Chapter 21: Hell

703 27 0
                                    

Benjie's POV

Tama lahat ng nabasa niyo, kapatid ko si Lhei at si Mandy. Gaya nung sinabi ni Parker ginawa ko lahat ng yon, sinabi ko na ako yung lalaking nakita nila sa third floor ng abandonadong building pero ang totoo si Randy yon, pati yung pag kausap sa mga member ng dating grupo na inalagaan ko, yung hindi ko agad pag-amin na kapatid ko si Lhei at Mandy, yung pag sama ko sa kanila bilang kaibigan at dating member ng grupo nila na Lapis Lazuli para mabantayan sila at para makasigurado ako na ligtas ang buong barkada kay Randy lalo na si Lhei. At oo, aaminin ko nagkagusto din ako kay Mandy noon kasi hindi siya mahirap mahalin bukod sa maganda, matalino, mabait at mapagmahal siya. Lagi niyang iniisip yung iba bAgo yung sarili niya. Pinigilan ko yung sarili ko na mahalin siya dahil alam ko na mahal din siya ng kapatid ko at ayokong masaktan siya ulit dahil sakin.

Ilang linggo pa lang ang nakakaraan nung nalaman ko na kapatid ko si Lhei, kahit mahirap at kahit masakit pinilit ko parin na ibaling sa iba yung pagmamahal na dapat para kay Mandy. Alam ko na kapatid ko si Lhei nung nalaman ko na mahal ko si Mandy pero yung pagmamahal nayon ay napalitan ng pagmamahal para sa isang bunsong kapatid. Bakit? Kasi nalaman ko na si Andy Lopez ay ang mama ni Mandy na mama ko rin at yung papa ni Lhei ay papa ko rin. At imagine, kapatid ko si Lhei at si Mandy pero silang dalawa hindi naman magkapatid, ang gulo noh. Pagkakataon nga naman oo. Pinaglalaruan yata kami ng tadhana. Nasasaktan ako para sa dalawang kapatid ko, hindi sila dapat naghihirap ng ganito. Kaya nga ako kumilos agad, kaya ako kumilos ng palihim para sa kaligtasan nila pero sadyang tuso si Randy at hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakapaghiganti saming magkapatid. Oo naunahan niya ko ngayon pero ang hindi niya alam matagal ko na siyang naunahan at hindi na siya makakalusot pa. Para sa mga kapatid ko lahat gagawin ko para hindi na siya makapanggulo pa kahit kailan.

Tahimik kaming naghihintay na lumubog ng husto yung araw at magdilim bago kami sumugod sa loob pero mukang mapapaaga ang paglusob namin. Isang putol ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar. Lahat kami ay naalarma ng dahil sa putol nayon.

Tom's POV

"Pumasok na tayo sa loob bago pa mahuli ang lahat " seryoso pero mahinahon na sinabi ko sa kanila.

"Pero wala to sa plano" pagkontra ni Parker.

"Tama si Tom, wala nga sa Plano yung pagpasok natin sa loob ng maaga pero wala din sa plano yung putok ng baril nayon." Pag-aalala ni Lhei. Habang nakikinig si Benjie at sinenyasan niya na lumapit yung mga kasama namin. Lumapit silang lahat ng dahan dahan dahil nakakalat na sila nung mga oras na tinawag sila ni Benjie.

"Mapapaaga ang pagpasok natin kaya mas lalo kayong maging alerto at ingatan niyo yung mga sarili niyo. Pagkalapit niyo sa may pintuan alam niyo na yung gagawin niyo ha." Pabulong na sinabi ni Benjie sa kanila para hindi kami masyadong mahalata. Gaya ng sinabi nila Parker at Benjie kasabwat na namin pati yung lahat ng ka samahan ni Benjie sa grupo na inalagaan niya noon ang grupong Black Eagle at ngayon sila ang tutulong samin. Pagpasok naming pito (ako, si Lhei, si Parker, Benjie, Taffy, Adam at si William) tsaka pa lang papasok yung lahat ng mga alagad namin.

Dahan dahan kaming pumasok sa loob.
"Dire diretso lang kayo tapos lumiko kayo sa kanan, makikita niyo na sila." Sabi samin nung isang nakabantay sa pinto.

"Mag-ingat lang kayo sa mga camera. Manggilid kayo sa pader sa gawing kanan para hindi kayo makita sa camera. Basta iwasan niyo yung mga parte na natatapatan ng ilaw. Titingin kayo lagi sa sahig, kapag natatapatan ng ilaw yung sahig iwasan niyo agad dahil yon ang nakikita sa camera. Sige na pumasok na kayo kami na ang bahalang mag warning sa kanila. Mag-iingat kayo." Sabi pa nung isa pang bantay sa pinto. Nagpa salamat kami sa kanila tsaka kami pumasok sa loob at gaya ng sinabi nila ginawa namin lahat ng sinabi nila. Dahan dahan kaming pumasok at iniiwasan naming dumaan sa mga natatapatan ng ilaw. Para kaming nanggigilid sa matarik na bangin. Iniwasan din namin na maglakad at humakbang ng ng malakas para hindi makahawa ng ingay na pwedeng umeco sa buong building.

Lumiko kami sa kanan tulad ng ibinilin samin nung mga bantay at nakita namin sila Mandy, tita Andy at yung mokong na Randy nayon, nakatalikod sila kaya hindi pa nila kami nakikita. Nakita kami nung mga alagad niya na inaakala niyang hawak parin niya sa leeg pero hindi sila nagpahalat kaya tuloy tuloy lang kami sa paglapit sa kanila. Buti na lang manhid tong ga*go nato, one, two step na lang pwedeng pwede ko na siyang icorner pero gawin natin na mas exciting.

Hindi namin kasama si Lhei ngayon dahil humiwalay siya samin bigla at hindi ko alam kung bakit. Huminto ako sa paglalakad at huminto din yung mga kasama ko na nasa likuran ko.

"Kamusta ?" Kunwari kong bati sa kanya at mukang nagulat siya nung nagsalita ako. Unti-unti siyang humarap samin.

"Oh bakit? Nagulat ka ba sa Pagdating namin?" Sabi ko sa kanya tapos ngumiti ako na parang iniinis ko siya.

"Huhh! Ang yabang mo talaga eh noh! Alam niyo kayo ang may kailangan sakin kaya kayo pumunta dito kaya wag kayong umasta na parang kayo parin ang hari!" galit niyang sabi.

"Sorry ah, ang alam ko kasi hari talaga kami dito at ikaw dati ka lang namang utusan diba? Dating utusan na ginawa ng kanang kamay ni Benjie na dati mong amo pero siya pa ang pinatalsik mo sa grupo na binuo at inaalagaan niya pero pinalalabas mo na pagmamay-ari mo." Tinitigan ko siya sa mga mata niya at tila naasar na siya sa lahat ng sinasabi ko. Nginitian ko ulit siya ng mapang-asar na ngiti.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" Sabi ko sa kanya.

The Bad Boy's WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon