Ch.3: Start

116 3 0
                                    

Kumain kami ni Enzo ng spaghetti na itinitinda sa school at siomai. Grabe halos masuka suka na ako sa mga pinaggagagawa namin. Dahil sinusubuan niya ako ng pagkain at ganun din naman ako, tapos magsesweet-sweetan kami. Yuck! I mean, naranasan ko na toh dati, nung kami pa ni Jared pero iba kasi pag di mo naman talaga ka-relasyon yung tao. Yung tipong hindi kayo pero kung makaasta parang kayo. Gets nyo?

“Eto tikman mo tong siomai” sabi niya habang hawak niya yung toothpick na may siomai. Ngumanga naman ako at sinubo yung siomai saka ngumiti at ganun din naman siya. Nagulat ako sa ginawa niya nang unti-unting lumalapit yung mukha niya sa mukha ko. Oh noh! Hahalikan niya ba ako?! Pero wala naman siyang binaggit dito ah! Tsaka bawal sa school yung P.D.A or excessively P.D.A like this! OMO ang daming tao! Napapikit ako at hinihintay ang mga susunod na mangyayari pero naramdaman ko na may dumaping malabot sa gilid ng labi ko.

Pagkadilat ko ay nakita ko na pinupunasan ni Enzo yung gilid ng labi ko “May amos ka sa gilid ng lips mo kaya pinunasan ko. Don’t worry di kita hahalikan”. Sabi niya. Waring napahiya ako at biglang uminit ang pisngi ko. Ano ba yan! Masyado naman akong assuming!

“Tignan mo sina Fritzie” utos niya sa mahinang boses. Agad kong tinignan ang direksyon nila, nakatingin sa amin si Fritzie pero di ko alam kung masama yung tingin niya oh ano. Ang neutral kasi eh. “Sa tingin mo may epekto na tong ginagawa natin?” napalingon ako kay Enzo at nakahalumbaba siya na nakatingin din kay Fritzie. “Malay ko. Pero sa tingin ko, meron naman kahit kaunti. Konting push lang” tumango tango naman siya. Napatingin naman ako sa paligid namin dahil di ako kumportable ngayon at pakiramdam ko ay maraming nakatingin sa amin.

Pagkasilip ko ay tama nga ang hinala ko. Maraming pares ng mata ang nakatingin sa amin at yung ibang babae ay masama pa ang tingin sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa siguro ako nakaburol. Hay kung bakit pa kasi sikat na tao ang kasama ko, okay lang sana kung hindi eh pero—tsk! Sikat siya sa mga babae bilang cassanova sa school.

“Don’t mind them” sabi ni Enzo kaya ngumiti ako.

Hays talaga.

Pagkatapos ng lunch break ay M.A.P.E.H na ang sunod na subject.  Since favorite ko ang subject na ito as well as the teacher ay nakinig ako sa announcement niya. “The schedule for this week, ay maglalaro po tayo ng basketball—“ naghiyawan naman ang mga lalaki ng marinig nila yung basketball. Agad naman na pinatahimik ng teacher namin yung mga boys “Shh! Class listen! So as I was saying, magkakaroon tayo ng basketball sa friday pero by pair. Since kakaunti lang ang may alam ng basketball sa girls, I decided to be a girl-boy pair so let’s start” isa isang tinawag ng teacher naming ang mga estudyante at kung sino ang magiging partner nila “Salcedo and Madrigal, Benitez and Andalajao..” Ehh?! Partner ko si Enzo?! At partner ni Fritzie si Jared?! Ang malas naman ohh! Todo dasal pa man din ako na sana partner ko si Jared kaya lang medyo akward nga lang. Aish mabuti na rin to!

“And for the arts, you have a project. Gagawa kayo ng sculpture, painting, theatre, or photography based sa ibibigay ko sa inyo na time at gagawa din kayo ng research about dun sa binigay ko sa inyo. The classical, renaissance, baroque, romantic, and contemporary. I will group you into 5 groups so start to count” at nagsimula nang magbilang ng 1-5 sa bawat row. Napatapat sa akin ang group 5. “Group 5 stand up” isa isa kaming tumayo at laking gulat ko na kagroup ko sina Fritzie, Jared and Enzo. Ano toh?! Niloloko ba kami ng tadhana?! “Group 5, outside” pumunta kaming anim sa labas at pinag-usapan ang gagawin.

Medyo awkward kasi yung ex ko kagrupo ko pa at yung current girlfriend niya. Awkward! Isa pa tong si Enzo. Siguro naramdaman ng dalawa pa naming kasama yung tension sa pagitan naming apat kaya nagsalita na ang isa sa kanila “So guys anong gagawin natin?”

Nagsalita si Jared “Painting na lang, para mas madali” umagree naman si Fritzie. Well, boyfriend eh.

“Theatre na lang, para ang common kasi pag painting eh. Im sure ganun din ang gagawin ng ibang grupo since ito yung pinakamadali” suhestyon ko.

Heart StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon