Chapter 19: New Sibling

615 28 0
                                    

Lhei's POV

Ipinatawag ko yung private investigator namin ay inutos ko na alamin niya lahat ang tungkol sa secret affair ng papa ko at ng mama ni Mandy. And I'm so stupid dahil hindi ako naniwala kay Mandy, hindi ako naniwala sa kanya na walang kasalanan ang mama niya. Nagkamali ako dahil pinagbintangan ko ang si tita Andy na kabit ng papa ko. Nalaman ko na hindi pala totoo na naging kabit siya ni papa dahil si papa ang sumira ng buhay niya. Nirape siya ni papa bago pa ikasal si Tita Andy at yung papa ni Mandy. Pinagsamantalahan siya ni Papa at hindi lang don natatapos ang paghihirap ni tita dahil nagkaroon ng bunga ang ginawa sa kanya ni papa. Isang batang lalaki na kinuha din sa kanya pagkatapos niyang ipanganak. May lalaking kumuha sa kanya sa ospital na hindi nalalaman ni tita Andy.  Ipinakuha pala ni papa sa ospital yung baby at itinago sa isang rest house sa Bohol. Yung mama ni Mandy at yung papa ko ay nagkaroon ng anak dahil sa kah*yupan na ginawa ni papa sa mama niya. At ang pinakamasakit pa ay alam ng anak niyang lalaki kung ano yung sitwasyon niya, kung sino ako, at kung magkaano-ano kami, matagal ko na pala siyang nakakasama pero hindi ko alam na siya pala yung bata nayon. At alam niyo ba kung sino ? Walang iba kundi si Benjie. Si Benjie na naging kaibigan ko at tinuturing na kapatid at yung Benjie na naging karibal ko sa babaeng minahal ko noon, siya yon, walang iba kung hindi siya. Anak ng kalabaw na may sampung paa, yung lalaking yon! Sa dami dami ba naman ng taong pwede kong maging kapatid yun pang taong yon! Kung hindi ko lang siya kaibigan eh! Papat*yin ko siya dahil sa ginagawa niyang panloloko sakin! Inagaw niya sakin yung girlfriend ko noon, trinaydor niya ko!

At ngayon mas lalo akong mahihirapan sa sitwasyon namin ni Mandy ngayon dahil inaway ko na naman siya at pinagbintangan ko pa yung mama niya, hindi ko alam kung paano ko hihingi ng tawad sa kanya at mas lalong hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ko. Ako lang mag-isa ngayon sa private room namin dito sa school dahil nakiusap ako kila Parker, Taffy, Adam, Tom at William na alamin kung sino yung mga lalaki na pumunta sa bahay nila Mandy two weeks ago, iniutos ko din yon sa private investigator pero hindi niya nalaman kung sino yung mga yon kaya ipinakiusap ko sa kanila na alamin at hanapin kung sino yung mga yon at nakiusap din ako na kausapin nila sila tita Mandy na sumama sa kanila para ilipat ng ibang bahay o safe house at bigyan ng mga royal guards para sigurado ako na hindi sila basta basta mapapasok ng kahit sino.

*************************************
Early eve mga wattpadians. Short update lang for now sad kasi si author eh :( but don't worry mag uupdate ulit ako mamaya ng mas mahaba, mas masaya at mas exciting na updates.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon