CHAPTER 40: BIG FIGHT

271 9 1
                                    

"Kailan mo pa ako niloloko?" mahinahon na tanong ni Mandy kay Lhei habang nanggigilid na ang kanyang mga luha at ano mang oras ay maari ng tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Mali ang iniisip mo, hindi kita niloko. Please Mandy maniwala ka naman sakin. "pagpapaliwanag ni Lhei kay Mandy.

" Paano akong maniniwala sayo kung ako mismo nakita ko sa mga mata ko kung paano mo ako lokohin. " sabi ni Mandy

" Hindi lahat ng nakikita ng mata totoo. " sumingit naman sa usapan ni Lhei at Mandy yung babaeng kasama ni Lhei, agad naman sumagot si Mandy sa pahayag nung babae.

" At hindi lahat ng naririnig dapat mong paniwalaan! " panggigil ni Mandy sa babaeng kaharap niya. Humakbang siya ng isang beses para makalapit ng konti sa babaeng kausap niya, hinarangan siya agad ni Lhei gamit ang mga kamay niya para pigilan. Nasa kaliwang side ni Mandy si Lhei, yung kanang kamay niya nakahawak sa braso ni Mandy at yung kaliwang kamay ni Lhei ay nakayakap kay Mandy.

"Ilang beses na ba niyang sinabi sayo na mahal ka niya? Naniniwala ka naman. Marami na kaming isinakripisyo para sa isa't isa pero nagawa parin niya kong lokohin at ipagpalit sa iba, ikaw pa kaya na kailan lang niya nakilala. " sabi ni Mandy.

"Tamana na Mandy! Please. " dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na napigilan ni Lhei ang sarili niya, napagtaasan niya ng boses si Mandy pero nahimasmasan din siya agad kaya nakiusap na lang siya kay Mandy na tumugil na.

" TAMANA ?! Bakit ako ang pinapatigil mo?! HA?! Bakit hindi yung babaeng iyan ang patigilin mo sa pagsira niya satin!" sabi ni Mandy pero tiningnan lang siya ni Lhei, binaling niya ang paningin niya dun sa babaeng kasama niya. " Angela umalis ka na, sige na umuwi ka na." sabi ni Lhei dun sa babae. Pinili na lang umalis ni Angela para makabawas sa gulo.

Kita sa muka ni Mandy ang galit at lungkot habang tiningnan niya ang papaalis na si Angela.

" Mandy please makinig ka naman sakin. " pagmamakaawa ni Lhei sa kanya.

" Bakit? Ano pa ba ang sasabihin mo? " sagot sa kanya ni Mandy.

Hahawakan sana ni Lhei ang kamay ni Mandy pero tumanggi ang dalaga at agad binawi ang kamay niya.

" Hindi mo ako naiintindihan eh gus..." hindi na hinayaan pa ni Mandy na matapos sa pagsasalita si Lhei.

" Oo! Hindi kita maintindihan! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo! Hindi ko alam kung anong problema mo! Kahit ano ang sabihin mo, kahit ano pa ang dahilan mo hindi mo hindi ka dapat nagsisinungaling. Diba nangako tayo na wala na tayong itatago sa isa't isa pero bakit ganito? Hindi ko na alam kung paano pa kita iintindihin."  Sabi ni Mandy, sa sobrang sama ng loob niya ay pinili na lang niyang umalis.

Dahil sa matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa ay hindi na naiwasan ni Lhei magtaas ng boses at makipag sagutan kay Mandy.

" Ano ! Aalis ka na naman? Ha?! Lagi ka namang ganyan eh! Lagi ka na lang umaalis pag hindi mo na kaya yung problema. Aalis ka tapos maiiwan na naman sakin lahat. Nakakapagod na Mandy, simula nung minahal kita hindi na naayos yung buhay ko. Lagi na lang may gulo. Simula nung pinaglaban ko yung pagmamahal ko sayo marami na ang nawala sakin pero nagreklamo ba ako? Hindi diba kasi nga mahal kita! Pero parang laging kulang. Ano pa bang dapat kong gawin?"  Hindi na napigilan ni Lhei na ilabas lahat ng sama ng loob niya.

" Sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Marami din akong sinakripisyo para lang makasama ka, kahit na alam kong delikado yung magiging buhay ko pag sumama ko sayo hindi pa din ako nagdalawang isip na sumama sayo kasi mahal kita, lahat tinalikuran ko para makasama ka kaya wag mong isusumbat sakin na napapagod ka na, na nahihirapan ka na dahil kung tutuusin ako mas dapat magalit sayo dahil simula nung sumama ako sayo naging miserable na ang buhay ko, naging delikado na ako dahil sa mga humahabol satin at gusto tayong patayin pero hindi ako sumuko, hindi kita iniwan dahil ikaw ang gusto kong makasama. Pero siguro nga tama ka, hindi ka nila pag iinitan kundi dahil sakin. Huwag kang mag alala simula ngayon matatahimik ka na, matatapos na ang lahat ng paghihirap mo, matatapos na ang gulo nato. " pagkatapos niyang magsalita ay sabay na pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata. Tuluyan na ngang umalis si Mandy at naiwan namang umiiyak si Lhei habang nakaluhod, wasak ang mundo at puso pati na ang pag asa na babalik pa ang dating masaya nilang pagsasama.

          ************************

Hi guys thankyou sa support na binibigay niyo sa THE BAD BOY'S WEAKNESS. At para sa mga taong patuloy na nagmamahal, umaasa at patuloy na nasasaktan inyong damhin ang saya at lungkot na dala ng salita na inyong mababasa mula sa aking orihinal na likha. Sana po ay magustuhan niyo din.

"PAHINA" ( FILIPINO SPOKEN POETRY ). 

Ang entry na ito ay isa sa mga nilalaman ng Pahina.

Bakit ba ikaw?

Napaka ganda ng umaga ngunit kasing lamig ng pagmamahal niya. May tanong lang ako sa inyo, naka move on na ba kayo? Huhulaan ko sagot niyo, HINDI PA. TAMA BA?
Hindi ko kayo gustong saktan pero akoy inyong patawarin kung kayo ay aking paluluhain sa mga salita na aking bibitawan ngunit wag mag alala dahil alam ko na hindi pa naghihilom ang sugat na iniwan niya, alam ko na nararamdaman mo pa ang sakit na dulot niya, alam ko ang lahat ng iyan, alam ko sapagkat  ako ay kagaya niyo rin na nagmahal at umasa ngunit ang ending ay iiwan lang pala. Hindi ko kayo masisisi kung litrato niyo na magkasama ay tinatago mo pa, iniingatan ang masasayang alaala dahil doon mo na lang siya muling makikita. Hinahanap-hanap mo pa rin ang higpit ng yakap niya, init ng halik niya ay pilit mo pa rin dinadama. Pasensya na kung nasasaktan ka pero kailangan mong tanggapin na ang mahal niya ay iba na. Ang t*anga natin diba? Madami naman kasi diyang iba bakit siya pa. Alam mo kung bakit ka nasasaktan? Kasi kasalanan mo, kasalan ko, kasalanan nating lahat dahil minahal natin ang dapat ay kaibigan lang.

Invite ko na din po kayo to like my page. Thankyou..

https://www.facebook.com/Pahina-1021393498023792/

com/Pahina-1021393498023792/

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon