CHAPTER 30: Wonder Girl is Real

657 26 2
                                    

MANDY's POV

Palabas na kami ng church nung biglang may dalawang babae na humarang samin ni Andrea.

"Ohhhh.. Look sis nagsisimba pala ang bitch." Sabi nung babaeng naka sleeveless tapos sobrang iksi ng short. Nagshort pa siya my god!

Hindi ko siya pinansin. Hindi naman kasi siya kapansin pansin eh.

Isang step pa lang hinarangan ulit niya kami. Pag ganitong bad trip ako wag siyang haharang harang sa daan ko baka sagasaan ko siya.

"Ano bang kailangan niyo samin?" Tanong ko sa kanya

"Baka ikaw ang may kailangan samin." Maarteng sabi nung babaeng nasa harap ko.

"Wala akong kailangan sayo kaya padaanin mo ko." Mahinahon kong sagot sa kanya pero halata sa boses ko na naiinis na ako. Hay nako sarap sabunutan! Kainis! Arte niya! Di naman maganda!

Hinarangan ulit niya ko, mabilis siyang gumalaw at dahil konti lang space daming dalawa ayun! Tumalbog ako! Para na niya kong tinulak ahh..

Sa pagkakataon nato hindi ko na siya papalagpasin. Pinagbigyan ko na siya ahh umaabuso naman.

"Saan ka pupunta? Bitch!" Sabi ba naman sakin ng bruha. Hindi malakas yung boses niya pero madiin yung pagkakasabi niya ng bitch. Sarap sapakin diba.

"What did you say? Bitch!?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ako pa ngayon ang tinatawag mong bitch. At tsaka bakit ba galit na galit ka sakin? Ohh wait don't tell me isa ka din sa mga babaeng nagkakandarapa kay Lhei?" Hindi siya sumagot pero kitang kita sa muka niya na naiinis siya sa mga sinasabi ko at nakataas pa ang kilay ng loka! Kala naman niya matatakot ako.

"So tama ako. Ehh kaya naman pala hindi ka pinatulan ni Lhei " sabi ko sa kanya. Biglang napababa yung kamay niya na nakapamewang kanina.

"FYI Mandy h..." Hindi pa siya nakakatapos magsalita ay sumingit na agad ako. "FYI ano? Ha? Ano? Wag ka ng sumagot kasi kahit pa anong sabihin niyo wala kayong mapapala. And remember girl.. Ako lang.. Ako lang ang mahal niya kaya wag na kayong umeksena kasi kahit malayo siya ngayon loyal parin siya sakin." Nginitian ko siya pagkatapos kong magsalita tapos umalis na kami..

Isang puting van yung huminto sa harapan namin nung palabas na kami ng simbahan. Napakunot na lang noo ko nung bumaba ng sasakyan yung tatlo (si William, Taffy at Adam).

"Bakit nandito kayo?" Tanong ko sa kanilang tatlo habang nakakunot parin ang noo ko pero ngumiti lang sila hayyyy nako! Ang sarap batukan nung tatlo nato! Nang-aasar yata sila ehh!

"Ano pa edi sinusundo ka" sabi ni Taffy.

"Oo nga diba may gimik tayo. Don't tell me nakalimutan mo na?" Pang-aasar na tanong ni William.

"Let's go?" Natatawa pa nga si Adam nung niyaya niya kami.

"Okay" napa okay na lang ako tssssk tssssk tssssk. Lumingon muna ako ulit dun sa mga babae na humarang samin kanina lalo na dun sa nag sabi ng bitch sakin kapal niya ahhh! Nginitian ko sila ng bonggang bongga. Yung tipong maiinis ka talaga. I'm sure inggit na inggit yung mga yon ngayon. Pasensya kayo, ako to ehh..

ANDREA's POV

Ang bongga ni girl. Iba talaga tong bestfriend ko hahaha. Bago kami sumakay sa van lumingon muna ulit siya tapos nginitian niya yung tatlo. Kita naman sa mga muka nila sobra sila'ng naaasar.. Napalingon din yung tatlo kaya nakita nila yung ginawa ni Mandy.

Pagkatapos sila'ng ngitian at asarin ni Mandy ay sumakay na kami sa sasakyan nila William tapos umalis na kami. Habang palayo yung sasakyan namin kitang kita namin kung paano nagpapadyak yung babaeng tumawag ng bitch kay Mandy. Hahahaha nakakatawa siya.. Kanina ang arte arte niya ngayon naman para siyang bata na naagawan ng candy..

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon