CHAPTER 13: The Plan

1K 39 0
                                    

"Bakit hindi mo pa binigay ulit sa kanya yung singsing?" sinalubong ng tanong ni Parker si Lhei.

Tinapik ni Lhei sa balikat si Parker.
" May surprise kasi ako sa kanya. Pagkatapis ng lahat ng pinagdaanan niya gusto ko siyang maging masaya kahit sa maliit na paraan ko lang." sabi ni Lhei tapos tinignan niya yung apat.

" Eh bakit kasi hindi ka na lang bumili ng ibang engagement ring, mayaman ka naman barya lang sayo yon." pagbibiro ni William.

" Alam niyo kasi iba parin yung singsing nayon. Binigay sakin ni lolo yon at sabi niya ibigay ko daw yon sa babaeng papakasalan ko." sabi ko naman sa kanila.

Napanganga si Tom at William ( silang dalawa talaga ang pinaka bully sa kanilang anim).
" Ohh! Don't tell me Lhei magpopropose ka na ?" mapang-asar na tanong ni Tom habang si William naman takip takip ng isang kamay niya ang bibig niya tapos tawa ng tawa na parang baliw.

" Oo pe.." hindi pa nakakatapos ng pagsasalita si Lhei nagsigawan na sila. " Woohooo!!" tuwang tuwa sila sa plano ni Lhei para ngang sila pa ang mas excited maliban kay Parker.

" Ano ba kayo, wag nga kayong magulo" pagsusungit ni Parker sa kanila. Bigla naman nawala ang ngiti sa mga muka nila dahil sa pagtataray sa kanila ni Parker.

" Napaka sungit mo naman, syempre masaya lang kami dahil okay na ang lahat wala na tayong problema tsaka may surprise pa si Lhei sa kanyang irog." sabi naman ni Adam tapos inakbayan niya si Lhei. Natawa sila sa ginamit na salita ni Adam. Ang ibig sabihin ng irog ay minamahal, sinisinta o kaya naman ay iniibig. 

" Ano?! Irog?! para kang matanda kung magsalita Adam HAHAHAHAHAHA hindi bagay sayo." pang-iinis ni Tom sa kanya. Nakatingin lang si Parker sa kanila at napansin iyon ng mga kasama niya.

" Parker ano ba kasing problema? Ha? " tanong ni Tom sa kanya.

"Wala naman. Hindi niyo ba napapansin na kapag nagiging masaya tayong walo ( sila Lhei, Tom, Parker, Taffy, Adam, William, Mandy and Andrea ) lagi na lang may kasunod na problema. Ngayon pa lang ulit tayo nakakarecover sa nangyari kay Mandy baka mamaya may kasunod na agad na problema. " mahinahon na sabi ni Parker sa kanila.

"Wag mo kasing isipin na may mangyayaring masama" sabi ni William

" Oo nga Parker. Pero alam niyo guys sa totoo lang may point si Parker napansin ko din yon eh" sabi din ni Taffy. Bigla namang kinabahan si Lhei sa mga sinabi nila at nakita yon ng mga kaibigan niya dahil napakunot ang noo niya at sa sahig lang siya nakatingin in short nakatulala siya dahil sa mga narinig niya at natatakot siya na magkatotoo lahat ng mga sinabi nila. Hindi din niya maikakaila sa sarili niya na napansin din niya yung bagay nayon. 

" Totoo man o hindi yung mga sinabi ninyo wala akong pakialam. Kahit na anong mangyari hindi ko pababayaan si Mandy kahit isakripisyo ko pa yung buhay ko para sa kanya gagawin ko." seryoso niyang sinabi sa mga kaibigan niya, yumuko at nagbuntong hininga.

" Sorry bro, pagpasensyahan mo na tong mga to. Wag kang mag-alala kami ang bahala kay Mandy kapag wala ka." sabi ni Tom na seryoso na  ngayon pero kanina kung makatawa wagas.

Tinapik tapik ni Taffy si Lhei sa balikat, nginitian naman siya ni Lhei at nagpasalamat siya sa lahat ng mga tulong na ginagawa nila para sa kanilang dalawa ni Mandy.

" So pano ba yan? Ano na ang plano natin?" tanong ni Adam.

" Oo nga, tara na pagplanuhan na natin yan!" tinakpan nila Tom, Taffy at Adam ang bibig ni William dahil sa lakas ng boses niya kaya nakapatong patong yung mga kamay nung tatlo sa bibig niya para hindi siya makapag salita. Natawa naman ng bahagya sila Lhei at Parker, napailing na lang yung dalawa dahil sa kalokohan nung mga kaibigan nila.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon