CHAPTER 39: CONFRONTATION

287 12 2
                                    

"Akala niyo hindi ko nararamdaman na may problema pero mali kayo dahil simula nung nakabalik kami sa pilipinas naramdaman ko na may sama ng loob sakin si Mandy, nararamdaman ko kung paano siya lumayo sakin at maiintindihan ko kung magagalit siya sakin. Alam ko na alam na niya dahil nakita niya yung laman ng envelope. Tinulungan niya ako na mag empake ng mga gamit ko tapos pinaligo na niya ako dahil alam niya na matagal akong maligo kaya baka malate kami. Nakita ko na binuksan niya yung envelope, wala na akong magawa kung hindi magkunwari na wala akong nakita." sabi ni Lhei kay Parker habang naupo sila garden.

"Ano bang laman nung envelope?" tanong sa kanya ni Parker.

Hindi sumagot si Lhei sa tanong niya at ipinikit lang niya ang mata niya at sinabing "Gusto ko lang naman na mabuhay kami ng tahimik eh. Masama ba yon?"

"Totoo ba yung sinabi nila kanina na may kinalaman sa babae yung problema niyo ni Mandy?" tanong ulit ni Parker kay Lhei.

"Oo pero mali sila ng iniisip." sagot ni Lhei sa kanya.

"Eh ano ba ang hindi mali sa mga babae pag nagduda? Girlfriend mo si Mandy natural lang na magduda o magselos siya." sabi ni Parker sa kaibigan niya.

"Hindi ko na talaga alam. Ginagawa ko lang naman lahat ng ito para kay Mandy tsaka para matahimik na kami." sabi ni Lhei na nakakunot ang noo.

"Ginagawa mo para sakin o para sa sarili mo o baka naman kasi nagsasawa ka na sakin kaya naghahanap ka na ng kapalit ko." sabi naman ni Adam na kakadating lang sa garden at narinig pala niya lahat ng pinag usapan ni Lhei at Parker. Napalingon sa kanya si Lhei at Parker nung dumating siya.

"Yan ang isasagot sayo ni Mandy." para kay Adam ay siguradong sasabihin ni Mandy na ginagawa lang ni Lhei lahat ng iyon para sa sarili niya o kaya naman ay nagsasawa na si Lhei kaya naghahanap na ipapalit kay Mandy.

"Paano ka naman nakakasigurado?" tanong sa kanya ni Parker.

"Eh kasi lahat ng naging girlfriend ko ganyan ang sinasabi pag makikipag break nako." pagpapaliwanag ni Adam.

"Iba naman sayo si Lhei noh! Babaero ka lang talaga." sagot naman sa kanya ng kaibigan na si Parker.

"Gwapo naman." pagbibiro ni Adam sabay kagat ng kissable lips niya at napakunot naman ang noo ni Parker at Lhei.

"Alam mo Lhei kung ako sayo aaminin ko na kay Mandy yung totoo tapos iexplain mo na lang ng mabuti sa kanya para maintindihan niya at hindi na lumala pa yang problema mo at para hindi na humantong pa sa gulo." dagdag pa ni Adam.

"May point si Adam, ikaw na nga mismo ang nagsabi na nakita na niya yung mga information nayon." sabi ni Parker sabay tayo sa kinauupuan niya at kumuha ng red wine na nasa tabi ni Adam. Pagkatapos niyang kumuha ng wine ay tumayo na lang siya sa tabi ni Adam at hindi na siya bumalik sa kinauupan niya kanina.

"Matalino si Mandy imposibleng hindi siya magduda sayo." dagdag pa ni Parker. Napabuntong hininga at napapikit na lang si Lhei sa sobrang stress dahil hindi na niya alam ang gagawin niya. Maraming beses na niyang nasaktan si Mandy at ayaw na niyang maulit pa ulit ito.

Hindi pa natatapos ang problema ni Lhei pero may kasunod na agad ito at sa pagkakataon na ito ay mas mabigat, mas masakit at mas mahirap para kay Lhei na malagpasan ang pangalawang problema na kinakaharap niya.

Sabado ng madaling araw nung umalis si Lhei para makipagkita sa isang babae na hindi pa nakikilala nila Mandy o ng kahit sino sa mga miyembro ng Lapiz Lazuli. Makikipag kita sana si Lhei sa nasabing babae para gawin ang bagay na dapat matagal na niyang ginawa pero hindi sa kasamaang palad ay nasundan sila ni Mandy at nangyari ang matagal na niyang kinakatakutan. Hindi na natiis ni Mandy ang sama ng loob kaya nagdesisyon siya na kausapin na si Lhei at ang babaeng kasama nito pero hindi siya nakababa agad ng sasakyan niya, hindi niya alam kung tama o mali ang desisyon na gagawin niya. Sa kabila ng lahat ng mga pagdududa niya kay Lhei kahit minsan hindi pumasok sa isip niya na iwanan ang taong mahal na mahal niya, kung nagkaroon man ng mga pagkakataon na naisip niya ang bagay na ito ay dahil lamang sa sama ng loob niya ngunit wala pa ring papantay sa pagmamahal niya kay Lhei.

Nagdesisyon si Mandy na bumaba na ng sasakyan at kausapin si Lhei kasama ang babaeng hindi pa niya nakikilala. Binuksan niya ang ilaw ng sasakyan niya at saka bumaba ng kanyang sasakyan. Napalingon agad yung dalawa nung nagliwanag yung ilaw ng sasakyan ni Mandy. Hindi na kailangan pang mag isip ni Lhei kung sino ang taong nasa harapan nila ngayon dahil nung nakita pa lang niya yung sasakyan ni Mandy ay alam na niyang si Mandy yon.

"Lhei?" mahinahon na tanong ni Mandy sa kanya habang mabagal na naglalakad papalapit kay Lhei at sa babaeng kasama niya.

Hindi sumagot si Lhei nung sinabi ni Mandy yung pangalan niya. Natahimik lang siya at nagkatinginan sila nung babaeng kasama niya, paglingon niya ulit kay Mandy ay tinanong siya agad nito. "Sino siya?" Pilit na pinipigilan ni Mandy ang sarili niya na umiyak pero kahit anong pagpipigil ang gawin niya halos nanggigilid na ang luha sa mga mata niya.

"Ahhh Mandy..." naguumpisa pa lang sa pagsasalita si Lhei, sumingit agad yung babaeng kasama niya.

"Mandy please hayaan mong mag explain si Lhei. " sabi nung babae kay Mandy.

"Lhei sino siya?" parang hindi narinig ni Mandy yung sinabi nung babae at inulit niya ang tanong niya kay Lhei pero inulit din nung babae yung sinabi niya kay Mandy.  "Mandy please hayaan mong mag explain si Lhei." sa pagkakataon na ito ay hindi na napigilan pa ni Mandy ang sarili niya.

" Hindi ikaw ang kinakausap ko. " sabi ni Mandy sa babaeng kasama ni Lhei, pinilit parin niyang magsalita ng mahinahon kahit na gusto na niyang ilabas ang galit niya.

PARKER's POV

Nakita kong umalis si Lhei at sinundan siya ni Mandy. Hindi ko alam kung bakit pero para makasigurado ay sinundan ko na din sila at kasama ko si Adam dahil nakita niya akong lumabas ng bahay.

" Ano bang ginagawa natin dito sa park? " tanong ni Adam kay Parker

" Wag ka ngang maingay diyan" sagot sa kanya ni Parker.

" Eh bakit nga kasss..." bigla siyang napahinto sa pagsasalita nung may nakita siya. Halos manlaki ang mga mata ni Adam sa nakita niya. Napalingon siya kay Parker sabay turo dun sa dalawang babae at isang lalaki na nag uusap.

" Si Lhei at Mandy yun diba?"  tanong niya kay Parker.

" Oo nga at pwede ba tumahimik ka na diyan ahhh kung pwede lang. " sagot sa kanya ni Parker.

" Okay fine, ang init naman ng ulo mo bro." sabi ni Adam sa kaibigan na tila kanina pa naiinis sa kanya dahil sa sobrang ingay niya.

" Eh pano kasi ang ingay ingay mo! Ang dami mong tanong! " inis na inis na sagot naman ni Lhei sa kanya.

" Pwede ba kumalma ka nga. Hindi naman maayos ng init ng ulo mo yung problema at isa pa problema nila ni Mandy yan kaya wag na tayong makialam. " pagpapaliwanag ni Adam kay Parker.

" Sana nga ganon lang kadali yon pero hindi eh. Alam mo ba yung babaeng kasama ni Lhei ngayon, yan yung anak ng business tycoon na kakilala din ni papa at nakakasama namin yung taong yon kaya pag nakalabas sa public yung balita tungkol sa anak niya at kay siguradong malaking gulo yon. "sabi ni Parker kay Adam.

" Okay sige may point ka pero masyado kang advance nandun ka na agad sa idea nayon. Walang gulo kung walang manggugulo. Muka namang edukada at maayos yung babae. " pagpapaliwanag ulit ni Adam.

" Hindi natin masasabi mas mabuti na yung nag iingat tayo kesa naman sa huli pa natin pagsisisihan pag nangyari na. Kababalik lang nila Lhei tapos may gulo na naman." Sabi ni Parker kay Adam, binaling na ulit niya yung tingin niya kay Mandy at Lhei na naguusap habang nakatayo lang sa likuran ni Lhei yung kasama niyang babae.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon