CHAPTER 29:

593 30 0
                                    

William's POV

"Sa tingin mo ba mabubuo pa ulit ang Lapiz Lazuli?" Tanong ko kay Adam habang pinaglalaruan ko yung keychain na napulot ko sa sahig ang ganda kasi ehh.

"Ano ka ba William hindi naman nasira yung grupo natin eh, malayo lang si Lhei pero mananatili paring buo at matatag ang grupo natin diba Taffy?" Binaling ni Adam yung tingin niya kay Taffy pero abala pala yung mokong nayon sa pakikipag tawagan sa bagong girlfriend niya. Iba talaga tong si Taffy napaka babaero. Napa iling na lang si Adam.

Nung binaling na ulit sakin ni Adam yung tingin niya ay bigla naman nagsalita si Taffy.
"Alam niyo umalis lang naman si Lhei para sa kaligtasan ni Mandy. Anong problema niyo don ?" Sabi ni Taffy. Nakikinig naman pala kahit nambababae.

"The problem is hindi na naging masaya yung dalawang yon. Puro na lang paghihirap ang dinadanas. Minsan na nga lang maging masaya ehh pinag hiwalay pa." Sagot ko naman .

"Ang dapat nating intindihin ngayon eh kung nasaan na si Mandy. Hindi pa daw siya umuuwi simula nung nalaman niya na umalis si Lhei." Sabi ni Taffy.

Kahit na Malayo si Lhei kay Mandy ay hindi niya ito pababayaan. May mga inutusan si Lhei para bantayan si Mandy pero walang nakakaalam ng plano niya na ito kundi kaming anim lang. Siyempre ibinilin din siya samin ni Lhei dahil alam daw niya na mas maalagaan at mas mababantayan namin ang girlfriend niya..

PARKER's POV

Noong una akala namin magiging okay ang lahat pero mukang nagkamali kami. Ligtas nga sila mula sa mga kamay ng masasamang tao pero hindi naman sila namumuhay ng normal. Si Lhei halos hindi nakikipag-usap sa ibang tao maliban na lang sa mga business partners nila, hindi din lumalabas ng bahay kung wala naman siyang trabaho. Si Mandy naman hindi din siya lumalabas ng bahay, pumapasok siya sa school pero laging tulala at hindi kinakausap ang kahit sino pati yung bestfriend niya. Nakakasalubong namin siya pero hindi niya kami pinapansin. Naaawa na kami sa kanilang dalawa, gusto namin silang tulungan pero wala naman kaming magawa kundi ang bantayan at alagaan si Mandy kahit na hindi niya kami pinapansin na para bang hindi niya kami kilala.

"Mandy!" Sumigaw ako ng malakas para marinig niya ako kasi medyo malayo kami nila Adam at Taffy ,tumakbo ako agad papunta sa kanya at sumunod naman sakin yung dalawa.

"Parker? Bakit? May kailangan ba kayo sakin?" Sunod sunod na tanong niya sakin.

"Ahh, wala naman" sagot ko naman sa kanya.

"Ah, sige mauna na ako may klase pa kasi ako ehh." Sabi niya agad sakin pagka sagot ko sa tanong niya tapos tumalikod agad siya para umalis. Pero pinigilan ko naman agad siya, nahawakan ko siya yung kamay niya.

"Sandali lang Mandy" sabi ko sa kanya habang hawak ko yung kamay niya. Napatigil siya agad pero hindi parin siya humaharap samin.
"Iniiwasan mo ba kami?" Tanong ko sa kanya, unti unti siyang humarap saming tatlo.

"Hindi ako umiiwas sa inyo marami lang talaga akong gagawin." Sabi niya sakin.

"Yun naman pala ehh, so pwede ka ba mamaya? " tanong ni Taffy sa kanya.

"Bakit? Anong meron mamaya ?" Tanong naman niya at palipat lipat ang tingin niya samin.

"Mag di dinner tayo sa bahay nila Parker mamaya." Sagot naman agad ni Taffy sa kanya. Magsasalita sana si Mandy pero hindi niya naituloy yung sasabihin niya dahil sumungit agad si Adam. "Hindi ka pwedeng tumanggi. Ngayon lang kami hihingi ng favor sayo kaya wag kang tatanggi." Sabi agad ni Adam, wala ng magawa si Mandy kaya pumayag na siyang sumama samin kahit na wala naman talagang dinner mamaya sa bahay namin buti na nga lang at na gets ko agad yung sinabi ni Taffy.

After class sinundo na namin si Mandy sa classroom nila pero hindi pa siya naka out kaya hinintay na namin siya sa labas ng classroom nila. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at itong si Taffy umandar na naman ang pagiging babaero.

"Ano ba kayo umandar na naman ang pagiging babaero niyo." sabi ko sa kanila.

At maya maya pa ay nag dismiss na ng klase ang teacher nila Mandy. Bawat estudyante na lumalabas ng classroom ay napapatingin at napapangiti lalo na ang mga girls.

Paglabas ni Mandy ay nag offer si Taffy na siya na ang magdadala ng gamit nito pero tumanggi siya, kaya naman daw niya sarili niya kaya hinayaan na lang ni Taffy.

" Guys alam ko na nag aalala kayo sakin pero okay lang ako at sorry kasi hindi ako sasama sa inyo. I'm sorry next time na lang." Sabi ni Mandy at tsaka siya tumalikod paalis.

"Man...." Hahabulin sana ni Taffy si Mandy pero pinigilan siya ni William.

"Hayaan na muna natin siya. Sa tingin ko kailangan niya munang mapag isa." Sabi ni William habang sinusundan niya ng tingin ang dalagang papalayo sa kanila..

MANDY's POV

Hayyy nakooo.. Ganito na lang ba talaga ang kwento ng buhay ko? Lagi na lang ba kong iiyak ? Masasaktan? Gusto ko lang naman ng masayang buhay kasama ang taong mahal ko. Gusto ko lang ng simple at masayang buhay kasama ni Lhei. Pero bakit naman po ganon papa god? Bakit po parang hindi niyo ako mapag bigyan.
Sabi ko sa isip ko habang nakatitig ako kay papa god at tahimik na nakaupo sa loob ng palasyo niya.

Sa kalagitnaan ng pagdadasal ko ay bigla ko na lang naramdam ang panyo na ipinupunas ni Andrea sa pisngi ko para punasan ang luha ko.

" Best alam ko mahirap to para sayo pero kailangan mong kayanin para sa sarili mo at sa mama mo." Sabi ni Andrea na bestfriend ni Mandy habang hinahaplos niya ang likod ng kaibigan. Ngumiti na lang si Mandy para takpan ang sakit na nararamdaman niya.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon