Chapter 22: Secret Plan

626 27 0
                                    

Mandy's POV

"Oh! Bakit ganyan ka makatingin?!" Pagsita ni Tom kay Panget ay este Randy.

"Sa akala niyo ba makakalabas kayo ng buhay dito? Sabay sabay na kayong mamamatay." Pagbabanta ni Randy sa kanya. Kung mamatay Kami ng sama sama PWes! Mauuna ka!

"At sa akala mo din ba matatakot kami diyan sa mga banta mo! Baka nga mauna ka pa saming lahat eh!" Sabi ni Tom sa kanya. Oh ha! Kala mo noh! Hindi papatalo sayo si Tom!

Kung ano ano sinasabi ko sa sarili ko pero ang totoo natatakot na ako at nahihirapan. Magkabilang sampal na may up and down pa yung binigay ni Panget sakin kanina eh. Buti na lang hindi nila kasama si Lhei dahil kung nagkataon siguradong papatayin siya ni Randy. Kahit na sumama yung loob ko sa kanya dahil sa masasakit na salitang sinabi niya samin ni mama, hindi ko parin maitatago sa sarili ko na mahal ko siya at gagawin ko lahat para sa kanya.

Ngayon napatunayan ko na totoo yung sinasabi nilang lahat, kapag nakita mo na yung taong para sayo kahit nung isang linggo lang kayo nagkakilala hindi maitatago yung pagmamahal para sa isa't isa. At ganon yung nararamdaman ko kay Lhei, hinding hindi ko makakalimutan yung lahat ng pinagsamahan namin. Kung mamatay na ko ngayon tatanggapin ko, mamamatay akong masaya dahil nakilala at minahal ko ang isang Lhei Shin Aguilera. Oh! Diba! Taray! drama ko noh! May luha effect payan.

Habang sinasabi ko sa isip ko yan at habang inaalala ko lahat sa isip ko yung lahat ng memories namin bigla ko na lang naramdaman na nakasabunot na pala sakin yung malahalimaw na kamay nitong panget na tikbalang nato! Aray! ang sakit ahh! bitawan mo ko kung hindi bibigyan kita ng royal kick! Ay?! royal kick ?! Paano? Sige nga Mandy? Paano mo siya bibigyan ng royal kick kung nakatali ang kamay at paa mo diyan tapos nakagapos ka diyan sa upuan nayan ha?! Aber?! Sabi ko sa isip ko at oo nga paano ko nga naman gagawin yon?!

Ramdam ko parin yung pagkakasabunot sakin ni Randy, ang sakit! Parang puno yung buhok ko na mabubunot na. Dumudugo na ata yung anit ko eh. Pag talaga naka wala ako dito lagot ka sakin tikbalang ka!

"Bitawan mo siya!" Sigaw nung isang tao na boses lalaki at galing yung boses sa dark side (left side namin). Nung tiningnan namin kung sino siya......

LHEI!? Sigaw ko sa isip ko at nanlaki yung mga mata ko. Hindi siya dapat nandito papatayin siya ng Panget na tikbalang nato! Hindi pwede! Ayokong masaktan si Lhei!

Unti unti siyang lumapit samin habang hinihila ang isang tubo. Habang nilalamon ng liwanag yung katawan ni Lhei at hanggang sa nakikita na namin siyang lahat dahil wala na siya sa dilim, bakas sa muka niya ang galit, lungkot at pag-aalala. Wag kang mag-alala mahal ko ayos lang naman ako. Gustong gusto ko ng sumigaw at sabihin na Lhei umalis ka na dito parang awa mo na, pero pano ko gagawin yon eh may tape nga yung bibig ko.

Tumutulo na yung mga luha ko at kahit pigilan ko hindi ko na din naman kaya dahil sobra sobra na yung mga sakit na nararamdaman ko.

Itinaas ni Lhei yung tubo na hawak niya. "Oras na" sabi ni Lhei at umatras isa isa yung mga alagad ni Panget papunta sa side ni Lhei. Hindi natinag si Randy. Nagtinginan na lang yung Lima dahil ang inaasahan nila eh magugulat si Randy sa mangyayari pero hindi.

"Oh! Siguro kayo ang nagulat noh! Akala niyo maiisahan niyo ko ah! Alam kong tatraydurin ako ng mga alagad ko dahil kay Benjie sila nanggaling kaya humingi na ko ng resbak kung sakali man na ahasin ako ng mga to!" Tinuro niya yung mga alagad niya na akala niya hawak niya sa leeg. " Ano akala niyo sakin tanga! Ngayon tignan lang natin kung sino satin ang makakalabas ng buhay dito" sabi ulit ni panget. Yabang mo ahh! Ang sabihin mo duwag ka lang kasi !

Pagkatapos magsalita ni Randy ay lumabas sa mga pinagtataguan nila lahat ng mga resbak na sinasabi niya. At aamin ko madami sila, mas madami sila kesa kila Lhei.

Lumapit naman sakin si Benjie (Nakatayo siya sa likuran ko).
"Kakampi mo ko Randy" nagulat kaming lahat sa sinabi ni Benjie. Akala ko ba okay na kayo ni Lhei may pamahal mahal ka pa yun pala traydor ka! Traydor ka talaga!

"Gago ka ba?! Sa tingin mo maniniwala ako sayo?!" Pagdududa ni Randy sa kanya. Nako eh pareho lang naman kayo eh!

Dahil sa sinabi ni Randy na panget! Bigla niyang sinuntok si Tom kaya napaupo ito sa sahig. "Benjie!" Sigaw ng mga kaibigan nila Tom (Siyempre sino pa ba edi yung lima) . "Wag mong saktan yung kaibigan ko!" Sigaw naman ni Lhei.

"Bakit! Mas mahal mo pa tong gag* nato kesa sakin na kapatid mo!" Sigaw na pabalik ni Benjie sa kanya.

"Traydor ka talaga Benjie! " sabi ni Lhei.

"Uto uto talaga kayo. Hahaha pagkatapos ng lahat sa tingin niyo kakampi pa ko sa inyo! " sigaw ni Benjie tapos lumuhod siya at nilapit yung muka niya kay Mandy, inaamoy Amoy niya yung buhok ni Mandy at hinalik halikan yung leeg ni Mandy.

Napakunot yung noo nila Tom sa ginawa ni Benjie. Nung lumuhod si Benjie at hinalik halikan ako pasimple niyang inabot sakin yung maliit na bagay. Nakita nila Tom kung ano yung inabot sakin ni Benjie pero hindi sila nagpahalata.

Habang hinalikan ni Benjie yung leeg ko nilapit ni Benjie sa tenga ko yung bibig niya pero biglang sumigaw si Lhei
"Bitawan mo ang asawa ko!" Sabi ni Lhei na nanggigigil na sa galit. Napaangat naman yung ulo ni Benjie.

"Hindi mo siya asawa! Peek lang yung kasal niyo kaya hindi mo siya asawa!" Sigaw ni Benjie at nilapit na ulit niya sa tenga ko yung bibig niya at mabilis niyang ibinulong sakin na "Blade yan " hindi siya nahalata ni Randy kaya tuloy parin sa pag-arte.

Nung tumayo na si Benjie at lumapit siya kay Randy pasimple siyang tumingin kay Tom. Tinitigan niya ng ilang segundo si Tom tapos binaling nya sa sahig sa likuran yung tingin niya. Pero mukang hindi naintindihan ni Tom yung pinapahiwatig ni Benjie

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon