Chapter 2

1K 53 19
                                    

Chapter 2

Superwoman

Pagdating naman sa hospital agad naman siyang inasikaso ng mga nurse and doctor dun.

"Kaya naman pala familiar yung guy, eh sikat pala sa school natin yun." Sabi ni Sunny.

"Sikat? Paano? Bakit?" Tanong ko.

"Gaga ka! Di mo alam?! Star player ng basketball team natin yan!" Sagot ni Miles.

"Hindi ko alam. Kaya lang siya familiar sa akin kanina kasi parang nakakasalubong ko lang siya sa campus. Di ko naman alam na basketball player siya." Sagot ko naman.

"Hindi lang basta basketball player, star player siya. STAR PLAYER." Sabi ni Sunny. Ineemphasize niya talaga yung star player.

"Okay okay. At least natulungan natin siya." Sabi ko.

"Pwede na ba tayo umalis? Or ano?" Tanong ni Miles.

"Hm? Ms.? Kayo po ba yung kasama nung pasyente?" Tanong nung nurse sa amin.

"Opo ate, bakit po?" Sabi ni Miles.

"Nailipat na po siya sa isang private room, pwede niyo na po siyang puntahan." Sabi nung nurse.

Pinuntahan nadin namin. Pag pasok namin, mukhang maayos na naman siya pero nakapikit padin.

"Hihintayin ba natin siyang gumising or aalis na tayo?" Tanong ni Sunny.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

Nagulat kami ng bigla siyang gumalaw.

"Uy, okay ka lang ba? Tatawag ba kami ng doctor o ano?" Tanong ko sakanya.

"Hindi hindi, okay lang ako. Kayo ba yung tumulong sa akin?" Tanong ni Donny.

"Oo, kami nga yon." Sabi ni Miles.

"Salamat talaga. Lalo na sayo naaalala ko yung boses mo na sumigaw para itigil nila yung ginagawa nila sa akin." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Kinurot naman ako ni Miles tska ni Sunny.

"Ahh! Oo! Siya talaga yung nakakita sayo at nagsabing itigil yung sasakyan para iligtas ka." Sabi ni Sunny kinindatan pa ako.

"Ganon ba? Nako, salamat talaga. Laki ng utang na loob ko sayo. Ikaw na ang superwoman ko." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Wala yon. At least okay kana ngayon." Sabi ko sakanya.

"Makakabawi din ako sayo sa susunod Ms.?" Sabi niya.

"Sharlene San Pedro." Sabi ko sakanya.

"Ahh. Thank you ulit Sharlene. I hope I can see you again para makabawi naman ako sa tulong mo at ng mga kaibigan mo." Sabi niya habang nakangiti.

"Wag mo ng isipin yun. Okay lang. Magpagaling kana lang. Hmm, pwede na ba kaming mauna?" Sabi ko at nginitian ko nadin siya.

"Di naman pwede yun, basta babawi ako. Sige, pinacontact ko nadin naman sa nurse yung parents ko. Thank you ulit. See you soon Ms. San Pedro." Sabi niya at nagpaalam nadin kami.

.....

"Loka naman daw ako! Ano teh? Kayo lang nandun? Di na kami kinausap?" Sabi ni Miles nung nasa sasakyan na kami.

"Baliw! Shempre nagpapasalamat lang siya." Sabi ko naman.

"Iba yung mga ngitian niyo e no! Pati may pagtawag na ano nga yon?!" Sabi ni Miles.

Right TimingWhere stories live. Discover now