CHAPTER 14: Benjie

835 32 0
                                    

William POV

Pasimple akong bumulong sa kanila, sabi ko pag-uusapan namin sa library ( yung library sa bahay ng mama ni Mandy ) kung ano yung mga plano namin para sa surprise ni Lhei kay Mandy kaya lang hindi natuloy. Bakit? Tanong niyo kay Benjie?! Nakakainis talaga tong mokong nato! lagi na lang umeepal samin! Katulad din ako ni Lhei, pareho namin hindi gusto si Benjie kahit pa kaibigan namin siya pero hindi ko naman masisisi si Lhei kung hindi niya kayang talikuran yung mokong nayon dahil kaibigan din naman niya si Benjie.

" Hi guys ! " napalingon kaming lahat don sa lalaki na sumigaw at kumakaway kaway pa. Nung nakita namin na si Benjie yon nagkatinginan na lang kaming lahat.

Lumapit samin si mokong at niyakap yakap kamina para bang bading nakakainis talaga siya ! Napatingin na lang ako ng masama kay Lhei dahil sa inis ko, bakit ba kasi napadpad dito tong tao nato?! Ha?! Sino nagsabi sa kanya na nandito kami?! Patayin ko!

Tinapik ako ni Lhei sa balikat ko dahil sa nakikita niyang reaksyon ko at dahil sa reaksyon ko nato alam na ni Lhei na naiinis ako kay Benjie !

" Uyyy! mukang masarap to. " sabipa nung mokong nato, masarap talaga yan dahil si Mandy ang nagluto niyan noh ! tapos tinikman niya yung cookies na binake ni Mandy.

Nanlaki ang mga mata niya " Wow ! ang sarap ahh! ikaw nagluto nito Mandy noh? kilala ko yung lasa nito eh, luto mo to." sabi bigla ni Benjie. Napatigil bigla si Lhei sa narinig niya at nakatitig siya kay Benjie na blangko yung muka niya, maya maya pa ay lumingon siya kay Mandy na nasa tabi lang niya. Mukang hindi nagustuhan ni Lhei yung narinig niya baka naman mali lang kami ng intindi. Oo, halos pare-pareho kami ng iniisip.

" Bakit ? naipagbake ka na ba ni Mandy ng cookies?" tanong ni Taffy, nakatingin lang kaming lahat kay Benjie at naghihintay ng sagot.

" Oo, may mga heart heart pa nga eh, tsaka mga emoticon na gawa sa pastillas." sagot ni Benjie. Parang tren si Lhei nung narinig niya yung sagot ni mokong, umuuso lahat ng pwedeng labasan ng usok sa buong katawan niya dahil sa inis. Inis nga ba? O selos? Hay nako ! Lhei.

" Buti ka pa naipagbake na ni Mandy, ako kasi never pa niya kong binigyan ng cookies na siya ( tumingin siya kay Mandy ) mismo ang nagbake." sabi ni Lhei, natahimik ang lahat dahil sa sinabi niya at para gumaan ang sitwasyon ay nakisali na si tita Andy " Ah mga iho mamaya na ang kwentuhan kumain muna tayo ahhh" niyaya na kaming kumain ni tita Andy. Habang kanya kanya na kumukuha ng pagkain ang lahat, napansin ni Mandy na pumasok pala sa loob ng bahay si Lhei, napalingon ako kay Mandy na nakita ko na tinitignan niya si Lhei habang papalayo, tinignan ako ni Mandy at nakikita ko sa muka niya na hindi niya alam kung anong gagawin niya kay Lhei. Lumapit ako sa kanya at pasimple akong bumulong " Don't worry Mands madali namang pagpaliwanagan yan eh. " sabi ko kay Mandy para gumaan naman kahit papano yung loob niya.




The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon