The Case of Lee Jihoon: Beards Pt. 3

693 50 41
                                    

"SEUNGCHEOL."

"Hmm?"

A lazy smirk spread across Jihoon's face when his boyfriend turned. Kalalabas lang nito sa banyo na medyo mamasa-masa pa ang buhok at may maliit na tuwalyang nakasabit sa balikat.

Oh finally.

Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa ngayong wala na ang lapastangan sa kanyang paningin?

He slowly lifted his head to the ceiling and bowed slightly. "Thank God."

Tumawa si Seungcheol tsaka hinipo ang makinis na mga pisngi at baba. "Naninibago ako. Ang kinis ng mukha ko."

Jihoon, who was lying in their bed, made a "come here" gesture with his arms so Seungcheol bounded towards him excitedly. Isiniksik niya ang ulo sa ilalim ng baba ni Jihoon at hinayaan itong yakapin siya gamit ang kanyang kaliwang braso. Jihoon kissed his head and ruffled it a bit.

"Akala ko ba gusto mong magmukhang taong grasa habang buhay."

Seungcheol laughed then hugged him back. "May deal kasi tayo e."

Jihoon hummed, approvingly.

"Hindi kita ipagpapalit sa bigote."

Seungcheol kissed Jihoon's tummy. Jihoon chuckled.

"Bakit mo naisipang magbigote?"

Frankly, Jihoon didn't like it one bit. Kaya nga gan'on na lang ang suklam niya nang makitang nagpapatubo ang kanyang boyfriend. Irritatingly fast too, since that guy needed to shave everyday or else those pesky stubbles would grow back. Hindi gaya ni Jihoon na hindi pa tinutubuan ng facial hair. Ever.

Maybe once? Twice? Hindi na nga niya maalala kung kailan ang huling beses siyang nagshave.

"Gusto ko lang subukan," sagot ni Seungcheol tsaka ipinatong ang kanyang binti sa binti ni Jihoon. He rubbed it gently against Jihoon's cold leg and Jihoon loved him even more. "Baka bagay sa'kin."

"Hindi bagay sa'yo kaya 'wag mo nang subukan."

Seungcheol chuckled. "Ayaw mo talaga n'on? May ilang nagsabi na mas gumwapo raw ako."

"Sino bang paniniwalaan mo, ako o sila? Tsaka hindi sila ang mapipilitang tumingin sa mukha mo araw-araw. Ako," Jihoon snapped. "So if I don't like it, get rid of it."

Tumingala sa kanya si Seungcheol tsaka ngumuso.

Ayan na naman 'to. Ngumunguso na naman. Butthurt na naman yata.

How this face amuses Jihoon everytime. Kahit na minsan nakakairita.

He admits Seungcheol is good at boyfriend aegyo despite being a year old and the bigger one in this relationship. How the older got this good at aegyo, hindi niya alam kung paano. Baka nagpapractice sa banyo. Baka hindi lang siya takot na maturn off si Jihoon sa kanya.

Jihoon secretly likes it though. Kaya nga panay ang asar niya sa nakakatanda. He wants to see that pouty face every now and then.

Iniangat ni Jihoon ang sarili gamit ang kanyang mga braso at dinapuan ng halik ang baba ng kasintahan.

"Mmm. No more sandpaper feel."

Seungcheol giggled then met his lips with his own.

Lego House / jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon