Chapter 14

655 39 16
                                    

Chapter 14

SDTG

Monday nanaman, so chill chill lang ako sa dorm kasi wala naman akong pasok e. Nood nood lang ako sa tv at scroll sa twitter.

@shar_sanpedro: Jabee jabee jabee :(

@jlaaaau: Sana lahat may mocha cake.

@wwaldo28: Good morning! :)

@donnypangilinan: Katakawan strikes. :p

@poooooh3: Unique! Akin kana lang :—(

@shar_sanpedro: Teka, hanapin ko paki ko.

@donnypangilinan: P I K O N :p

Hindi sa assuming, pero ramdam ko talaga na ako yung pinapataamaan niya. Partida ha! Magkatext pa kami.

From: Panget

Y so pikon panget?

To: Panget

Im not :p

From: Panget

Pikon pikon! Akala mo maganda! :p

To: Panget

Maganda naman talaga!

From: Panget

Oo nga. Sabi ko nga e. :—)

Hindi na nakuntento, tumawag na siya. "Oh, miss mo na ako?" Bati ko. "Takaw mo nanaman kasi. Labas ka." Sabi niya. "Sira kaba? Ayoko nga lumabas, ganda ganda ng upo ko dito e." Asar na sabi ko. "Okay, ibigay ko na lang sa iba yung Jollibee mo." Sabi niya. Sus! Akala naman niya matatakot ako don.

TEKA! Jollibee daw ba?! Agad agad akong tumayo at nagtatakbo sa pinto. "Asan na?" Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, yun agad sinabi ko. "Wala man lang, hi pogi! Pogi pogi mo talaga." Asar niyang sabi. "Wala. Asan na jabee ko?" Sabi ko. "Ito na po." Bigay niya agad.

Pumasok nadin kami agad. Inayos ko yung kakainin namin sa sala, may mini table naman kami sa sala e. "Salamat ha. Crave talaga ako sa jabee ngayon e." Sabi ko, habang inaayos ko na. "No worries." Ngiti niyang sabi. Ngumiti na lang din ako at nagsimula na kami kumain.

"Teka! Wala ka bang pasok ngayon?" Takang tanong ko. "Wala. Diba same tayo pag Monday wala?" Sabi niya. "Oo nga pala. Sorry naman agad." Pabiro kong hirit.

"Siguro, miss mo talaga ako kaya napabisita ka dito." Asar ko sa kanya. "Baka naman. Kapal mo uy." Sabi niya. "Sus, aamin na lang di pa magawa e." Suntok suntok ko pa dito ng pabiro. "Baka pag ako umamin manahimik ka." Seryoso niyang sabi. Napatingin lang ako sa kanya. "Uy, di bagay sayo!" Asar ko, habang ginulo ko buhok niya.

"May training nga pala kami bukas." Sabi niya. "What time?" Tanong ko. "Same time padin sa hapon." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya. "Ingat ha? Go hard! No injuries, okay?" Malambing kong sabi. "Yes panget! Malakas ka sa akin e." Ngiti niyang sabi.

Tapos na kaming kumain. "Uy, ako na. Dyan ka lang." Sabi ko sa kanya kasi gusto niyang tulungan ako magligpit ng pinagkainan namin. "Okay lang. Kumain din naman ako e." Sabi niya. "Uyyy!" Habol ko kasi bandang huli, siya din nagayos lahat tinuro ko lang kung saan dapat itapon.

"Eh wala din, ikaw lang din nagligpit." Sabi ko. "Okay lang yun, at least di ka nahirapan panget." Seryoso niyang sabi. Dusko! Mga ganyang lalaki, mga tipo ko. Yung kilig ko po! "Drama mo uy!" Dinaan ko na lang sa tawa yung kilig ko.

"Movietrip tayo?" Yaya ko kasi wala ng trip e. "Sure panget." Sangayon naman niya sa akin. "Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap sa dvds namin. "Ikaw." Bigla niyang sabi, kaya napaharap ako sa kanyang mabilis. Gulat na gulat yung ekspresyon ko. "Ha?" Hindi siya nakatingin sa akin kaya bigla siyang napaangat ng tingin. "Hmm, ano. I mean, ikaw. Ikaw bahala kung anong movie." Medyo kabado niyang sagot. Maski ako kinabahan e. Heart! Kalma ka lang dyan.

Tumawa na lang ako, para kunwari okay lang. Hanap hanap lang ako ng papanoorin namin, hanggat sa nahanap ko yung "She's dating the gangster." Sabi ko. Favorite movie ko kasi to. "Grabe! Bagong bago!" Asar niyang sabi. "Bat ba? Pinapili pili mo ako, tapos ngayon magrereklamo kang panget ka!" Gigil kong sabi tska hinampas siya. "Nagreklamo ba ako?" Tatawa tawa niyang sabi. Inirapan ko na lang siya at inayos yung dvd para makanood na kami. Bumili na din muna siya sa labas ng mga chichirya, dahil shempre food is life kami.

Nagsimula na yung movie. Seryoso akong nanonood ng mapansin ko sa gilid ko, seryoso din nanonood si Donny. "Ayaw pala ah?" Asar kong parinig. "Sinong nagsabing ayaw ko?" Balik niya agad na sagot. "Shh! Wag kana sumagot." Habang pinipigil ko pa kasi magsasalita pa sana siya.

Nandun na sa part na sa basketball game sila. Cute cute talaga ni Kath! Bigla siyang ngumisi"Dapat sa next game, ganyan ka ha." Asar niya sa akin. "Sino naman sexy love ko sa inyo?" Asar na tanong ko. "Sexy protector, meron." Pakindat niya pang sabi. Easy lang sa pakindat panget! Marupok ako! Chos! "Di ko sure kung sexy, yung protector ko." Ngumiti na lang ako. "Baka pakitaan kita dyan." Hamon niya sa akin. "Nako! Sinasabi ko nga ba. Crush mo ako e!" Asar niya. Namula DAW kasi ako. Inirapan at hinampas ko na lang siya. "Tigilan mo, di ka cute." Sabi ko. "Nye nye, dami mong sinabi kilig ka naman." Asar niya pa.

Umiiyak na si Kath, nandun na sa part na umaayaw na siya sa deal kasi nahuhulog na siya kay DJ. Seryoso akong nanonood ng magsalita si Donny.

"What if ganon din ako sayo shar? What if totoong nagugustuhan na kita? What if nahulog na ako sayo, shar?"

———————————————————-

Sorry po sa short UD! Bawi ako, after ng grad namin bukas. Thank you!!

Chap 14 done! :) 10+ votes for Chap 15. :)

Right TimingWhere stories live. Discover now