CHAPTER 41:

272 8 1
                                    

Try niyo pong basahin yung story habang pinapakinggan yung song na "IKAW LAMANG" by Jay-R
https://youtu.be/UDYM8FjfsZs
ENJOY 😊

Pagkaalis ni Mandy ay sinundan agad siya ni Angela.

"Mandy! Mandy! sandali lang! Mandy! " sumigaw ng sumigaw si Angela pero hindi siya pinapansin ni Mandy at tuloy tuloy parin siya sa pagtakbo. Binilisan pa ni Angela ang pagtakbo hanggang naabutan na niya si Mandy, nahablot niya ang braso nito at pinigilan sa pagtakbo.

"Mandy ano ba?! sandali lang! " pareho silang napahinto sa pagtakbo nung hinablot ni Angela ang braso ni Mandy para pigilan ito. " Pwede ba makinig ka muna sakin bago ka magalit! Masyado kang OA eh!" nabigla si Angela sa sinabi niya pero wala na siyang magagawa, nasabi na niya eh at dahil dito ay nasampal siya ni Mandy.

" Ang kapal ng muka mo para sabihin sakin yan! Sayo pa talaga nanggaling ah! " galit na galit na sinabi ni Mandy kay Angela. Alam ni Angela na may pinagdadaanan ngayon si Mandy kaya pinipilit niyang intindihin ito.

Huminga ng malalim si Angela
" Alam ko na may pinagdadaanan ka kaya hindi kita papatulan pero Mandy mali ka ng iniisip, hindi ka niloloko ni Lhei. Mahal na mahal ka nga niya at gagawin niya lahat para sayo. Oo aaminin ko hindi ko napigilan yung sarili ko na mahalin siya pero hindi naman ako ganon kadesperada para sirain yung relasyon niyo. Ako at ang daddy ko na lang ang makakatulong sa kanya para matahimik na kayo kasi gusto niya mabuhay na kayo ng maayos at malayo sa gulo. Tinutulungan ko lang siya Mandy, hindi ka kayang saktan ni Lhei. "

pagpapaliwanag ni Angela sa kanya, ngayon ay naiintindihan na niya ang lahat. Sobra siyang nagiguilty dahil pinag-isipan niya ng masama ang lalaking mahal niya. Napaluhod si Mandy sa kalsada habang umiiyak. Lumuhod din si Angela at niyakap si Mandy.

" I'm sorry" matipid na mga salita na nasabi ni Mandy kay Angela.

" Naiintindihan ko Mandy and I'm sorry din kasi pumayag ako sa gusto ni Lhei na hindi sabihin sayo dahil ayokong makialam sa kung ano mang meron kayo ni Lhei. " pagpapaliwanag ni Angela kay Mandy.

" Bakit hindi niya sinabi sakin?" malungkot na tanong niya kay Angela.

"Si Lhei dapat ang sumagot sa tanong mo. " simpleng sagot ni Angela kay Mandy.

Habang nag-uusap ang dalawa ay napaupo na lang din si Lhei sa gilid ng kalsada at paulit ulit na sinasabi "I'm sorry Mandy, I'm sorry". Kasabay ng patulo ng luha niya ang pagguho ng kanyang pag-asa na magiging maayos pa ang lahat. Dinadaan na lang niya sa iyak ang sakit na nararamdaman ngunit nawala ang lahat ng takot niya nung nakita niya si Angela at Mandy na papalapit na sa kanya.

Unti unting lumapit si Mandy sa kanya at lumuhod para maging magkapantay sila ni Lhei dahil nakaupo ito sa gilid ng kalsada.

Tumingin si Mandy sa mga mata ni Lhei at kahit hindi niya sabihin ay nakikita at nababasa ni Lhei sa mga mata ni Mandy na humihingi ito ng tawad sa kanya. Nagkatitigan sila Lhei at Mandy ngunit hindi na pinatagal pa ni Lhei ang lahat at mahigpit niyang niyakap ang babaeng pinakamamahal niya.

" I'm sorry Lhei " sabi ni Mandy.

" Ako ang dapat magsorry. Pasensya na Mandy kung lagi na lang kita nasasaktan sorry talaga ". Pagpapaliwanag ni Lhei, niyakap niya ulit ng mahigpit si Mandy.

Pinutol na ni Angela ang moment nilang dalawa pero hindi para maging kontrabida.

" I'm sorry guys pero kailangan na nating umalis, kailangan na nating makausap si papa ". Sabi ni Angela.

Aalis na sana sila pero biglang nawalan ng malay si Mandy. Ilang beses siyang ginising ni Lhei pero walang nangyari.

" Mandy! Mandy! Mandy! " paulit ulit niyang sinabi ang pangalan ni Mandy pero hindi ito nagising kaya binuhat na niya at dinala nila sa pinakamalapit na  hospital.

MANDY's POV

Akala ko mamamatay na ako ohh my god! Nahilo lang pala dahil daw sa pagod at gutom pero okay lang kaya ko naman syempre I'm Mandy Lopez ang kilabot ng Lapiz Lazuli. 

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon