Since Saturday ngayon ay wala akong ginagawa pero as usual katext ko na naman si Enzo. ‘Punta ako dyan’ –Enzo. Huh?! A-ano daw?! Waaah!
“Eli! Andito yung boylet mo!” sigaw nung pinsan kong si Irah. Dali akong bumaba at nakita ko nga si Enzo na nakaupo sa sofa namin habang si Irah ay binibigyan niya ito ng makakain.
“Bakit ka nandito?!” tanong ko. Ngumiti siya sa akin “Wala lang. Nabobored kasi ako eh.”
“Umuwi ka na” sabi ko.
“Ayaw ko nga. Nood tayo.” Sabi niya. Hay yang kulit niya “Nang ano?”
“Kahit ano. Gusto mo bang sa sine manuod?”
“Hmm dito na lang tayo. Teka kunin ko lang flash drive ko. Wait lang ah?” dali akong umakyat at kinuha yung flash drive ko.
Bumaba ako at sinalpak sa dvd player yung flash drive namin. “Anong gusto mong panuorin?”
“Uhm gusto yung sinabi mo sa akin. Yung Koizora” ahh? OMG! Masyadong romance yung movie na yun eh! “Sure ka?” tanong ko at tumango naman siya. Wala akong choice kundi yun ang piliin since yun naman ang gusto niya.
“Teka kukuha lang ako ng makakain ah?” pumunta ako sa kusina para kumuha ng chichirya. “Eli, punta ako sa classmate ko. May tatapusin kami” paalam sa akin ni Irah. “Okey. Ingat”
Pagkaalis ni Irah ay pumunta ako sa salas at inabot sa kanya yung piattos. Nagsimula na pala yung movie. Yung nagrereminisce si Mika.
“Nga pala, asan yung parents mo?” tanong ni Enzo habang kumakain ng piattos. “Uhm wala, nasa office sila mama at papa eh.”
“Ganun ba?”
“Yeah” nanatili ang katahimikan sa amin at nagfocus sa pinapanuod namin. Patagal na patagal na yung pinapanuod namin at andun na ulit dun sa part na hinalikan ni Hiro si Mika sa kwarto niya. At feeling ko ang awkward lang. Tinignan ko si Enzo mula sa peripheral vision ko at nakafocus siya sa panunuod. Yung sumunod na eksena ay ‘I’ll be gentle’ – Hiro. Ito na yung part na may mangyayari na sa kanila.
At feeling ko ay ang awkward na. Di ako mapakali. I don’t know if it’s just me or something?
Lumipas ang mga oras at pabigat na pabigat na yung mga eksena. Medyo nagiging drama na at tinignan ko siya. Wala, poker face pa rin ang loko habang ako eh medyo inuuhog na.
Hanggang sa matapos ang movie ay nanatili lang siyang poker face tapos ako ay balde balde na ang iniyak dahil sa movie.
Tumingin siya sa akin at tinawanan niya ako “Tignan mo yung mukha mo mukha ka nang palaka!” sabi niya. Aba! Ang lakas ng loob niyang sabihan ako na mukha na akong palaka!
“Yabang mo! Eh ikaw nga eh para ka ngang statwa eh!” nagtawanan lang kami pareho. Lumapit siya sa akin at pinunasan yung luha ko sa mata.
“Tsk! Ang iyakin mo talaga!”
“Sorry naman nakakaiyak talaga yung movie eh.” Di siya kumibo. Nakatitig lang siya sa akin. Nagtitigan lang kami for a few seconds hanggang sa maramdaman ko na unti-unti nang lumalapit yung mukha niya sa mukha ko. OMG! This is the second.
Hanggang sa naramdaman ko yung labi niya sa labi ko. Like the first one, it was soft and warm. Pero saglit lang at kumawala din siya “I-iam sorry.. it’s just… nadala lang ako sa scenes kanina.” Nakayukong sabi niya. Napansin ko na namula siya at ang cute niyang tignan.
“It’s okay” I said.
Nagulat ako sa ginawa niya, hinalikan niya yung forehead ko “Promise, I’ll control myself.” Ewan ko ba pero kinilig ako sa ginawa niya at the same time, I felt something in my tummy. Like there’s a butterflies inside.
Dumating sila mama at papa after nun, buti nga di nila kami nahuli in that situation kundi ang awkward tignan. Pinakilala ko na si Enzo kila mama at papa as a boyfriend at hindi na sila nagulat. Dahil nasesense nila na magiging kami. Ewan ko kay mama, masyadong ano yun instinct nun. At para maging patas na rin kay Enzo dahil pinakilala rin niya ako sa parents niya.
Dito na rin siya nagdinner sa bahay namin dahil gusto pa nilang kilatisin si Enzo. Ang galang ni Enzo sa mga magulang ko kahit hiyang hiya ako para sa kanya dahil andaming sinasabi ni mama tungkol sa akin pati yung pagkabata ko. Siya naman ay tawa lang ng tawa.
Nung mga bandang 8pm ay umuwi na rin siya dahil pinapauwi na siya nila mama. Hinatid ko siya sa gate “Enzo”
“Yes?”
Sandali akong kumagat sa labi tsaka nagsalita “Uhmm.. yung about sa sinabi mo nung nasa hotel tayo. S-seryoso ka ba dun? I mean, yung gagawin kitang rebound same as with me?”
Tumingin siya sa akin ng seryoso “Oo. Kung gusto mong tulungan kita.”
“I see”
“I have to go. Thanks for the time, I am fun being with you. See you tomorrow.” I wave my hand “Bye” naglakad na siya papalayo sa akin.
Napaisip ako, kaya ko ba talagang maging rebound para kay Enzo? Kaya ko ba siyang gawing rebound? Parang di ko kaya eh. Aish! Celine! Bakit nga ba pinasok ko tong sitwasyon na toh?
I do hope na wag dumating yung araw na masasaktan ako sa bandang huli.
**
BINABASA MO ANG
Heart String
Teen FictionCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...