangiti pa rin.
“We’ll start all over again.” Sabi ko sa kanya ng seryoso at ngumiti. Pero umiwas siya ng tingin. Tinignan ko ang mga mata niya, malungkot.
“Clarence, kung ako maloloko mo, pwes yang nararamdaman mo hindi. Alam kong si Hiro lang yan. Tapos na ang storya natin Renz. I’m just testing you.” Sabi niya at tumingin na sa akin.
“Shin… Life must go on. I must move on.” Sabi ko sa kanya.
“Will you really give me a chance?” Sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko. Seryosong seryoso ang mga mata niya.
“Yes.”
LAURENCE POV
Nandito na kami sa Pilipinas. GRABE! Namiss ko ang mga usok. Ang mga traffic, mga basura sa daan at kung ano-ano pa. Ang masama nga lang may epal akong kasama.
Nauna na kasing umuwi sila Papa. Si lolo, susunod na lang daw. Prineprepare na daw ang lahat lahat para sa kasal namin. ANO BANG BALAK NIYA?!
“Anata, ikou!” (let’s go) Sabi ni Mika at hinatak ako papasok sa kotse na nagsundo sa amin. Habang pauwi kami, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Ilang buwan na ang nakakalipas.
Kamusta na kaya s Clarence? Okay lang kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hindi ako mapakali. Gusto ko siyang puntahan. Kaso bantay sarado ako ehh. Bahala na!
Pagkarating namin sa bahay nilock ko agad ang kwarto ko saka natulog. After nito, babalakin kong tumakas.
BINABASA MO ANG
Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*
Acción© 2012 by iammejlyn Isang katagang laging nasa isipan ni Clarence na naging second leader ng Ichisan dahil sa naranasan niyang panggagahasa ng dati niyang kasintahan na si Shin Yoshima. Sa kanyang paghahanap at paghihiganti, may nakilala siyang lala...