Last day na ng school year at matatapos na ang junior year. Nakakalungkot lang dahil magsesenior na kami. Sa bahay ng classmate ko sinelebrate ng buong klase yung farewell party pagkatapos ng recognition and since may swimming pool sila ay dito na napagpasiyahan na i-celebrate.
Yung mga classmate ko eh nagsisipaglanguyan na kasama si Liezel samantalang ako ay nakaupo ako sa gilid ng pool habang nakababad yung paa ko.
“Hindi ka pa magsiswimming?” napatingin ako sa tabi ko at di ko namalayan na katabi ko na pala si Enzo. Umiling ako “Hindi pa eh. Ikaw?”
“Actually magsiswimming na nga ako eh kaso..” huminto siya at biglang— “Ahh! Walang hiya ka!” itulak daw ba naman ako? Halos ubuhin na ako sa pool dahil sa tubig na pumasok sa ilong ko. Tinignan ko nang masama si Enzo habang patuloy sa pagtawa. Umahon ako sa pool at—“Woah!”
Mwahaha buti nga sayo!
Tinulak ko din si Enzo sa pool. Wala eh uso gantihan eh. Tumawa lang ako habang pinagmamasdan ko siya sa pool na halos maubo din katulad ko kanina. “Sorry uso gantihan eh” sabi ko sabay bumelat sa kanya.
“Ikaw talaga” tumalon na ako sa pool at sinamahan siya doon. “Ano paunahan tayo sa paglangoy?” sabi niya kaya tumango ako “O sige ang matalo manlilibre ah?” sabi ko naman.
“Game!” pumwesto na kami at nagpaunahan kami sa paglangoy kahit na madami kaming nababangga na tayo since medyo madami kami.
“Waah! Andaya mo!” halok ipadyak ko na yung paa ko sa tubig dahil sa sobrang inis. Paano ba naman natalo ako sa pagracing sa pool.
Kumibit balikat siya “Wala eh ganun talaga, ambagal mo kasi”
“Wow ako pa mabagal ngayon ah?” sabi ko sabay irap sa kanya. Tumawa lang siya ng marahan saka lumapit sa harap ko na nakatalikod “Oh anong ginagawa mo dyan?” tanong ko.
“Sakay na”
“Huh?”
“Sumakay ka na sa likuran ko. Swimming tayo hanggang sa ilalim” sabi niya. “Eh ayoko nga. Baka ihulog mo ako eh” sabi ko.
“Hindi ah. Ano sasakay ka na?” Wala na rin akong nagawa kundi ang sumakay sa likuran niya kahit ayoko dahil sa tingin ko ay di niya ako titigilan hanggang di ako sumusunod sa gusto niya.
Yumakap ako sa leeg niya at hinawakan niya yung paa ko tsaka nagsimulang lumangoy. Biglang bumilis yung puso ko. Hindi ko pa nararanasan na sumakay sa likod ng lalaki at sa mga movies ko lang ito nakikita pero ganito pala yung pakiramdam.
Nararamdaman kong unti unti nang lumalalim yung tubig kung kaya’t kumapit ako maigi sa leeg ni Enzo “Ang gaan mo pala” sabi niya. Tumawa lang ako. Unti-unti nang bumaba si Enzo kung kaya’t napasigaw ako “Oyy ano ba?! Malulunod ako!” sigaw ko at tumawa lang ang mokong.
“Takot ka pala sa malalim?” tanong niya kaya tumango ako. “Balik na tayo”
Nang sumapit ang lunch ay kumain na kami na pinag-ambagan naming magkakaklase para lang sa foods. “Oy after ng lunch, spin the bottle tayo ah? Bawal ang kj” sabi ni Lyka ang dare devil ng room. Nagkanya kanyang reaction naman ang mga classmates ko samantalang ako eh dedma lang. “Dito na lang tayo kumain” sabi ni Liezel. Itinuro niya ang hagdan papuntang terrace kaya doon na lang kami umupo since wala namang tao dun.
Nag-usap lang kami ni Liezel tungkol sa mga bagay bagay at kung anong gagawin namin this summer. After kumain ay pumunta kami kung saan naroon ang mga classmates namin dahil maglalaro daw kami ng spin the bottle kahit sa totoo lang ay ayaw namin. Malay ba namin na may ipagawa samin na nakakabaliw or itanong samin na nakakaloka.
Tumabi sakin si Enzo habang nakabilog kaming lahat. Inikot ni Lyka ang bote at tumapat ito sa classmate namin na ang pinili ay dare. First game pa lang eh talagang nakakawindang ang dare dahil pinasulat ni Lyka yung classmate namin yung pangalan ng crush niya gamit ang pwet niya.
After nun ay inikot niya ulit at natapat ito sa isa na truth naman ang pinili. Lalong natutuwa ang mga classmates namin sa pinagagagawa nila lalo na kapag dare at aminin ko ay tawang tawa ako sa napapanuod ko.
Nang sumunod ay tumapat ang bote kay Fritzie at ang pinili niya ay dare. “Dare huh? Sige halikan mo yung pang pito na guy sa lips” nagulat ang karamihan miski ako. This is too much. Alam niyang nandito si Jared pero inuutusan niyang halikan ni Fritzie yung ibang lalaki. Di kaya magkaroon ng world war 3?
Since siya ang dare devil at kailangan mong sumunod sa kanya ay napilitan siyang sundin ang dare. Maraming nagcheer kay Fritzie at lumapit siya kay—Enzo.
Ehh? Siya yung pang pito?
Lumuhod si Fritzie at tumingin sa mga mata ni Enzo. Ewan ko ba kung guni-guni ko lang yun pero kitang kita na may spark sa mata ni Fritzie. Di kaya may feelings pa rin siya kay Enzo?
Unti unting lumapit yung mukha ni Fritzie sa mukha ni Enzo hanggang sa dumampi ang labi nito sa labi niya. Nakita kong pumikit si Enzo. Naghiyawan ang mga classmates ko pero hindi ako makasigaw or makatawa man lang.
Pakiramdam ko gusto kong sumabog sa galit sa mga oras na yon. Parang tinusok yung puso ko ng ilang milyong beses. Bakit ang sakit?
Gusto ko tuloy na magwalk out pero hindi ko kaya. Natatakot ako na baka mahalata nila na naiinis ako. Siguro nagseselos ako sa nakita ko.
“Wow that was bold and daring” nakangising sabi ni Lyka “Jared it’s just only a dare okay? Wag kang magselos” sabi niya sabay tawa ng malakas. Ngumiti lang si Jared. Unbelievable! Nakakatakot talagang magdare si Lyka. “Anyway let’s continue the game” pinaikot niya ang bote at sa kasamaang palad ay—“Truth or Dare, Celine?” napakagat labi ako. Nakakatakot ang mga dare ni Lyka kaya pinili ko ang truth since pwede naman akong magsinungaling kapag di ko kayang sabihin or sagutin ang tanong nila.
“Truth, okay. Here’s the question, what’s the real score between you and Enzo? Madalas namin kayong nakikita magkasama. May namamagitan na ba?” tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko. Tumingin ako sa mga classmates ko at nakangisi rin sila na para bang sinasabi nila na ‘spill-it-out’. Pasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Enzo.
“She’s my girlfriend” sabi niya sabay akbay sakin. Nagulat ang halos karamihan at yung iba ay naghiyawan. Napatingin ako sa kanya at mukhang seryoso siya sa sinabi niya. “Is it true?” tanong niya sakin kaya tumango na lang ako. Alangan namang sabihin ko yung totoong sitwasyon naming dalawa eh napakacomplicated naman. No choice kundi go with the flow na lang.
Tumawa si Lyka “I see. Sabi na eh, kanina nung nakita kong hinalikan ni Fritzie si Enzo eh selos na selos ang itsura ni Celine. Sorry Celine, I just provoking you” sabi niya. Grabe nahalata pala niya yun? Ngumiti na lang ako. Ipinagpatuloy ang laro at natapat ito kay Jared. Pinili niya ang dare.
“Okay here’s the dare. Sa lahat ng tao dito, pumili ka ng isa na sa tingin mo ay may nagawa kang kasalanan sa kanya. Next is dadalhin namin kayo sa kwarto at i-lolock ng isang oras. So sino?” tanong ni Lyka. As usual eh nakangisi na naman.
Tumayo si Jared at pumunta sa direksyon ko hanggang sa namalayan ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko. “Siya. Siya ang pinili ko”
![](https://img.wattpad.com/cover/12939239-288-k729707.jpg)
BINABASA MO ANG
Heart String
Novela JuvenilCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...