CHAPTER 37: SECRET REVEALED

175 8 2
                                    


Hindi maintindihan ni Mandy kung bakit parang ayaw na niyang umuwi ng Pilipinas kahit na yun ang gustong mangyari ni Lhei. Pinagbigyan niya ang kagustuhan ni Lhei dahil mahal na mahal niya ito.

"Tapos ka na bang mag empake?" kumatok si Mandy sa kwarto ni Lhei para icheck kung okay na si Lhei pero hindi parin pala siya tapos mag ayos ng mga gamit niya. Hayyyy!! nako Lhei!! Kahit kailan talaga ang bagal mong kumilos palibhasa kasi kung ano ano inaatupag mo!

"Hindi pa nga eh binabasa ko kasi yung mga documents ng company." sabi ni Lhei pero palusot lang yon dahil ang totoo ay may iba siyang ginagawa na ayaw niyang makita ni Mandy. Pumasok siya sa kwarto ni Lhei para tulungan na mag empake si Lhei.

"Sige na mag shower ka na ako na bahalang mag ayos nito baka malate tayo." sabi ni Mandy kaya nagshower na si Lhei pero bago siya pumasok sa shower room niya ay nginitian niya si Mandy at ngumiti naman si Mandy sa kanya.

Habang naliligo si Lhei ay napansin ni Mandy yung envelope sa table ni Lhei. Natatandaan niya yung envelope nayon. Yun ang envelope na binigay sa kanya nung lalaki. Ayaw sana niyang pakialaman yung envelope nayon pero parang may tumutulak sa kanya para buksan ang envelope. Alam niya na matagal maligo si Lhei kaya nagdesisyon siya na buksan ang envelope, hindi naman naka sealed yung envelope kaya hindi mapapansin na binuksan ng iba.

Hindi alam ni Mandy kung anong mararamdaman niya nung nakita niya yung picture ng isang babae at ibang information dahil ang inaasahan niya ay mga documents ng company. Yun ang sinabi sa kanya ni Lhei kaya yun ang pinaniwalaaan niya. Ngayon lang nagsinungaling si Lhei sa kanya pero bakit? Ano ang dahilan para magsinungaling siya. Kunwari ay wala siyang alam at wala siyang nakita tuloy tuloy lang siya sa pag aayos ng mga gamit ni Lhei at nung matapos ay nagpaalam na siya kay Lhei na babalik muna sa kwarto niya.

Pagpasok ni Mandy sa kwarto niya ay napasandal na lang siya sa pinto. Hinawakan niya ang kanyang dibdib na para bang hindi siya makahinga.

"Wag ka mag isip ng kung ano ano Mandy mahal ka niya. Trust Mandy, trust." bulong ni Mandy sa sarili niya habang nakahawak parin sa dibdib niya.

Gusto kong umalis at huwag ng magpakita sa kanya pero paano ko malalaman ang totoo kung aalis ako. Gusto kong malaman ang totoo, kung sino ang babaeng iyon at kung ano ang koneksyon niya kay Lhei. Nagdesisyon ako makisama kay Lhei na parang wala akong alam. Nagpatulong sa driver na ibaba yung mga gamit ko sa living room at doon ko na hinintay si Lhei hanggang sa dumating na siya dala ang maleta niya. Nung nakita ko siya ay tumayo na ako agad.

"Okay ka lang?" tanong niya sakin

"Yeah" matipid kong sagot sa kanya. Gusto ko man sabihin sa kanya na hindi ako okay, alam ko na pwedeng mauuwi lang sa away ang usapan kaya nanahimik na lang ako. Eh sino nga ba ako isa lang naman akong hamak na girlfriend na pwedeng pwede niyang palitan kahit kailan at kahit anong oras niya gustuhin.

"Mahal?" para akong nananaginip at bigla na lang nagising sa maamo niyang boses.

"Ha?" sabi ko sa kanya dahil hindi ko narinig yung sinabi niya. Alam kong may sinabi siya pero hindi ko naintindihan dahil nga lutang ako nung mga oras nayon.

"Okay ka lang ba talaga? Gusto mo reschedule na lang natin yung flight? Dalin na lang kita hospital." sabi niya sakin

"NO!" nabigla ako sa nasabi ko kaya napalakas yung boses ko. Pero sinundan ko nan ng explanation para hindi siya makahalata.
"Ahh I mean ahhh no need kasi okay lang naman ako tsaka sayang yung ticket kung hindi tayo aalis ngayon kaya tara na LET'S GO!" sabay hila ko sa kanya palabas ng bahay.

Habang nasa biyahe kamk nanatili akong tahimik kasi ang daming tanong sa utak ko na hindi ko masagot. 1. What if totoo yung hinila ko na may something sila nung babaeng yon? 2. What if nagsisinungaling siya sakin? 3. What if iiwan na niya ko? 4. What if hindi na siya masaya sakin kaya naghanap siya ng iba na magpapasaya sa kanya at kayang ibigay yung hindi ko kayang ibigay sa kanya sa ngayon? 5. What if ? What if ? Basta marami pang what if ang tumatakbo ngayon sa isip ko. Hindi ko na iisa isahin baka maistress lang kayo.

Naiinis lang talaga ako kasi nagsinungaling siya sakin. Ang sabi niya documents ng company pero picture at information ng isang babae yung laman ng envelope na iyon! Ano siya company investigator at nasa kanya yung mga papeles na iyon? GRABE HA!

Parang sasabog yung dibdib ko sa inis pero kailangan kong pigilan kaya natulog na lang ako para kahit papano  makalimutan ko yung problema ko.

"Sinasabi ko na nga ba?!" pasigaw kong sinita si Lhei kasama yung babaeng nasa picture.

"Mandy let me explain." pagmamakaawa niya sakin habang unti unti siyang lumalapit at sinusubukan niyang hawakan ang mga kamay ko pero nagpupumiglas ako.

"LET ME EXPLAIN!? Anong i-e-explain mo! HA?! Malinaw yung mata ko Lhei! Hindi ako bulag para hindi ko makita na nakikipag halikan ka sa iba!" hindi na ako nakapag pigil pa kaya nasampal ko siya pagkatapos kong sabihin lahat ng nasabi ko sa kanya.

" No! no! It's not like that. Please Mandy please hayaan mo naman akong magpaliwanag please." nagmamakaawa parin siya sakin na pakinggan ko siya.

"Sige maliwanag na explanation ahh! Sige iexplain mo! kung paano mo ko niloko!" sabi ko sabay tulak ko sa kanya dahil sinusubukan niya yakapin ako.

"Hindi naman ganon eh aksidente lang yon! Hindi ko sinasadya!" yun ang pilit niyang sinasabi sakin para ano? Para maniwala ako sa mga kasinungalingan niya? Hindi niyo ako masisisi kunh bakit ganon na lang galit ko sa kanya dahil niloko niya ko.

"Mandy please hindi naman namin sinasadya eh. Sana wag ka ng makipag break sa kanya." sabi nung kabit na impakta. "SANA HINDI NIYA AKO NILOKO!!!" mabilis kong sagot sa kanya at mas mataas pa ang boses ko ngayon kesa kanina.

"Mandy please wag ka naman mag eskandalo dito!" sabi ng magaling kong fiancé.

"Bakit?! Nahihiya ka?! Sa kanila nahihiya ka! pero sakin na fiancé mo hindi ka nahihiya!" sarap sapakin! Ako pa talagang sasabihan niya ng ganon! KAPAL NG MUKA NIYA!

"Mand..." magsasalita ulit yung mala*di nayon pero hindi ko siya hinayaan dahil hindi pa niya natatapos sabihin yung pangalan ko eh sinagot ko na agad siya. "HOY!! Local na labanos! wag na wag kang magsasalita diyan ahh baka upakan kita! Kanina pa ko nanggigigil sayo!" sabi ko sa kanya habang nanggigigil ako. Gustong gusto ko siyang sabunutan pero wag na lang kasi kakatapos lang manicure ko sayang naman kung masisira lang ng dahil sa babaeng yon! Kaya si Lhei na lang ang sinampal ko! Dapat lang yon sa kanya! Kasi manloloko siya!

"Manloloko ka! Manloloko ka! Manloloko ka!" paulit ulit kong sinisigaw na manloloki siya habang sinasampal sampal ko siya. Hindi ko matanggap na nagawa niya akong lokohin, nakaya niya akong ipagpalit sa iba.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon