[ NOTE ]
hi pambawi sa whipping attachments hihihi at 'wag mag-alala, may part iii pa 'yon ;;;))))
_______________
SEUNGCHEOL is dead.
Kanina pa nangangatog ang mga tuhod niya habang nakatingin sa nangingitngit na si Lee Jihoon sa harap niya, kinakabahan at hindi alam kung anong gagawin.
Sino ba naman ang hindi kakabahan kung bigla ka na lang hilahin ng marahas ng isang Lee Jihoon at isalampak sa puno sa likod ng school?! Kahit ang liit-liit ng lalaki, bawing-bawi naman 'yong angas factor sa mga titig nito kahit na may suot itong glasses sa mga mata. Not to mention na nanapak 'to kung galit! (buti wala itong dalang gitara, atleast. Phew!)
Sinong hindi kakabahan?!
Wala! Definitely not Choi Seungcheol who had done him wrong.
Ah, naturally magagalit talaga si Jihoon sa kanya pagkatapos ng pangyayari kanina sa dodgeball nila sa P.E.
Ganito kasi ang nangyari.
Naglalaro ng dodgeball ang klase nina Seungcheol. Nagkataong dumadaan si Jihoon sa gilid ng court kung saan sila naglalaro (tadhana nga naman 'di ba?). Nagkataon din na lumipad 'yong bola patungo sa direksyon ng inosenteng si Jihoon na walang kamuwang-muwang sa mangyayari sa kanya kaya para sagipin siya, mabilis na tumakbo si Seungcheol patungo sa kanya at . . .
No. Hindi niya hinarangan ang bola. Ang sakit kaya n'on?
Ang ginawa niya?
Nagdive siya patungo kay Jihoon para maiwasan ang lumilipad na bola at aksidente niyang nahalikan ang nakababata nang matumba sila.
Hindi lang basta halik. Halik sa lips.
Welp, I mean accidents can happen right?
Pero base sa umuusok na ilong ni Jihoon at pandidilat nito sa kanya, hindi ata nito tanggap ang mga salitang "aksidente lang ang nangyari!"
"J-Jihoon, kung tungkol 'to sa nangyari kanina sa court, s-sorry na! S-Sorry na kasi! Hindi ko 'yon sinasadya swear!!" pagsusumamo ni Seungcheol sa nakababata habang unti-unting umaatras nang makitang unti-unti ring lumalapit sa kanya si Jihoon.
Hindi naman niya talaga 'yon sinasadya e! Bakit ba kasi ayaw maniwala ng lalaking 'to?! Ayaw pa naman niya ng gulo at mukhang mananapak na 'to!
Hindi umimik si Jihoon at patuloy lang ito sa paglapit sa kanya.
"Aksidente lang 'yon sabi eh! Hindi ko 'yon sinasadya! O-Oy! Ah t-to be fair first kiss ko rin 'yon ano! May nawala rin sa'kin! Ahhh! 'Wag ka ngang ganito!! Fair lang tayo! 'Waggg!"
Bobo mo lang Seungcheol bakit hindi ka pa tumakbo?
Pero huli na para umiwas. Mabilis na na-corner ni Jihoon ang lalaki at bago pa man ito manlaban, bigla na lang niyang hinila ang necktie ni Seungcheol pababa upang maging magkalevel ang kanilang mga mukha tsaka siya hinalikan sa mga labi.
Nanlaki ang mga mata ni Seungcheol nang maramdaman sa pangalawang pagkakataon ang pinakamalambot na mga labi na natikman niya buong buhay niya. (The only lips so far, that is) And they are moving! Seungcheol can't help but move along to the quirk of those enchanting lips.
Nang humiwalay si Jihoon, hindi na halos humihinga ang nakakatanda sa sobrang pagkabigla at sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
Jihoon kept his eyes sharp but hooded, hands firm around Seungcheol's necktie as he admired the older's red swollen lips.
"Nobody steals kisses from me and doesn't give it back."
BINABASA MO ANG
Lego House / jicheol
Fanfiction❝the book of jicheol where words don't matter (they kinda do, because this is a shot collection) and it's all about what they feel.❞ / book cover credits to: anecchan!