CHAPTER 42:

172 3 0
                                    

ADAM's POV

Nung nalaman namin na dinala nila Lhei si Mandy sa hospital pumunta agad kami at dinatnan namin si Lhei at Angela.

" Guys anong nangyari?" tanong ko sa kanila.

" Nagkasagutan kasi kami ni Mandy pero naayos naman agad tapos bigla na lang siyang nawalan ng malay" sagot ni Lhei sakin.

" I'm sure yung babaeng yan na naman ang may kasalanan " sagot  naman bigla ni Andrea.

" Andrea tamana" sabi ni Parker sa asawa niya. Sinubukan niyang pigilan ang asawa niya pero wala siyang nagawa.

" Talaga naman ahh (medyo tumaas yung boses niya), kung makadikit siya kay Lhei akala mo wala ng bukas parang linta! " panggigigil ni Andrea habang nagsasalita.

" Pwede ba tamana! Nangyari na ang nangyari wala na tayong magagawa. Wag kayong mag-away dito maawa naman kayo kay Mandy. " nakiusap si Lhei kay Angela at Andrea na lumabas na lang muna para makapag pahinga si Mandy kaya lumabas na kaming lahat dahil pag hinayaan naming lumabas yung dalawa baka kung anong disaster ang mangyari, at hindi nga kami nagkamali dahil paglabas namin ng kwarto nagsagutan ulit yung dalawang babae.

"Lhei kailangan na nating umalis hinihintay na tayo ni papa. " sabi ni Angela kay Lhei.

" Nakita mong nasa ospital yung girlfriend niya tapos gusto mo umalis na siya agad !" Panggigigil parin ni Andrea.

" Hindi ko naman siya kakaladkarin kung saan saan lang eh! Importante yung pupuntahan namin dahil para yun sa kanila ni Mandy at tinutulungan ko lang sila. " pagpapaliwanag ni Angela.

" Tinutulungan?! Tinutulungan mo nga para magkaroon ka ng pagkakataon para landiin si Lhei, kaya nagkaganyan yung kaibigan ko eh! Dahil sayo! " sagot niya kay Angela.

Akala nga namin magsasabunutan pa yung dalawa pero pinigilan agad sila ni Lhei at ni Parker. Hayyy nako mga babae nga naman.

Matagal ng mainit ang dugo ni Andrea kay Angela dahil siya yung dahilan kung bakit madalas mag-away si Mandy at Lhei kaya nagpaliwanag siya samin pero hindi naniniwala si Andrea sa kanya. Hindi naman namin masisisi si Andrea dahil kaibigan niya si Mandy at parang kapatid na ang turingan nila.

" Ano ba kayo! Tumigil nga kayo! " pag-awat ni Lhei sa dalawang babae, pilit ding pinipigilan ni Parker ang asawa niya na si Andrea dahil konting konti na lang eh baka kaladkarin na ni Andrea palabas ng ospital si Angela.

" Tumigil na kayo! Angela tara na, halika na." Inilabas na ni Lhei si Angela para puntahan ang papa niya dahil tutulungan sila nito para maayos ang problema ni Lhei at Mandy.

Habang palabas sila ng ospital ay tumigil si Angela sa paglalakad. " Lhei (humarap si Lhei nung tinawag siya ni Angela), I'm sorry kung nasagot sagot ko ng ganon yung kaibigan mo hindi ko lang talaga napigilan yung sarili ko masyado siyang masakit magsalita. " sabi ni Angela kay Lhei.

" Naiintindihan ko, pagpasensyahan mo na din si Andrea kapatid na kasi ang turing niya kay Mandy pinoprotektahan lang niya si Mandy. " sagot naman ni Lhei sa kanya.

Hindi na sumagot si Angela sa kanya, tumango na lang siya para sabihin na naiintindihan niya ang sinabi ni Lhei.

" Tara na baka hinihintay na tayo ng papa mo." Niyaya na ni Lhei si Angela na umalis dahil may naghihintay daw sa kanila.

"Hindi ka na dapat nagsalita ng ganon kay Angela. "sabi ni Parker kay Andrea.

"At bakit hindi! Kasalanan niya kung bakit nagkakaganyan si Mandy. " Galit na galit na sabi ni Andrea.

" Tama si Lhei, malay mo naman hindi niya talaga intensyon na sirain yung relationship nila ni Mandy. " sabi ni William.

"Ewan ko sa inyo. Paniwalaan niyo ang gusto niyong paniwalaan. Bahala na kayo. " Mahinahon ang boses ni Andrea habang sinasabi ang lahat ng ito pero hindi siya naniniwala na walang masamang balak si Angela.

Lumipas ang ilang araw, nagising na si Mandy pero hindi parin bumabalik si Lhei. Nag aalala na si Mandy pero laging sinasabi sa kanya ng mga kaibigan niya na huwag siyang mag alala dadahil babalik si Lhei. Naghintay siya, Naghintay siya hanggang sa dumating yung araw na pinayagan na siya ng doctor na lumabas ng hospital. Naghihintay parin siya kay Lhei at kahit na hindi niya sabihin saamin ay alam namin na ang bigat bigat na ng nararamdaman niya. Nagaalala na nga kami baka kasi magkasakit na naman siya. Halos isang linggo na simula nung umalis sila Lhei pero hindi parin siya bumabalik, pero simula din nung umalis sila ni Angela ay natigil na lahat ng nanggugulo sa kanila. Kaya ngayon mas naniniwala na kami na totoo nga ang sinasabi ni Angela na tinutulungan niya sila Lhei at Mandy. Ganon din naman si Andrea, naliliwanagan na ang isip niya kahit papano.

Nakita ko si Andrea sa garden ayoko ko pa nga siyang lapitan nung una pero sinubukan ko kasi baka sakaling makatulong ako kahit papano.

" Mandy" sabi ko tapos lumingon siya. Hindi ko inaasahan na ngigiti siya or sasagot siya ng "Uy" o kaya "Bakit" pero nung tinawag ko siya lumingon siya at ngumiti.

"Okay ka lang ba? " tinanong ko siya

"Okay lang naman" sumagot siya pero halata namang hindi totoo yung sinasabi niya.

"Talaga ba? Parang hindi naman" biniro ko siya at natawa naman siya kahit papano.

"Okay lang ako" simpleng sagot niya sa tanong ko. Halata namang hindi eh diba.

"Babalik si Lhei, babalik siya para sating lahat lalo na para sayo. Nangako siya diba. " sabi ko sa kanya para pagaanin ang loob niya kahit papano pero hindi ko inaasahan yung isasagot niya sakin.

"Paano kung hindi na? "sabi niya sakin tapos natahimik kami pero sumagot din ako.

" Ano ka ba babalik yon" idinaan ko na lang ulit sa biro para gumaan yung bigat ng pakiramdam niya.

" Bago ako naospital sabi niya sakin may plano daw siya para matigil na ang lahat ng ito pero hindi siya sigurado kung makakabalik siya. " kinuwento niya yung napag usapan nila ni Lhei dati.

" Ano ka ba. Huwag ka nga magsalita ng ganyan. Kahit anong mangyari babalik si Lhei. " sabi ko sa kanya pero ngumiti na lang siya. Kahit na hindi niya sabihin ay ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Mandy.

Lahat kami ay umaasa na walang masamang nangyari kay Lhei at dadating yung araw na babalik siya at makukumpleto kaming lahat.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon