‘Hoy may gagawin ka ba ngayon?’ –Enzo.
Tinitigan ko yung text niya sa akin. Bakit? Ano na naman bang kailangan nito at tinatanong kung may gagawin ako? Sandali akong nag-isip kung may gagawin ako. May gagawin nga ba ako? Tapos na akong maglaba at maglinis ng bahay. Nagawa ko na yung assignments and projects ko nung sabado pa. Hmm. Wala naman akong pupuntahan—in short, wala akong gagawin.
Tinext ko siya ‘Wala. Bakit?’ at sinend sa kanya. Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng Harry Potter, maya maya ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko at tinignan kung sino yung nagtext. And it was from Enzo. ‘Tara gala tayo’. Ano?! Gagala kami?! Di naman kasi ako palabas na tao tsaka prefer kong magpahinga kesa sa gumala unless kailangan.
‘Ayoko nga. Ikaw na lang’
Isinalpak ko ang headset ko para magsoundtrip. Pinatugtog ko yung Miniskirt ng AoA. Nasa kalagitnaan na ako ng kanta ng biglang huminto ito. Tinignan ko kung anong nangyari at huminto pala ang phone ko dahil natawag sa akin si Enzo. Ni-slide down ko yung phone ko para sagutin yung tawag ni Enzo.
“Hello?”
“Celine!”
“Bakit?!”
“Gala kasi tayo!” Aish ang kulit naman niya! Niya ba gets yung tinext ko sa kanya?!
“A-YO-KO!”
“Dali na!” pangungulit niya.
“Ayoko nga sabi! Bakit ba?!”
“Basta! Tumingin ka sa bintana mo” ha?
Bumangon ako sa kama at sumilip sa bintana. May nakita akong isang lalaki na nakajacket na black na nakatayo sa tapat ng bahay namin. Tumingin sa direksyon ko yung lalaki at nanlaki yung mga mata ko nang makilala ko kung sino.
“Hoy anong ginagawa mo dyan sa tapat ng bahay namin?!” nakasilip pa rin ako sa bintana namin at ganun din siya. Ngumisi siya sa akin “Gusto mo, pumasok ako sa inyo at ipaalam kita sa mama mo?” oh no we can’t do that!
“No way! Osiya sige na nga! Sasamahan na kita basta libre mo ako ah? Give me 10 minutes” at binaba ko na yung phone. Dali dali akong nagligo at nagbihis. Pagkatapos ay inayos ko ang sarili ko at bumaba na.
“Oh Celine, saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Mama na naghuhugas ng pinggan.
“May bibilhin lang po ako sa Mall Ma”
Pagkalabas ko nang bahay ay nadatnan ko si Enzo na nakasandal sa poste. Tumingin siya sa akin at ngumiti “Tara?”
Sumimangot ako “Ano bang gagawin natin sa mall?”
Hindi siya umimik bagkus ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Napabuntong hininga na lang ako at tahimik na sumunod sa kanya. Sumakay kami ng jeep papuntang mall. Sya na rin ang sumagot nang pamasahe kahit na iniinsist ko na ako na ang magbabayad. Wala eh, sabi niya gentleman daw sya kuno.
Magkatabi kami sa jeep. Medyo naiilang ako nung katabi ko siya. Di ko alam kung bakit eh. Habang nag-iisip ako ay biglang huminto yung jeep na naging dahilan ng pagreact ng iba.
“Ayy kuya dahan dahan naman!” sabi nung isa.
Muntik na akong mahulog sa jeep dahil nakapwesto ako malapit sa babaan buti na lang nakakapit ako sa rails ng jeep.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Enzo. Tumingin ako sa kanya at tumango. Napansin ko na nakahawak yung kamay niya sa kamay ko at yung isa naman ay sa bewang ko.
Spell awkward? K-A-M-I.
Nagkatinginan lang kaming dalawa. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa pisngi ko. Tinignan ko ang itsura niya at namumula na rin ang pisngi niya. Agad naman niyang binawi ang kamay niya sa bewang ko “P-pasensiya na. Akala ko kasi mahuhulog ka sa jeep kaya hinawakan kita sa bewang para di ka mahulog”
BINABASA MO ANG
Heart String
Teen FictionCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...