Chapter 1
Introducing Sharlene San Pedro
Typical boring day. Sobrang boring talaga kapag Monday. Ito kasi yung araw na walang ginagawa dahil wala akong pasok every Monday. So nakahiga lang ako dito sa room ko sa dorm, tapos wala pa yung mga besties ko kasi sila may pasok.
Sharlene San Pedro. 20 years old. 3rd year college sa SJBU or Saint John Baptist University. I have two best friends Miles and Sunny. My family lives in Taguig, while Im studying here in Taft, Manila.
Sobrang boring talaga, wala pang matinong palabas sa TV, tapos wala namang magandang binubungad yung social media sayo.
To: Miles & Sunny
Tapos na class niyo?
Tagal naman magreply ng dalawang to, baka busy pa sa school.
From: Miles
Yes, tapos na. Hanggang 2pm lang naman ako every Monday, di ko sure kay Sunny.
To: Miles
Sigesige, kain tayo! Sa dating kainan lang hehez.
From: Miles
Gege, gutom na din ako. Wait na lang natin si Sunny if ever. Itext or icall mo na, rk ka naman nakaplan ka e. HAHAHA :p
From: Miles
Ge. Rk mo to.
Hindi naman talaga ako rk, may kaya lang talaga yung family namin.
From: Sunny
Mamayang 3 pa tapos ng class ko, why?
To: Sunny
Kain tayo sa dating kainan, after ng class mo. Nasabihan ko na si Miles, wait ka na lang namin don. See you!
From: Sunny
Okay, see you bes. :)
Nag ayos na ako, para pagdating dito ni Miles ready na kaming umalis.
......
"Shaar! Saan kana? Tara na!" Sigaw ni Miles pagpasok niya sa may sala namin.
"Ito na, uminom lang naman ng tubig. Tara, susunod na lang si Sunny don." Sagot ko sakanya habang naglalakad na paalis sa kusina.
"Tara, ako na mag lock ng door." Sagot niya habang nilolock na yung pinto.
Naglalakad na kami papunta sa favorite naming kainan ang CARINDERIA. Favorite talaga namin yun kasi lutong bahay yung mga ulam. Dito na kami laging nakain lalo na kapag tinatamad magluto si Sunny, sa aming tatlo kasi siya lang magaling magluto. Kaming dalawa ni Miles, hanggang prito lang. HAHAHA.
"O, andito na pala yung tres marias ay kulang kayo. Asan na si Sunny?" Tanong sa amin nung may ari ng carinderia, si Aling Maria. Close nadin namin siya kasi nga lagi din kami kumakain dito.
"Susunod po siya ate. Tinatapos lang ang klase niya." Sagot ni Miles.
"Ate, meron po ba kayo ng paborito ko dyan?" Tanong ko.
"Oo naman nak, bicol express pa ba para sayo mawawala?" Masayang sagot naman ni Aling Maria.
"Ayan yung gusto ko sayo ate e! Da best ka talaga, isang order ng bicol express at 2 kanin na po. O, ikaw na Miles." Sabi ko habang naghahanap na ng mauupuan namin.
YOU ARE READING
Right Timing
Teen FictionAng tadhana ay minsan mapaglaro, minsan kakampi minsan kalaban. Ang tanong, dapat mo bang pasalamatan o dapat mo bang kainisan?