Chapter 10

695 36 7
                                    

Chapter 10

Past vs. Present?

Bilis nung araw. Wednesday na agad bukas, meaning yung first game na nila Donny kalaban sina Alex. Shempre, excited akong makita si Donny malaro at maasar siya. First time ko kasing makikita maglaro siya.

May training sila mamayang hapon, at ako ngayon ay papuntang school. Mag 8 na, eh 8 yung first subject ko. Naglalakad lang ako ng tumawag si Donny.

Calling Panget.....

"Panget?" Bati ko. Yes, pinalitan ko na ang pangalan niya sa phone ko at ganon din siya. Napagusapan namin. HEHE. "Saan ka? Mag 8 na ha, baka malate kang panget ka sa first subject mo." May halong asar niyang sabi. "Naglalakad na, malapit na din ako. Eh ikaw? Nakakahiya naman sayong laging late." Asar kong pabalik. "Talaga ba? Kaya pala mas nauuna ako sayong pumasok." Sagot niya pabalik. "Kahit isang beses lang yon?" Balik ko agad. Papasok na ako ng campus.

"Nye nye!" Asar talo siya. "Ge na, campus na ako." Sabi ko. "Good! Derecho na agad sa room panget, baka pagkamalan ka pa nilang naliligaw." Tatawa tawa niyang sabi. "Kung dyan ka masaya, tuloy mo lang yan." Sagot ko. "Sige na, andito na prof ko. Talk to you later panget. Please be safe!" Napangiti ako. "Bye panget!!!" Pinatay ko na din yung tawag, ng may ngiti sa labi.

Pagpasok na pagpasok ko sa room derecho lang ako sa upuan ko. "Mukhang ang saya saya mo naman, Shar." Puna nung classmate ko, si JP. "Ha? Bakit naman?" Tanong ko. "Ngiting ngiti ka kasi, pagpasok pa lang. May lovelife ka siguro no!" Asar niya pa. "Hala? Baliw ka! Issue issue! HAHA" Tawa tawa ko na lang na sagot. Ngumiti na lang siya, na halata mong di naniniwala.

Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako? Kasi ano, kasi nga. Kasi nga ano e! Hmm, kasi may mga bago akong kaibigan.

Dumating na din sa wakas yung prof. Aral aral aral.

••••••••
Hays, buti naman tapos na yung last class ko bago mag break. Gutom na gutom na ako, hehe wala palang bago don. Nilabas ko yung phone ko kasi tetext ko sana sina besh para sabay sabay kaming kumain ng nauna na pala magtext si Sunny sa akin.

From: Sunny

Pag break mo na, punta ka na ng canteen. Dito na kami ni Miles, with Pangilinan cousins. Ikaw na lang wala.

PS. Miss kana ni Donny :p

To: Sunny

Loko! Papunta na ako. :p Save niyo ako upuan.

From: Sunny

Meron na ;)

Hindi na ako nagreply, medyo nagmadali na ako sa paglalakad. Gutom na talaga ako. Buti na lang medyo malapit sa yung building ko sa canteen.

Pagdating ko nakita ko na sila, at ang galing talaga grabe ni Sunny dahil yung sinave niya talaga na upuan ko yung katabi ni Donny. Hay nako, planado to for sure.

"Oh ayan besh ha, sinave kita ng upuan. Ay, actually hindi naman ako yung nagsave." Asar agad ni Sunny, pagkatapos kong ibaba yung bag ko don sa upuan ko. "Sino kaya yun no?" Gatong pa ni Robi. "Ewan ko sa inyo. Ituloy niyo na yang kain niyo, bibili na ako." Sabi ko sa kanila, at dumerecho na ako sa pila.

Nakabili na ako, pabalik na ako sa kanila. "Bukas na pala yung game niyo. Galingan niyo ha!" Sabi ni Sunny. "Oo naman, shempre para kay Lord, family, school, and supporters." Sagot naman ni Nash. "Balita ko may magaling don e, yung galing ibang bansa yun." Curious na tanong ni Robi. Naubo naman ako, napatingin tuloy sila sa akin. Mabilis na nagabot si Donny ng tubig. "Okay ka lang?" Tanong niya. "Dahan dahan lang kasi. Uminom ka muna ng tubig." Uminom na din ako at nagpasalamat sa kanya. "Sana lahat." Singit ni Miles.

Right TimingWhere stories live. Discover now