Lumipas ang mga araw at nagpapansinan na rin kami ni Enzo. Kaya lang niya ako di pinansin nung isang araw dahil may problema daw siya pero naayos na niya yun kaya okay na. Ang daya nga niya eh di niya sinasabi kung ano yung problema niya.
Palagi na rin akong nanunuod ng basketball practice niya at hinihintay siyang umuwi para sabay kami since iisang way lang ang mga bahay namin.
“Tara kain tayo” yaya niya sakin. Wala pa naman kaming teacher and since march na ngayon ay wala na rin kaming masyadong ginagawa maliban na lamang sa pagreready sa final exam. Mostly puro daldalan na lang ngayon ang inaatupag ng mga classmates ko sa room.
“Sige” tumayo ako at lumabas kami sa room. Naglakad kami papunta sa cafeteria at habang naglalakad ay nag-uusap lang kami sa mga kung anu-anong bagay tulad ng basketball practice nila or yung mga kalokohan namin sa room.
Nang makarating kami sa cafeteria ay umupo kami sa upuan sa dulo “Anong gusto mo?” tanong niya.
“Bakit lilibre mo ako?” tanong ko habang nakangisi.
Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko kaya medyo nakaramdam ako ng pagkailang “Hmm.. Hindi”
“Nye? Nagtanong ka pa”
Tumawa siya “Joke lang. Lilibre kita”
“Talaga? Yey! Gusto ko nang baked macaroni, graham balls tsaka mountain dew” sabi ko. Ngumiti siya “Sige, order lang ako” umalis siya sa upuan at pumunta sa counter. May mga estudyanteng babae rin ang nakatingin sakin ng masama pero binalewala ko na lang yun.
Ano namang mapapala ko kung papansinin ko sila diba? Tsaka ayoko ng away kahit madami rin ang nambabash sakin. That’s the art of dedmatology.
Napadako ang tingin ko sa unahan ko at nakita ko si Fritzie na nakatingin sakin. Dededmahin ko na sana pero napansin ko na masama yung tingin niya sakin.
Hindi ko alam kung bakit siya nakatingin sakin ng masama. Alam ko wala naman akong nagawang masama sa kanya kaya there’s no reason to give me a sharp glances. Agad siyang umiwas ng tingin ng mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya.
“Ito na oh” di ko namalayan na dumating na pala si Enzo. Ibinigay niya sakin yung pagkaing binili niya. Sinubukan ko na lang kalimutan yung pagtingin sakin kanina ni Fritzie ng masama at kumain ng pagkain.
Habang kumakain ay patuloy pa rin kaming nag-uusap ni Enzo “May gagawin ka ba mamaya after ng klase?” tanong niya. Umiling ako “Wala. Bakit?”
“Ahh balak ko kasi sana dun tayo sa bahay namin after the class” sabi niya. Really? Dadalhin niya ako sa bahay nila? Uwaa na-eexcite tuloy ako. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa kanila.
“Talaga? Ayo slang sayo?” tanong ko at tumango naman siya. Ngumiti ako “Sige.”
After ng klase ay naghintay ako sa labas ng classroom since cleaners si Enzo ngayong araw. Habang naghihintay ay isinalpak ko sa tenga ko yung headset ko saka nakinig ng music. Nasa kalagitnaan ako ng pag-kikinig sa music ng may kamay na tumakip sa mata ko.
“Hoy! Sino to?!” tanong ko habang pilit na inaalis yung takip sa mata ko. “Hulaan mo” sabi ng isang pamilyar na boses.
“Enzo, ikaw to noh?” sabi ko at narinig kong tumawa siya “Galing ah?” ginulo niya yung buhok ko.
“Aish! Wag mo ngang guluhin yung buhok ko!”
Tumawa lang siya “So ano tara na?”
“Sige”
Sabay kaming lumabas ng school at as usual pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante lalo na yung mga babae. Kung nakakamatay lang siguro yung tingin ay malamang kanina pa ako nakaburol.
“Don’t mind them” sabi ni Enzo kaya ngumiti na lang ako “Nah, I don’t” I said. Habang naglalakad ay walang nagsasalita samin kaya medyo awkward. Nararamdaman kong tumatama yung kamay niya sa kamay ko kaya mas lalo akong nailing.
Hanggang sa maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Inintertwined niya yung daliri niya sa daliri ko at automatikong inintertwined ko din yung akin. Pakiramdam ko, nagsiakyatan yung dugo ko sa pisngi ko.
“M-matagal ko na tong gustong gawin” sabi niya. Napatango na lang ako. Syet! This is the first time na hinawakan niya ang kamay ko at pakiramdam ko sasabog ako sa kilig.
Feeling ko may electric buzzer siya sa kamay, like the first time na hinawakan ko yung kamay niya. Nakukuryente ang balat ko at parang may butterflies sa tyan ko.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad at nalagpasan na namin yung bahay namin. Mga 10 minutes din bago kami nakarating sa bahay nila which is medyo malapit nga talaga samin yung bahay nila.
Malaki yung bahay nila at simple lang sa labas pero pagdating sa loob ay sobrang ganda nung interior design. Halatang mayaman sila Enzo dahil sa mga appliances nila sa bahay.
“Maupo ka, wait lang kuha lang kita ng merienda” sabi niya saka umalis papuntang kusina nila. Pinagmasdan ko ulit yung bahay nila at talagang nakakaamaze.
Nakita ko yung mga pictures nila Enzo nung bata pa siya along with her sister. Grabe ang cute pala ni Enzo nung bata pa siya.
Nadala na kaya ni Enzo si Fritzie dito sa bahay nila?
Tatanong ko na lang sa kanya mamaya.
Maya maya ay dumating si Enzo na may bitbit na chocolate cake at iced tea. Inilapag niya ito sa mesa at sinerve sakin “Thanks”
“Your welcome”
Kinuha ko yung cake at tinikman. Infairness masarap yung cake kaso di familiar sakin yung itsura ng cake dahil hindi siya yung usual na design na makikita sa mga sikat na bakeshops “Uwaa ang sarap ng cake”
Nagning ning yung mga mata niya ng marinig niya yung compliment ko “Talaga?”
Tumango ako “Mmm. Saang bakeshop niyo to nabili?”
“Home made yan”
“Talaga? Sinong gumawa?”
Bigla siyang yumuko at nagkamot ng batok “A-ako”
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko “Talaga?” at tumango naman siya. Di ko akalain na marunong pala siyang magbake ng cake? Wala sa itsura niya promise!
“Nice, di ko akalain na marunong ka pala”
“Yeah, my mom’s business is sweets and pastries so basically, nagbebake siya and since lagi kong natitikman yung mga binebake niya eh nagpaturo ako” napatawa na lang ako. Di ko akalain na may ganitong side si Enzo aside being a hot jock sa school namin. A feminine side.
“By the way, asan parents mo tsaka si ate mo?” I ask.
“Nasa work sila mom and dad tapos si Unni nasa school pa” ehh? It means kami lang dalawa ang nandito sa bahay nila?!
“I see. So anong gagawin natin?” tanong ko.
“Uhm punta tayo sa terrace namin. You want?” sabi niya. Tumango ako “Sige”
Tumayo kaming dalawa at hinawakan niya ulit yung kamay ko and like before, nagwawala na naman yung puso ko. Napansin ko lang, hilig niyang hawakan yung kamay ko ngayon.
**
A/N: Thank you for reading and enjoy :))
BINABASA MO ANG
Heart String
Teen FictionCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...