Ch.19: Departure

83 1 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at nagsimula na ang klase. Fortunately hindi na kami magkaklase ni Enzo as well as with Fritzie. Kaya hindi na ako masyadong nag-aalala sa klase. Awkward kasi kapag yung ex mo naging classmate mo. Saklap diba?

Pero may mga times na kapag nakakasalubong ko siya ay hindi ko pa rin maiwasang mailang sa kanya. Lalo na kapag kasama niya si Fritzie. Mas lalo akong nasasaktan kapag ganun pero I try to ignore it. Ayoko rin naman kasi na lumabas na super bitter ko sa kanila though inilalabas ko lang ang kabitteran ko kapag kasama ko si Liezel.

About kay Jared. Ayun classmates pa rin kami. Nalaman ko na na-cancel na nga ang engagement nila Jared at Fritzie dahil naawa sa kanila yung mga magulang nila. They settle their debt in a different way. Sinubukan rin ni Jared na makipagbalikan sa akin nang malaman niyang break na nga kami ni Enzo pero tumanggi ako.

Ayoko namang maulit yung nangyari. Yung gagamitin ko siya as rebound kahit willing pa siya. Ayokong makasakit or masaktan. Ayokong maulit yung nangyari dati kaya sabi ko sa kanya friends na lang kami at pumayag naman ang mokong.

Alam na ng buong school na magcouple na sina Fritzie at Enzo. Syempre parehong sikat yung dalawa lalo na si Enzo since isa itong varsity player. Marami ang natuwa at marami rin namang nainis lalo na yung mga fangirls niya pero wala na silang magagawa pa dun.

“Anak may good news ako sa yo” sabi ni mama habang kami ay nasa hapag kainan. Kumunot ang noo ko “Ano po iyon?”

Ngumiti sina mama at papa saka nagsalita “Makakapunta na tayo sa Amerika. Naapprove na ang petition natin at ayos na ang lahat kaya aalis na tayo next week.” Ehh? Doon na kami titira sa amerika?

Nagpetition kasi sila mama papuntang amerika dahil kinukuha na kami ni Lola. Medyo matagal rin ang process as in super tagal, wag niyo nang tanungin.

Ngumiti na lang ako. Hindi ko aakalain na lilisanin ko na itong lugar na kinalakihan ko. Marami akong mamimiss sa lugar na ito lalo na siya.

Halos mangiyak si Liezel sa sinabi ko sa kanya. “Ehh? Aalis ka na? Iiwan mo na kami? You don’t do that to me!” sabi niya sabay singhot. “Oa mo. May fb naman, twitter, skype. Wag ka na nga umiyak dyan” sabi ko.

“Ehh iba pa rin yung nakakasama mo with flesh and blood kaysa sa computer lang. Pero babalik ka pa ba dito?” tanong niya.

“Oo kaso hindi ko nga lang alam kung kailan”

“Uhm. Basta walang kalimutan ah? Balitaan mo ako sa fb okay? Tsaka dalhan mo na rin ako nang maraming chocolates” sabi niya kaya napatawa ako. Niyakap ko siya at ganun din naman siya. Mamimiss ko talaga itong babaitang ito.

Nung araw na papaalis na kami ay sumama sa amin yung pamilya ng pinsan ko pati na si Liezel at Jared. Syempre isang madrama na eksena ang nangyari sa airport. Chos! Di joke lang, nagyakap lang sila mama at tita ganun din naman kami ni Liezel at Jared.

“Teka nga nagpaalam ka ba kay Enzo?” bulong ni Liezel. Agad naman kumunot ang noo ko “Bakit naman ako magpapaalam dun? Eh hindi na naman kami”

“Malay mo, mamiss ka nun” tukso niya sa akin. Umismid ako “Pwede ba. Hindi ako mamimiss nun. Tsaka siguro naman wala yung pakialam sakin kaya wag na. Okay?”

“Okay”

“Celine, take care of your self okay?” sabi ni Jared. Ngumiti ako “Ikaw din. Sana talaga makahanap ka na ng babae para sayo.”

Ngumiti siya “Sana nga. Ikaw din.”

Tumango ako “Yeah makakahanap din ako. Ikaw, baka nasa tabi mo lang pala siya” sabi ko sabay tingin kay Liezel at ngumiti ng ubod ng tamis. Agad silang nagkatinginan at saka umiwas ng tingin at sumimangot “No way!” sabi ni Liezel.

Tumawa lang ako “Ito naman. Di kayo mabiro.”

“Very funny” sarcastic na sabi ni Jared.

“O siya sige. Babye na sa inyo” I wave my hand as I said my goodbye. Ganun din naman sila. Pumasok na ako sa eroplano.

Pinagmasdan ko ang paligid. I will surely miss this place lalo na ang mga kaibigan ko. Sana pagbalik ko dito sa Pilipinas ay makalimutan ko na siya.

Yung hindi ako gumagamit ng rebound.

In the natural way.

Heart StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon