Ch.14: Confused

77 1 0
                                    

Pabiling biling ako sa higaan ko. Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina.

‘Gusto kita, Celine’

Waaaaa! Gusto kong magtitili sa kwarto pero natutulog na sina mama kaya di pwede. I admit na sobrang kinikilig ako sa sinabi niya sakin kanina pero may isang tanong ang pilit na hinahanapan ko nang sagot.

“Ahh” yun ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react.

Nakatitig pa rin siya sakin “Ikaw, ano bang nararamdaman mo para sakin?” tanong niya. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako tungkol sa feelings ko for him.

Ano nga ba ang nararamdaman ko?

Aaminin ko masaya ako kapag kasama ko siya. Yung mga simple niyang ginagawa eh talaga namang nagpapangiti sakin pero kapag kasama ko siya, minsan naguguluhan rin ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay may feelings pa rin ako kay Jared.

Tumungo ako “H-hindi ko alam. Sorry”

“Ayos lang. Hindi kita pipilitin. Mananatili lang ako sa tabi mo pero sabihin mo sakin kung dapat na ba natin tong itigil at kung gusto mo na akong lumayo. Hindi ako magagalit” sabi niya. Doon ay nakaramdaman ako ng kirot sa sinabi niya.

I admit na minsan kinikilig ako kay Enzo pero I think hindi sapat na basehan yun para sa feelings ko sa kanya. Marami pa rin akong doubts.

Unang una, ang complicated ng sitwasyon namin. Pinagtagpo kami ng tadhana, pareho kaming galing sa break up. Medyo heart broken pa kami nun dahil nga sa nangyari. Gusto namin na pasakitan ang mga ex namin dahil sobrang nabibiter pa kami.

Pangalawa, nang hindi naman umeepekto ang pinaggagagawa namin ay naisipan namin na kalimutan na lang ang mga nararamdaman namin para sa ex namin at gawing rebound ang isa’t-isa para makalimot. Ang complicated diba?

Pangatlo, kakikilala pa lamang namin at wala pa akong masyadong alam tungkol sa kanya.

Pang-apat, masyadong mabilis ang pangyayari.

Panglima, ang sabi niya gusto niya ako pero hindi pa niya ako mahal.

Aish! Ang complicated pero di ko pa rin maiwasang di kiligin kapag naalala ko yung scenario kanina.

“Ano?! Naguguluhan ka?!” tanong sakin ni Liezel habang nakaupo sa bench na malapit sa puno. Tinatambayan ito madalas ng mga estudyante. Kinuwento ko sa kanya yung problema ko.

Tumango ako at napabuntong hininga siya “You’re really impulsive sometimes, y’know what? And you like to rationalize also, between your heart and mind.” Wow! Nosebleed!

“Nanosebleed naman ako sa sinabi mo”

“Totoo naman eh, pumasok pasok ka sa sitwasyon na yan tapos parang di mo mapanindigan.” Natahimik ako. Tama siya. Nagpakawala ulit siya ng buntong hininga “Matanong ko, na-iinlove ka na ba sa kanya?”

Napayuko ako “Hindi ko alam” sabi ko sa mahinang boses.

“Tatanungin kita, anong nararamdaman mo para sa kanya?” ano nga ba ang nararamdaman ko para sa kanya? “Uhm masaya ako kapag kasama ko siya tapos palagi akong napapasaya sa mga simpleng bagay na ginagawa niya sakin. Yun lang.”

Tumango tango naman siya na parang kumbinsido sa sinabi ko “Eh mahal mo na ba siya?” mahal? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Gusto ko siya, oo pero mahal?

“H-hindi ko alam.”

“Sa tingin ko, nagsisimula ka nang mahulog sa kanya pero nagugulahan ka lang or nakastuck ka pa rin sa past” sabi niya. Napatingin ako kay Liezel at nakangiti lang siya sakin “Kung talagang naguguluhan ka pa rin, hindi mo kailangang magmadali. Take a baby steps. Mas masarap ang magmahal sa natural na paraan. Love, without a reason is a wonderful thing. About your past, set him free if you want to be happy”

Napangiti ako sa sinabi ni Liezel “Thanks”

Sa tingin ko tama siya. Kung gusto ko talagang maging masaya, kailangan kong matutong magparaya at wag kong madaliin itong nararamdaman ko para kay Enzo.

Heart StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon