Ch.20: Heart String

83 1 0
                                    

After 9 years..

Hinila ko ang maleta ko kasabay ang paglakad sa arrival area. It’s been a while since nung huling kita ko dito sa Pilipinas. Marami na rin ang pinagbago at mayroon pa rin mga nanatili. 9 years na ang nakararaan at marami na rin ang nagbago sa akin.

Isa na akong professional na chef. Kaya lang naman ako umuwi ng pinas it’s because I really miss my home. Gusto ko rin magtrabaho sa bansa ko. About my love life? Ayun marami na rin akong naging karelasyon but a serious one not just a fling. May isa pa rin ang hindi nagbabago sa akin at yun ay ang pagmamahal ko kay Enzo.

Yeah I still love him even though he hurt me. Napakamasochista ko kasi. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang kalimutan. Kaya siguro hindi pa ako nakakapagsettle down it’s because I still love him.

Nadatnan ko si Liezel na kumakaway kaya ngumiti ako at agad na pinuntahan “Wow friend ang ganda mo na ah? Infairness you look like a model” she said. Napatawa ako “Haha syempre maganda talaga ako. Ikaw din mas lalo kang gumanda ngayon” sabi ko at ngumiti siya “Thanks. So ano, sakay na tayo? Nigel can’t wait. Alam mo namang miss na miss ka na nung inaanak mo kaya bumawi ka sa kanya”

I chuckled “I will”

Three years ago ay nagpakasal na si Liezel kay Jared. Unexpected nga eh pero natawa ako nang maalala ko nung papaalis na ako sa airport. Biniro ko si Jared kay Liezel at hindi ko aakalain na sila pala talaga para sa isa’t isa.

About kay Enzo. Wala na akong balita pa sa kanya simula nang umalis ako. I never bothered to look for him. Hindi na ako galit sa kanya or something pero wala lang. Ayoko na siyang hanapin.

But he still lingered in my mind. Ngayon nga ay medyo kinakabahan ako. What if magkita kaming muli? What if may asawa na pala siya? Ano kayang magiging reaksyon ko? And many more question that are jumbled in my mind. My heart beats for him and I miss him. So much.

Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng bahay namin. Wala pa rin pinagbago sa bahay namin maliban na lamang sa pintura. Siguro pininturahan para mas mag mukhang maganda yung bahay namin. Pagpasok ko sa bahay ay agad naman akong sinalubong ng pamilya ko as well as Jared na karga karga ang baby nilang si Nigel.

“Hi baby Nigel. You miss me?” I said while kissing his cheeks. Ang cute cute talaga ni baby. I wish na maging ganito ka cute ang anak ko. Tumawa lang si baby at lumabas ang dimples nito na mas lalong nagpacute sa kanya.

“Oy yung gift daw niya. Super miss ka na niyan ng inaanak mo” sabi ni Jared. Tumawa lang ako “Yeah mamaya ibibigay ko. Madami akong ibibigay sa kanya na gifts.”

“Naku mabuti naman yun. Kundi magtatampo talaga yan si Nigel” dugtong naman ni Liezel.

Nagkaroon ng munting salu-salo na inihanda para sa pagdating ko. Nang hapon ay umuwi na rin sila Liezel dahil may karga silang bata. Loko nga yun inusisa ba naman lovelife ko.

“Still Enzo pa din?” tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko. Nag-iwas ako ng tingin “I don’t know”

Ngumisi naman siya “Sus si Enzo pa din talaga ang mahal mo. I’ll give you a good news. He’s not married” she said kaya naman biglang tumibok yung puso ko ng mabilis. Hindi pa siya kasal?

To be honest natuwa talaga ako ng sabihin sakin ni Liezel na hindi pa siya ikinakasal. It means pwede pa kami? XD hehe joke lang po.

Napagpasyahan kong puntahan ang playground kung saan una kaming nagkita ni Enzo. Umupo ako sa swing tsaka inalala ang lahat.

Naalala ko na umuulan noon at basang basa ako. Umiiyak ako dahil niligawan ni Jared si Fritzie tapos habang nagdadrama ako ay may nagpayong sa akin na di kalaunan ay tumabi sa swing tsaka nagpabasa na rin sa ulan. Broken hearted din yung taong yun.

Sinabi niya sa akin na tutulungan niya akong pasakitan sila Jared at pumayag ako kahit medyo hesitant ako. At doon nagsimula ang istorya namin ni Enzo na nauwi naman sa malungkot na ending.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang maramdaman kong pumatak ang ulan. Hanggang sa lumakas na ito ng lumakas. Naligo na lang ako sa ulan at nanatili pa rin sa swing. Déjà vu talaga.

May sumulpot na dalawang pares ng paa at hindi ko na maramdaman ang ulan kaya napatingin ako at laking gulat ko nang mapagtanto ko kung sino yung nasa harapan ko.

“E-enzo?!” bulalas ko at bigla akong napatayo. Tumawa siya “Nawala ka lang sa Pilipinas naging magugulatin ka na” sabi niya. Agad naman na kumunot ang noo ko at hinampas siya sa braso “Nakakainis ka. Ano bang ginagawa mo dito?!”

“Hinahanap kita.” Sabi niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya “H-hinahanap mo.. ako?” sabi ko sabay turo sa sarili ko.

Tumango naman siya “Oo hinahanap kita. Sinabi sa akin ni Liezel na dumadating ka na dito kaya agad akong pumunta sa inyo pero nadatnan ko ang mama mo at sinabi na nandito ka daw sa playground kaya pinuntahan kita.” Sabi niya.

Umiwas ako nang tingin “B-bakit mo ba ako hinahanap? A-anong bang kailanga---“ hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit habang unti-unting nababasa ang suot niyang corporate suit.

“I miss you” he said kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. He missed me? “Nung umalis ka, at habang kami pa ni Fritzie unti unti kong narerealize na mahal na kita. I loved Fritzie at gulong-gulo ako nuong panahon na yon. Pero nung umalis ka, I realized that I love you so much Celine. Halos mabaliw ako nung mawala ka at sinabi sakin ni Liezel ang dahilan ng pag-alis mo. I know nagalit ka sakin noong mag-usap tayo sa park pero I am really sorry about that. Celine, I still love you and I meant it” halos sumabog ang puso ko sa mga sinabi niya. I can’t believe all this time ay mahal din niya ako.

“Ako din. I am sorry nagsinungaling ako sayo noong nag-usap tayo sa park. Yung sinabi ko na hindi ako na-inlove sayo. Nagalit ako noon kaya nasabi ko yung mga bagay na yon but trust me, nasaktan talaga ako. But all this years ikaw pa din mahal ko” sabi ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at tinignan niya ako sa mata. Nagniningning ito “Talaga?” tumango ako. Nagkatitigan kaming dalawa kahit na nababasa kami sa ulan. Unti-unting lumalapit yung mukha niya sakin hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

It’s still the same kagaya nung hinalikan niya ako dati. His lips were soft and his minty breath makes me feel drunk. I feel na malalasing ako sa halik niya. Nalalasahan ko yung tubig na nagmumula sa ulan but I didn’t mind. My heart beats fast than the normal rate and the butterflies are flying over my tummy. Sakto umuulan ngayon. Ito na siguro yung tinatawag nilang kiss under the rain.

It feels special.

“I love you Celine” sabi niya nang kumawala kami halik. Ngumiti ako “I love you too, Enzo”

Heart StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon