Hinatid niya ako papauwi sa bahay pero sa kanto na lang ako nagpahatid. Natatakot ako baka Makita ako ni madir eh baka pagalitan pa ako at isipan na boyfriend ko si Enzo.
Pagkauwi ay dumiretso na ako sa kwarto ko at inilapag yung bag ko. Humiga ako sa kama at binasa yung invitation na binigay sa akin ni Enzo. Halatang mamahalin yung papel na ginamit dahil mabango ito.
‘You’re invited to Erin’s 18th birthday at February 24, 20XX, 6:00 pm up to 12:00 mm at Saphire Hotel. Strictly formal attire and please wear black or white dress. See you soon!’
Wow sosyalin ang ate ni Enzo. Sa Saphire Hotel pa talaga gaganapin. Isa yon sa pinakasikat na Hotel dito sa Pilipinas at isa yong 5 star hotel. Ang yaman nila.
Tinignan ko ang cabinet ko at naghanap ng masusuot na damit. Tyamba dahil nakahanap ako ng isang black cocktail dress na may ribbon sa gilid. Okay na to.
Chineck ko ang date ngayon, 21 na pala ngayon. 3 days na lang at birthday na nung ate ni Enzo. Nagtataka lang ako, bakit kaya gusto akong makilala nung ate niya? Di kaya may kinukwentong kung ano tungkol sakin si Enzo? Ayy nako sasapakin ko yun kung saka sakali.
Kinabukasan ay tinanong ako ni Enzo kung may susuotin na ba ako sa birthday ng ate niya at sabi ko ay meron na. Tumango lang siya at bumalik sa upuan niya. Anong nangyari don? Usually pag magkausap kami ay lagi niya akong kinukulit pero ngayon ay parang kakaiba.
Di kaya may problema siya?
Ini-shrug ko na lang yung balikat ko at hinayaan siya. Baka pagod lang or wala sa mood. Tumayo ako sa classroom para bumili ng makakain dahil di ako masyadong nakakain ng almusal kanina. Dahil akala ko ay malalate ako pero hindi pala.
Habang naglalakad ay—
“Ouch!” di ko namalayan na may nabangga ako. Naramdaman ko yung malamig na sahig “Ayy sorry po. Sorry” sabi ko.
“It’s okay” sabi ng isang pamilyar na boses habang pinupulot niya ang mga notebook niya. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga yon. “Ito na yung iba. Sorry po talaga” inabot ko sa kanya ang mga notebook at laking gulat ko kung sino yung nabunggo ko.
“Ohh ikaw pala Celine. Kamusta?” sabi niya habang nakangiti. Kinuha niya yung mga notebook niya at tumayo. Tinulungan niya akong makatayo. At first ay naghehesitate ako na kunin yung kamay niya pero kinuha ko na rin dahil paharang harang kami sa daan. “A-ayos lang ako. Sige mauna na ako” sabi ko sabay takbo papuntang cafeteria.
Habang tumtakbo ako ay ramdam ko na ang bilis bilis ng puso ko at the same time ay naiiyak ako. Syet, di pa rin ako maka move on sa kanya samantalang siya may girlfriend na.
Sinubukan kong kalimutan yung iniisip ko at bumili ng pagkain. Bumalik din ako sa room at napagpasyahan na doon na lang kumain. Nakakainis talaga, gusto ko nang mag-move on.
Makalipas ang dalawang araw ay birthday na ng ate ni Enzo. Nakabili na rin ako ng regalo para sa kanya. Nakakahiya naman kasi, kahit di ako kilala ay ininvite niya ako. Ang sabi ni Enzo ay susunduin niya ako dito sa bahay at pinaalam ko kila mama yung tungkol dito. Kulit nga nila dahil tinatanong nila kung boyfriend ko si Enzo.
Itinirintas ko yung buhok ko na pa side at nagmake up. Marunong naman ako mag make up pero di nga lang ganun ka ganda. Suot ko na rin yung damit ko. Habang nagmemake up ako ay naririnig ko na parang nagkakagulo sa baba. Siguro andun na si Enzo dahil naririnig ko rin yung boses niya dun.
Nang matapos ay bumaba na ako. Nadatnan ko na nakaupo siya sa sofa namin. Nakablack tuxedo siya at nakaslick yung buhok niya. Infairness ang gwapo niya ngayon.
“Wow ang ganda ng anak ko” sabi ni mama. “Hehe thank you po.”
“Maganda ka, gwapo naman itong boyfriend mo. Bagay na bagay kayo” nakangiting sabi ni mama.
BINABASA MO ANG
Heart String
Подростковая литератураCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...