CHAPTER 27: I'm Sorry

641 27 0
                                    

LHEI's POV

Kahit hindi ko naririnig kung ano ang sinasabi niya alam ko na sinambit niya sakin na "I Love You" hindi ko na kailangan itanong sa kanya kung ano ang sinabi niya dahil alam ko ang buka ng bibig niya sa tuwing sinasabi niya sakin na "I Love You", "Mahal na mahal kita", " Ikaw lang at wala ng iba", "Kahit bad boy ka mahal kita". Wala ng sasaya pa sa pakiramdam kapag sinasabi niya sakin yung mga salita nayan.

Habang papalapit ako sa kanila ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko at sinasabi nito na wala ng iba pang mamahalin ang pusong ito kundi ikaw.

Natatakot ako na dumating yung araw na hindi na kita makakasama, ayokong isipin na masasaktan ulit kita, ayokong isipin na muli kang iiyak dahil sakin.

Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nasa harapan na pala nila ako at hindi ko narinig na kanina pa pala ako tinatawag ni Mandy.

"Lhei? Lhei? Lhei?" Paulit ulit niyang Sambit sa pangalan ko na hindi ko namalayan dahil sa dami ng iniisip ko.

"Ah, sorry " wala akong ibang nasabi kundi sorry tapos ngumiti na lang ako sa kanya at ngumiti naman siya pabalik .

" Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin pero hindi ako agad nakasagot, napatitig lang ako sa kanya at pagkaraan ng ilang sandali ay napalingon ako kay Benjie na nakatitig lang sakin at tila alam niya kung ano ang nangyayari.

"Huy! " Hindi man lang ako nagulat sa kanya dahil gulong gulo parin ang utak ko. Wala na akong masabi kaya nginitian ko na lang siya at niyakap, niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit dahil natatakot ako na baka ito na ang huling beses na mayayakap ko siya.

Ayoko magpadala sa nararamdaman ko, ayoko na makita niya akong umiiyak kaya pilit kong pinigilan para hindi niya makita kung gaano ako nasasaktan.

"Ohh siya tamana na ang yakapan, bumalik na tayo don at baka hinahanap na tayo nila mama tsaka baka kakain na tayo, ikain niyo na lang iyan." Sabi ni Benjie na pabiro pero kahit pabiro alam naming dalawa sa sarili namin na may laman ang mga sinabi niya at sinabi niya ito para tulungan akong pigilan ang sarili ko na umiyak sa Harap ni Mandy.

Bumitaw ako sa pagkakayap ko sa kanya at ngumiti ako para alam niya na masaya ako kahit na alam ko sa sarili ko na deep inside sobra akong nalulungkot at nasasaktan.

Naiwan sa loob ng bahay sila mama at papa kasama si tita Andy.

"Alam namin na magiging mahirap ito para sa mga bata pero kailangan nating gawin ito para sa ikabubuti nila." Sabi ni papa kay tita Andy.

"Oo alam ko, pero paano naman ang anak ko? Siya na lang ba ang laging mag aadjust? Ang dami na niyang pinagdaanan ayokong masaktan pa siya ulit." Sagot ni tita Andy sa kay papa.

" Hindi sila pwedeng magkasama dahil laging napapahamak ang isa sa kanila kapag magkasama sila hindi mo ba naiintindihan yon Andy?" Pagpapaliwanag ni papa kay tita Andy habang si mama at nakikinig lang sa usapan nila ngunit kitang kita sa mga mata niya na nalulungkot din siya sa mga nangyayari.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, ibinilin ko muna si Mandy kay Benjie.

" I'm sorry tita" sabi ko kay tita Andy tapos lumapit ako sa kanya at lumingon silang lahat sakin.

"Sorry po kung nasasaktan ko si Mandy. Mahal na mahal ko po siya at ayokong mapahamak siya. Tama po si papa, malalagay lang ulit sa panganib ang buhay ni Mandy kapag hindi ako lumayo." Sabi ko kay tita Andy, unti unting tumulo ang luha sa mga mata niya dahil nasasaktan siya para sa anak niya.

"Pero pipilitin kong makabalik po ako para sa kanya, babalik ako kasi mahal ko siya. Kahit gaano pa katagal akong malayo sa kanya ay babalik at babalik ako dahil nangako kami sa isa't isa at hindi masisira ng kahit na anong problema yung mga pangako namin." Sabi ko kay tita Andy at niyakap niya ako.

Pagkatapos namin mag-usap ay dumating na sila Benjie at Mandy kaya pasimple namin na pinunasan  agad ni tita Andy yung mga luha namin para hindi makahalata si Mandy. Hindi namin sasabihin sa kanya, mas mabuting wala siyang alam. Titiisin ko na lang ang galit niya sakin kapag nalaman niya na umalis ako at iniwan ko siya.

Ayokong saktan si Mandy pero ito lang ang paraan para maging ligtas siya.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon