CHAPTER 38: NIGHTMARE

196 7 0
                                    

"Manloloko ka! Manloloko ka! Manloloko ka !" paulit ulit kong sinasabi habang sinasampal sampal ko siya. Hindi ko matanggap na nagawa niya akong lokohin, nakaya niya akong ipagpalit sa iba. Yun ang nasa isip ko habang sinasampal sampal ko siya pero pagkatapos ng ilang segundo ay parang hindi na siya nahahawakan ng mga kamay ko, yung pakiramdam na sinasampal mo yung hangin, tapos maya maya ay unti unti kong naririnig ang boses ni Lhei.

"Mandy! Mandy! Mandy! Mandy!" ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko hanggang sa naidilat ko ang mga mata ko at naaaninag ko na ang mala anghel na muka ni Lhei.

"Mandy? Okay ka lang ba?" tanong niya sakin. Ilang segundo akong tulala at pilit na inaalala ang lahat ng nangyari.

"Panaginip lang pala" pabulong kong sinabi sa sarili ko tapos ay inihilamos ko ang mga kamay ko sa muka ko. Para akong naalimpungatan na hindi ko maintindihan. Tumingin tingin ako sa paligid ako, nagtatayuan na ang mga tao sa loob ng eroplano at mukang nasa pilipinas na kami.

"Nasa pilipinas na ba tayo?" tanong ko kay Lhei na nakatitig sakin.

"Oo nasa pilipinas na tayo. Ang lalim kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising, kung ano-ano tuloy ang napapaginipan mo." sabi niya sakin at pagkatapos ay niyaya na niya akong bumababa ng eroplano.

"Halikana at baka naghihintay na sila Parker tsaka sila Andrea. Tinawagan ko kasi sila." pagkatapos non ay bumaba na kami ng eroplano pero hindi parin mawala sa isip ko yung tungkol sa napaginipan ko.

Paglabas namin nakita ko agad si Andrea pano ba naman kasi siya yung unang una don sa may pinto ng waiting area for arrivals.

"Bessy!!!" tuwang tuwa siyang sumalubong sakin sabay yakap hahaha muntik na nga akong nahilo, muntik na akong nalamog sa sobrang tuwan niya ginawa akong teddy bear.

"Miss na miss na kita Bessy!! Kamusta ka na?" tanong sakin ni Andrea.

"Okay lang naman" nakangiti ko naman sagot sa kanya.

"Ang ganda ganda mo" sabi niya habang tuwang tuwa na hinahaplos haplos ang mahaba at kulot kong buhok.

"So paano? Tara na?" niyaya na kami ni Tom na umuwi.

"Oo nga tara na para din makapag pahinga kayo I'm sure pagod kayo sa byahe tsaka nagluto ako para sa inyo." sabi ni Andrea at excited niyang sinabi na nagluto siya para samin ni Lhei.

Habang nasa byahe kami ay nagkukwentuhan sila Lhei, Tom, Parker, William, Taffy at Adam.

" Totoo ba yung pinagkakaguluhan sa internet na may anak na kayo?" tanong ni William kay Lhei at nung lumingon si Lhei kay William ay sumagot sumagot naman si Taffy.

"Baka naman buntis pa lang si Mandy" bigla kaming nagtinginan ni Andrea at tsaka pa lang sumagot si Lhei.

" No she's not pregnant. Walang nangyari samin. Magkahiwalay kami ng kwarto." nag explain si Lhei sa kanila tungkol sa buntis issue nayon.

"Wehhhh? Di nga?" tanong ni Adam na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ni Lhei.

"Oo nga" mahinahon sa sagot ni Lhei.

"Natiis mo yon?" pabiro na tanong ni  Parker.

"Of course wag niyo nga akong igaya sa inyo noh. Pag sinabi kong mahal ko mahal ko." sabi ni Lhei sa kanila.

"YUNNNN" Sabay sabay na sinabi nung lima habang si Lhei naman iiling iiling lang yung ulo niya.

"Ikaw talaga nagsabi niyan ahh" binasag ko naman ang trip nila nung sinabi ko na siya pa talaga ang nagsabi non kaya nagtinginan sila sakin pati si Andrea.

"Bakit parang kontra yata si General?" patawang sinabi ni Taffy at nagtawanan silang lahat pati si Lhei na parang hindi niya nahalata na  naiinis ako.

Pagkatapos non ay tumahimik na lang ako buong byahe. Nasa isip ko parin yung nakita sa envelope pati na yung napaginipan ko sa eroplano. Iniisip ko na lang na wala lang lahat ng iyon, na baka nga sa company yung picture at information ng babaeng yon. Minsan kasi pag may confidential na mga bagay about sa company sa kanya pinapahawak ng papa niya. Yun na lang ang iniisip ko kasi wala din naman akong sapat na evidence na talaga ngang may iba siyang girlfriend bukod sakin. At isa pa mababaliw na ako sa kakaisip baka hindi na kayanin ng utak ko kaya TAMA NA! Okay Mandy TAMA NA!

Pagkatapos ng ilang oras ay nakauwi din kami sa wakas. Sinalubong kami ng dalawang kasambahay at tinanong agad ni Andrea sa kasambahay kung ready na yung pagkain. Nung sinabi ni manang na nakahanda na yung pagkain inaya kami ni Andrea na kumain dahil sigurado daw siya na napagod at nagutom kami sa biyahe pero sabi ko hindi ako nagugutom at gusto ko na lang magpahinga kasi sumakit talaga yung katawan ko at napagod ako sa sobrang haba ng biyahe. Nararamdaman na pala ng buong barkada na may problema kami ni Lhei pero ang totoo eh ako lang naman ang may problema. Ewan ko ba! nakakainis! Bakit ba kasi hindi ko mapigilan na magselos! Iba talaga ang nararamdaman ko sa babaeng yon.

"May problema ba kayo ni Mandy?" tanong ni Tom kay Lhei.

"Wala naman" sagot ni Lhei kay Tom

"Sigurado ka? Hindi kasi kayo sweet tsaka parang ang cold niya sayo. Hindi ka nga niya kinakausap eh." sabi naman ni William

"Hindi ko nga siya maintindihan eh, kanina sa eroplano nanaginip siya at paulit ulit niyang sinasabi na "manloloko ka!" sabi ni Lhei at kinuwento niya yung nangyari kanina sa eroplano.

"Wala ka naman bang ginawa?" mapagusisang tanong ni Taffy.

"Siyempre wala" simpleng sagot ni Lhei sa kanya.

"Alam niyo kayo napaka tsismoso niyo talaga. Huwag niyo ng usisain si Lhei, pareho lang silang pagod okay kaya kayo huwag na kayong makulit at hayaan niyo na lang muna silang magpahinga." sabi ni Parker sa kanila, sabay tawa naman yung apat. "Alam mo Lhei ganyan talaga yung mga babae kapag naghinala. Akala nila may ginagawang kalokohan. Kung ano man ang problema niyo ni Mandy maaayos din yan, ikaw pa ba eh mahal na mahal ka niyan kaya I'm sure hindi ka niya kayang tiisin." sabi ni Parker sa kanya sabay tapik sa balikat niya at pagkatapos ay niyaya na niyang kumain ang buong grupo. Laging sinasabi ni Lhei na walang problema pero ang totoo ay meron naman talaga ngunit hindi lang niya napapansin.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon