CHAPTER 34: CRAZY FOR YOU

719 21 3
                                    

LHEI'S POV

Naranasan nyo na bang pagsisihan ang isang kasalanan na hindi niyo na man ginawa? I mean yung magagalit sa inyo yung boyfriend/girlfriend niyo pero wala naman kayong ginagawang masama. Kung kailan kami nagkasama tsaka naman siya naghinala bakit kasalanan ko ba na gwapo at habulin ang boyfriend niya?

MANDY'S POV

"Gwapo at habulin"?! Hayyyy!!! ang yabang talaga sobra! Bakit kasalanan ko din ba na hindi mo kayang iwasan ang tingin at panghaharot ng babaeng yon?! Kasalanan ko ba na ang arte arte nya!? Kasalanan ko ba na masyado syang pacute sayo!? Ha!

LHEI'S POV

Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na wala akong ibang babae. Ayaw niyang maniwala sakin eh. Umiiwas na ako pero yung babaeng yon parin ang lapit ng lapit sakin.

"Maniwala ka naman sakin Mandy wala akong ginagawang masama." pilit kong pinapaliwanag sa kanya na hindi totoo ang nakita niya.

" Anong wala eh kitang kita ng dalawang mata ko na hinahalikan mo siya! Tapos sasabihin mo sakin na wala kang ginagawang masama!" galit na galit niyang sabi sakin tapos sabay walk out diyosko para kong kakainin ng buhay nakakatakot siya.

"Wait! magwawalk out ka na naman eh. Pwede ba mag-usap muna tayo." kapag naiinis siya sakin lagi siyang nagwawalk out lagi niya kong tinatalikuran. Hayy! nako! kung hindi ko lang mahal tong babae nato eh, hindi ko pagtitiisan ang kaabnormalan niya pag may sumpong. Siyempre bilang isang mabuting boyfriend eh hindi ko sasabayan ang galit niya at susuyuin ko para mawala yung galit hindi ko kasi siya kayang awayin mahal ko yan eh. Ano ba yan! tigilan na nga natin to ang corny ehh.

"Bitawan mo nga ako!" yung lakas ng boses niya daig pa yung "wang wang" ng nagmamadaling fire track dahil may sunog. Diyosko ang sakit sa tenga! Nakakairita! Hayyy nako ano bayan.

"Okay! okay! Fine!" OH MY GOD. napalakas yata yung boses ko ahh.

"Sinisigawan mo ko?" I'm so dead.

"Ah, no. Napalakas lang yung boses ko para marinig mo." so ayon, yun ang naging palusot ko and i hope tumalab.

Hindi na siya sumagot ulit pero yung mata niya nanlalaki parin parang mangangakain ng mangangain tapos umalis na siya at hindi na ako kinausap.

Hayyy nako nakakabaliw pag may tampo sayo yung girlfriend or boyfriend mo pero wala naman akong magagawa kundi intindihin na lang kasi sa dami ba naman ng pinagdaanan namin na gulo eh siguradong magiging ganyan talaga siya, over kung magreact. Wala naman na akong ibang pwedeng gawin ngayon kundi suyuin siya para mawala yung tampo sakin.

Pinuntahan ko siya sa may tabing dagat, dahan dahan akong lumapit sa kanya habang nakaupo siya sa buhanginan at tahimik na pinagmamasdan ang kalangitan at alon sa dagat. Ang ganda talaga niya kahit nakatalikod siya maganda siya talaga.

Siguro naramdaman niya na may taong papalapit sa kanya kaya lumingon siya ng dahan dahan. Nakangiti ako nung makita niya ang gwapo kong muka at binigay ko sa kanya ang tulips na hinahap ko pa sa kung saang panig ng mundo para lang sa kanya. Yun kasi ang favorite flowers niya at hindi ako nabigo dahil nung inibot ko sa kanya yung 1 dozen pink tulips bouquet binigyan naman niya ako ng isang matamis na ngiti na alam mong punong puno ng love at hindi mapapantayan ng kahit anong material things.

" Thankyou" nakangiti niyang sabi sakin tapos tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.

Ilang segundo ang lumipas na magkayakap kami at naramdaman ko na nababasa yung balikat ko, basang basa na yung shirt ko dahil sa luha niya.

"Nangako ako sayo na hindi na kita papaiyakin pero ngayon umiiyak ka na naman because of me. " natawa siya sa sinabi ko at kumalas sa pagyayakap niya sakin.

"Oo umiiyak ako pero hindi dahil nasaktan mo ko, umiiyak ako dahil masaya ako, sobrang saya ko kasi hindi mo ko iniwan. Kahit na gaano pa ako kaabnormal o kabaliw hindi mo ko iniwan, hindi mo ko sinukuan." sabi niya sakin habang umiiyak siya. Hindi ko alam pero parang nararamdaman ko kung gaano siya kasaya at sobrang sarap sa feeling na napapasaya ko yung taong pinakamamahal ko.

"Alam ko na nahihirapan ka, sobrang dami mo ng isinakripisyo para lang makasama ako. Alam ko na hindi madaling maging girlfriend ko pero sinubukan mo parin at hindi ka sumuko kaya kahit anong mangyari, kahit anong gawin nila para sirain tayo, kahit maghubad pa sila sa harapan ko ikaw lang ang makikita ko kasi ikaw lang ang mahal ko. Trust me Mandy, just trust me. Yun lang ang hinihiling ko sayo." sabi ko sa kanya at sabi ko din sa sarili ko na hindi ako iiyak pero bakit nanggigilid na yung luha ko at tutulo na anytime yung luha nato.

" May tiwala ako sayo, alam ko na hindi ka gagawa ng bagay na alam mong masasaktan ako. Sorry kung over ako kung makareact, sorry kung masyado akong selosa, sorry kung sa tingin mo wala akong tiwala sayo. Mahal na mahal lang kasi kita. Ayokong tinitigan o hinahawakan ka ng iba, ayokong mababaling sa iba yung atensyon mo kasi gusto ko ako lang. I'm sorry kung selfish ako pero oo selfish ako pagdating sayo. " pagkatapos ng lahat ng sinabi niya ay huminto siya sa pagsasalita and then umiyak siya in silence. Naawa ako kapag nakikita ko siyang umiiyak pero minsan gusto ko siyang umiiyak kasi ang sarap siyang pagmasdan.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at unti unti kong inangat ang muka niya. I placed my lips on her, a kiss that full of love, a kiss na hindi mapapantayan ng iba, and a kiss na iingatan at ipagdadamot ko sa iba.

Masarap magmahal pero pag nagmahal ka dapat ready kang masaktan. Parang kami ni Mandy hindi naman namin inaasahan na mamahalin namin ng ganito ang isa't isa. Pero isa lang sigurado ako, when you love someone kahit ano pa ang ugali mo, kahit gaano ka pa kagag*, kahit anong sama ng ugali mo dadating yung time na gagawin mo yung tama para sa kabutihan ng taong mahal mo.


The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon