“Gusto mo bang maka-move-on kay Jared?” tanong niya. Napatingin ako sa kanya at di ko alam, biglang automatikong tumango yung ulo ko.
Unti-unting lumapit yung mukha niya sa mukha ko. Nararamdaman ko yung mainit at mabango niyang hininga. Medyo minty yung breath niya. Kahit hindi siya uminom ng alak, pakiramdam ko ay malalasing ako sa hininga niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog ito sa dibdib ko. Mabibingi na ata ako sa lakas nito. I felt his lips touched against mine. My heart beats fast than it’s usual rate. His lips are warm. Warm and soft. His kisses are gentle. I realized that I responding his kisses. It’s so passionate and addictive. Feeling ko ay mababaliw ako ng dis oras.
Kumalas kami pareho dahil sa kakulangan ng oxygen. Ipinagdikit niya ang noo niya sa noo ko at kapwa ay parehong kapos sa hininga “Let’s get real. I want to move-on too, my feelings for Fritzie. I want to throw it away. It’s okay even if you treat me like a rebound. Like I said, I want to move on also I want to help you” he said huskily. Andun pa rin yung malakas na tibok ng puso ko.
Unti-unti ay napatango ako.
Wala namang masama kung gagamitin ko siya as rebound diba? Besides, I don’t have feelings for him.
Kinabukasan ay nalate ako ng gising. Late na kaming nakauwi mula sa party at hindi ako nakatulog dahil sa nangyari sa amin ni Enzo. ‘Let’s get real’
OMO! Gusto kong magwala dito sa kwarto sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit ako kinikilig, dahil siguro sa first kiss ko.
Syet naman! Please stop it!
Buti na lang walang pasok ngayon dahil EDSA day, kundi ay baka maging zombie na ako pagpasok sa school. Chineck ko yung phone ko at may 3 messages. Two are from my classmate na gm lang naman at ang isa ay kay Enzo.
Bigla na namang bumilis ang puso ko. Stop it heart!
Binasa ko yung message niya ‘Good Morning. Have a nice day J’ – Enzo.
OMG! OMG! Nagtext siya sa akin! Bigla akong napapangiti kahit alam kong text lang yon. Agad akong nagreply sa kanya ‘Good Morning too and sorry ngayon lang ako nakapagreply’. Bumaba na ako para maghilamos at kumain ng almusal.
Naramdaman kong nagvibrate ulit yung phone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at binasa ‘It’s okay. Actually kagigising ko nga lang din eh. Ano gawa mo?’ – Enzo.
‘Kumakain. Ikaw? Kumain ka na?’
‘Yeah, katatapos lang. Ano kinakain mo?’ – Enzo.
‘Ahh sinangag at hotdog’
‘Uy fried rice. My favorite J’
‘Favorite mo pala sinangag?’
At nagpatuloy pa ang text conversation naming buong maghapon. Tinext niya ako kung anong ginagawa ko ulit ngayon at sabi ko ay nanunuod ng Koizora. Jdorama siya at nirecommend sa akin yun ng pinsan ko. Maganda daw tsaka nakakaiyak.
Nasa part na ako na magkasama sina Mika at Hiro sa kwarto niya at hinalikan niya si Mika.
‘Is this your first kiss?’ – Hiro. Umiling lang si Mika.
OMG! First kiss?
Naalala ko tuloy si Enzo at yung nangyari sa amin sa hotel garden. Lalo na yung ----
Sh*t feeling ko nagsisiakyatan yung dugo ko sa pisngi ko. Kasi naman bakit pa may sinabing first kiss dito sa part na toh?! Yan tuloy naalala ko si Enzo.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin yung halik ni Enzo sa labi ko. Kahit na nabasa ito kanina sa paghihilamos ay nandun pa rin.
Nakakainis naman ohh!
“Ano?! Nagkiss---“ tinakpan ko yung bibig ni Liezel. “Ano ba Liezel yung bibig mo!”
Nagtakip naman siya ng bibig at nagpeace sign “Sorry. Pero, di nga nagkiss kayo ni Enzo?” nahihiyang tumango ako.
“Teka ano nga ba talaga kayo? Napapansin ko na madalas na palagi kayong magkasama. Sabihin mo nga, kayo ba?” sunud-sunod na tanong niya. Ipinaliwanag ko sa kanya mula sa una naming pagkakakilala hanggang sa sinabi niya na gusto na niya itong totohanin.
“Ayy parang telenovela ang peg niyo ah? Pero, sigurado ka ba sa kanya? I mean alam naman nating lahat na sikat si Enzo for being an athlete at maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, isa pa isa rin siyang notorious playboy. Baka gawin ka niyang past time? Di kaya?” napaisip ako sa sinabi ni Liezel. Baka kaya gusto niyang totohanin dahil nabobored na siya? Pero sabi niya gusto niyang kalimutan si Fritzie. Aish! Ang gulo.
“Payong kaibigan lang, ingat lang kasi baka mamaya imbes na maging rebound mo siya ay baka ma-inlove ka sa kanya and worse, masaktan ka lang sa bandang huli.”
Ngumiti ako sa kanya “Don’t worry I will. Hinding hindi ako maiinlove sa kanya”
**
![](https://img.wattpad.com/cover/12939239-288-k729707.jpg)
BINABASA MO ANG
Heart String
Teen FictionCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...