“Okay. Let’s just say that I have feelings for her. Now do you want to get Jared back?” halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang sa tanong niya. Ano?! Ano kamo?! Narinig ko siya nang malinaw, besides tumila na rin ang ulan pero hindi magsink-in yung tanong niya sa utak ko.
“W-what?!” yan ang lumabas sa bibig ko. Isang malaking WHAT?! I mean yeah, I want Jared back but to the point na aagawin ko siya. Pinagmasdan ko siya, mukhang seryoso siya sa sinasabi niya “Are you serious Enzo?!” tanong ko ulit at tumango siya. Oh noh! He’s f*cking serious.
“So if I agree to your deal? What’s your plan?” I asked. “Well simple lang, ang plano ko. Itatry ko ang method na ito, na paseselosin siya. Kung gumana, then ito yung gagawin natin” wow! Ganda nang plano niya ha infairness napabelieve niya ako dun.
“So kapag nagselos siya? That’s it?” tumango siya. Napaface palm na lang ako “Eh paano kung di gumana?”
“Well, leave it to me” alam mo yung feeling na gusto mong batukan yung isang tao? Yun yung nararamdaman ko eh. Gusto ko siyang batukan pero syempre sa isip ko lang yon. Sinamaan ko lang siya nang tingin.
“Ano na?” tanong niya. Tinignan ko ulit siya at mukhang seryoso siya. Hindi ko maiwasang di magtanong sa kanya “Bakit mo ba gustong gawin toh?” tumingin siya sa akin at saka ibinaling ang atensyon sa iba.
“Bakit nga ba? Hmm sabihin na lang natin na gusto nating mabalik ang mga mahal natin” at ngumiti siya nang mapakla. Nung panahon na yon, di ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanya. Lungkot ba o awa. Siguro parehas lang.
Tumingin siya sa langit “Huminto na pala ang ulan. Tara hatid na kita sa inyo. Malapit lang din kasi ang bahay namin sa inyo eh” tumayo siya at ganun din ako. Naglakad na kami papauwi at walang umiimik sa amin nung naglalakad kami. Hanggang sa magsalita siya “Uyy ano nang sagot mo?” ayy oo nga pala. Hindi ko pa pala siya nasasagot sa alok nito.
Sandali akong nag-isip. Ayaw ko naman na manulot ng ibang relasyon pero kasi… mahal ko talaga si Jared eh. Hmm bahala na nga. Wala naman masama kung susubukan diba? “Oo pumapayag na ako” ngumiti siya “Then it’s settled. Bukas ay magready ka na” Ano?! Bukas kaagad?! Agad-agad?! What the! Bigla akong nakaramdaman ng hilo at dumilim ang paningin ko.
Iminulat ko ang mata ko dahil sa liwanag na nakapagpasilaw sa akin. Nakita ko yung orasan at 7:30 pm na pala. Hala?! Paano ako nakarating dito?! Parang kanina lang kasama ko si Enzo tapos---
“Ohh gising ka na pala” napatingin ako sa may bandang pintuan kung saan nakatayo si Mama. “P-paano po ako nakauwi ng bahay? Di ko po kasi maalala eh”
Napatawa lang si Mama “Hinatid ka nung classmate mong si Enzo, nawalan ka ng malay. Wag ka kasing magpapaulan. Oh ano ayos ba ang pakiramdam mo? Nung dinala ka dito nung classmate mo ang taas ng lagnat mo”. Si Enzo pala ang nagdala sa akin dito? OMG! Nakakahiya!
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, medyo masama pa yung pakiramdam ko kung kaya’t sinabi ko ito sinabi kay Mama “Ano dadalhin na ba kita ng pagkain dito sa kwarto mo?” umiling na lang ako “Di na po. Bababa na lang po ako” sinuot ko ang tsinelas ko at bumaba na para kumain. Habang kumakain ay di ko akalain na ihahatid ako ni Enzo.
Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga. Binabasa ko ang text messages ng mga classmate ko ng bigla itong magvibrate. Unregistered number, kaya binasa ko.
‘Celine, Enzo toh. Hope na maayos na ang pakiramdam mo. Wag ka na kasing magpapaulan kapag alam mong magkakasakit ka. Ge’ hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o matatawa sa sinabi niyang wag daw akong magpapaulan, pero napangiti pa rin ako. Inilapag ko ang cellphone ko sa tabi ko at natulog.
BINABASA MO ANG
Heart String
Teen FictionCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...