CHAPTER 4: Don't know what to do

2.2K 96 6
                                    

Parker POV

Hindi ako sumasabay sa barkada sa pag-uwi kasi gusto ko makasigurado na safe siyang uuwi sa dorm nila pero hindi ko naman siya pwedeng ihatid ni hindi nga ako makalapit sa kanya eh, kaya sinusundan ko na lang siya lagi kapag pauwi na siya pero hindi ako nagpapakita o nagpapahalata sa kanya, tapos maaga naman akong pumupunta sa kanila para sundan siya habang papasok. Ginagawa ko yun araw araw kaya lahat ng palusot na pwede kong sabihin kila Lhei sinasabi ko para hindi sila makahalata at gumagamit ako ng anim na kotse at pinagpapalit palit ko yun sa loob ng isang linggo para hindi ako mabuking. Pero hindi ko na kayang itago pa tong nararamdaman ko, ayokong nasasaktan yung babaeng mahal ko. Kaya sasabihin ko na sa kanya na mahal ko siya, sasabibin ko na kay Andrea na ako yung secret admirer niya na nagbibigay sa kanya ng mga regalo at roses araw-araw.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero sobrang saya ko kapag nakikita ko siya, lalo na kapag nakangiti siya. Kaya ako na yung sumama kay Tom nung pinasundo ni Lhei si Mandy para makita ko siya. Magbestfriend sila at magkaklase pa kaya siguradong magkasama sila.

Hindi naman ako torpe pero bakit pagdating sa kanya natatameme ako lagi, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakikita ko siya, gusto ko siyang lapitan pero hindi pwede kaya mas pinipili ko nalang umalis kapag nandyan siya kasi baka hindi ko mapigilan yung sarili ko. At dahil siguro iniisip niya na ayoko ko sa kanya, o kaya naman ayoko siyang nakikita. Kung Alam mo lang Andrea.

Mandy POV

Yes! Uwian na! Nung paglabas na kami nakita namin si Parker na nakasandal sa kotse niya at mukang hinihintay niya kami.

Nung nakita niya kami na padating, sumalubong siya agad samin. Naglalaway na ata tong bestfriend ko pano naman kasi ang gwapo ng lalaking kinababaliwan niya. Habang papalapit samin si Parker na nakashades at nakalagay yung dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa niya inshort nakapamulsa siya, hindi napigilan ni Andrea na masamid pa hahahaha.

" Oh, Andrea nandiyan na si Parker oh bakiy sinasamid ka pa?" Pangiinis ni Tom kay Andrea. Si Tom talaga kahit kailan oo. Sinamaan lang ni Andrea yung tingin niya kay Tom tapos inirapan niya. Nginitian naman siya ni Tom ng ngiting mapang inis. Tawa lang kami ng tawa. Kami naman ni Lhei nakangiti lang kami habang nakahawak siya sa bewang ko na parang yakap yakap din niya ko.

"Oh, Parker san ka galing? halfday ka lang pumasok ahh. " tanong sa kanya ni William na naka shades din.

Nginitian lang siya ni Parker pero hindi siya sumagot.

"Hindi na kayo uuwi sa dorm niyo." mabilis na sinabi samin ni parker umalma naman kami agad.

" Ano?!" sabay pa kami ni Andrea at sabay din kaming lumingon kay Lhei pero nagkibit balikat lang siya.

" Sorry Lhei, hindi ko na nasabi sa inyo gusto ko kasi makalipat na agad sila." sabi ni Parker.

" Okay lang Parker, kung para naman sa ikakabuti nila eh." sabi naman ni love. hahahaha corny.

Lumapit siya samin at hinila niya si Andrea. " Sumunod kayo samin" sabi ni Parker.Tapos sumakay na sila sa kotse niya.

Dinala kami ni Parker sa isang subdivision kung saan kumuha siya ng bahay para samin ni Andrea. Wag na daw kami mag-alala kasi binayaranna daw niya yung hulin hulog namin dun sa dorm tapos wala na daw kaming aalalahanin sa bayad dito sa bagong bahay.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon