After ng dinner ay nagsimula nang magsayawan. Pumunta kami sa table ng parents ni Enzo. Habang palapit na kami ng palapit ay mas lalo akong kinakabahan.
“Ang lamig ng kamay mo” sabi niya. Hawak niya kasi yung kamay ko. “Ahh wala ito” sabi ko.
“Are you nervous?” he asked. Naglip bite ako at tumango “Don’t worry they’re nice. Just relax.” Relax. Mukha mo, paano ako magrerelax eh out of nowhere bigla bigla na lang niya akong ipapakilala sa parents niya as a GIRLFRIEND! How could I relax?
“Bakit mo ba kasi ako ipapakilala sa parents mo as girlfriend? Di ba pwedeng as friend na lang?”
“Basta. I’ll tell you soon.” Sabi niya. “Hi Mom, Hi dad” namalayan ko na lang na andito na kami sa table ng parents niya ng batiin niya ito.
“Hi Son, by the way is she your girlfriend?” tanong ng mama ni Enzo.
“Yeah, she’s Celine Salcedo. My girlfriend” pakilala sa akin ni Enzo at agad naman akong bumati sa kanila “Ah G-good evening po Sir, Maam.” Syet, nangangatog na talaga yung tuhod ko sa kaba. First time ko lang talaga maranasan yung ganito.
“Oh drop the formalities, call me Tita Anne. Nice meeting you finally. Buti at napagtyagaan mo ang katigasan ng ulo ng anak ko” tumawa na lang ako “Ah eh oo nga po eh.”
“By the way, this is my husband, call him Tito Edward.” Nakipagshake hands ako sa papa ni Enzo. OMG ang babait ng parents ni Enzo pero bakit siya parang ang opposite ng ugali?
Nag-usap kami nila Tita Anne at Tito Edward pero mostly si Tita Anne lang yung nagtatanong sa akin like paano ko siya nakilala. Sabi ko classmate ko siya. Like my hobbies, interest and how my family like. How do I handle our relationship and many many more na yung iba ay imbento na.
“You have a nice choice, son. Take care of her okay? We’ll go now to mingle with everyone” sabi ng papa ni Enzo at tumango lang siya. Pagkaalis nila ay feeling ko parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. “Tara, ipapakilala na kita sa ate ko.” Tumayo na kami at pinuntahan yung ate niya.
“Happy birthday sis” niyakap naman siya ng ate niya “Thank you”
“By the way, this is Celine. Celine Salcedo my girlfriend.” Ngumiti ako “H-hello po. Happy birthday po sa inyo”
Ngumiti siya ng ubod ng tamis “Thank you and finally nagkagirlfriend na rin ang dongsaeng ko. You’re his first girlfriend na pinakilala niya sa amin” ohh?
“Ah hehe. Thank you po.”
May humatak sa kanya kaya agad siya na nagpaalam sa amin “I have to go now. Nice meeting you by the way. I hope na magbonding tayo” at agad siyang umalis.
Bumalik din kami sa table namin. Yung mga pinsan ni Enzo ay nasa dance floor at nakikipagsayaw kaya kami na lang yung natira nung bumalik kami.
Dito ay di ko na maiwasan na magtanong “Bakit mo nga pala ako pinakilala bilang girlfriend mo?”
“Kasi, si ate palagi niya akong nirereto kung kani-kanino at pinapapunta sa mga blind dates. Dahil di ko naman trip yung mga babaeng nirereto sa akin ni ate ay di ko sinisipot. Gusto niya kasi magseryoso na ako sa babae. Tsaka para matigil na rin yung paggawa niya nun sa akin.”
“I see.” Nagpaalam muna ako saglit para mag-cr. Matapos kong ilabas si Mother nature ay naghugas ako ng kamay at lumabas. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinilip ko ang madilim na pasilyo. Feeling ko ay may tao dun.
Hala baka may mumu? Or killer? Oh no!
Pero wala sa sinabi ko yung nakita ko.
Si Fritzie at Jared yung nakita ko.
Naghahalikan sila. As in torrid.
Biglang kumirot yung puso ko. Hindi naman ako hinahalikan ni Jared ng ganyan. Hindi rin niya ako ipinagmamalaki sa lahat at walang nakakaalam na boyfriend ko si Jared maliban kay Liezel.
Nararamdaman kong tutulo na yung luha ko kaya dali akong lumayo sa lugar na yon hanggang sa dalhin na lang ako ng paa ko sa garden.
Tinanggal ko yung heels ko na ubod ng taas at umupo sa bench. Doon ay binuhos ko yung sakit na nararamdaman ko.
Sa totoo lang ay naiingit ako kay Fritzie. Buti pa siya, pinagmamalaki siya ni Jared bilang girlfriend niya eh samantalang ako ay hindi. Wala ngang nakakaalam na magcouple kami dahil ang katwiran niya ay takot siyang ayawin ako ng mga baliw niyang fangirls. Pwede nga niya akong ipagtanggol eh.
Bakit si Fritzie, pinagtatanggol niya sa mga fangirls nito?
Ang unfair lang kasi.
Yung mga nagagawa niya kay Fritzie, di ko yun naramdaman. Feeling ko nga di niya ako girlfriend eh. Feeling ko ako na lang yung nagpupumilit sa relasyon naming noon eh.
Ang sakit sakit lang.
“GUSTO KO NANG MAG-MOVE ON!” sigaw ko. Di ko na mapigilang sumigaw. “Edi magmove-on ka na” biglang may sumagot.
Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Enzo. “Anong ginagawa mo dito?!” tanong ko.
“Ang tagal mo kasi sa c.r kaya hinanap kita” may kinuha siya sa bulsa niya at binigay niya sa akin ang isang puting panyo “Ito ohh”
Inabot ko yung panyo niya “Salamat.”
“Bakit ka nga pala umiiyak?” tanong niya. Di ako sumagot. Suminga lang ako sa panyo niya “Dahil ba kay Jared?” napatingin ako sa kanya pero walang lumalabas sa bibig ko.
Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng wipes “Ito oh. Kumalat na yung make up mo sa mukha” kinuha koi to at pinunasan yung mukha ko “Ayos na?” tanong ko at tumango naman siya.
“Gusto mo bang maka-move on kay Jared?”
**
BINABASA MO ANG
Heart String
Novela JuvenilCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...