“Yie!” hiyawan nang mga classmate ko habang nanunuod nang isang palabas. Isang palabas na hindi ko kayang tignan pero nakangiti lang ako sa kanila. Weird noh? Ano nga ba ang pinapanuod nila?
Well, yung classmate kong si Fritzie ay nililigawan nang classmate kong si Jared. Nakakakilig eh, yung kinakantahan nang tropa ni Jared si Fritzie habang si Jared ay naglilitanya nang mga nakakakilig na bagay sa kanya. Ayos lang sana eh, pwede na akong kiligin pero..
Ex-boyfriend ko si Jared at ang mas masaklap pa ay di pa ako makamove-on sa kanya kahit sinasabi ko sa iba na move-on na ako. Sakit lang diba?
Nakaupo lang ako sa upuan ko habang nakatungo. Halos mabingi ako sa mga hiyawan nang mga classmates ko nang marinig kong um-oo si Fritzie. Tumingin ako sa direksyon nilang dalawa at nakita ko na niyayakap ni Jared si Fritzie. Ouch, pwede bang sa ibang lugar na lang nila yan gawin?! Masyado naman nakakahiya sa ex ni Jared ohh!
Tumingin ako sa direksyon ni Enzo na nakaupo malapit sa pintuan. Hindi ko alam kung ako lang ba yun or what pero kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Nalulungkot ba siya kay Fritzie? Pero ang alam ko M.U sila hanggang ngayon.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko, pagkatingin ko ay nakita ko yung best friend kong si Liezel, na may simpatya sa mukha “Okay lang yan teh” sabi niya. Ngumiti ako nang mapakla sa kanya na para bang sinasabi ko na okay lang ako.
Si Liezel lang ang nakakaalam kung anong nararamdaman ko ngayon kay Jared. Alam niyang hindi pa ako makamove-on sa kanya. Ngumiti siya sa akin nang pilit at bumalik na siya sa upuan niya. Nagpakawala na lang ako nang isang buntong hininga para kahit papaano nama’y mabawasan ang bigat na nararamdaman ko pero it’s no use.
Natapos ang klase nang walang ginagawa kundi manuod lang sa eksena nina Fritzie at Jared at sa mga nagbibigayan nang mga flowers and chocolates since Valentines day ngayon. Diba ang ganda nang eksena ko eh, broken hearted sa araw nang mga puso! Ano ba yan!
Dali dali akong lumabas nang room dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Gusto kong magwala at umiyak. Pagkalabas ko nang school ay saka bumuhos ang malakas na ulan. Malas wala pa man din akong dalang payong!
Pero hinayaan ko na lang ang ulan at nagpatuloy sa paglalakad. Okay na toh, atleast kahit papaano ay walang makakapansin sa akin na umiiyak ako. Nilakad ko ang daan papunta sa amin at nang madaanan ko ang playground ay napagpasyahan kong umupo muna sa swing. Wala na akong pakialam kung anong iisipin nang makakakita sa akin, basta gusto kong umiyak para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Bakit ganun? Dapat move-on na ako eh pero bakit nararamdaman ko pa rin ang sakit? Parang kalian lang ako yung nililigawan niya at sinasabihan nang mga sweet nothings niya pero ngayon iba na. Ang unfair naman nang buhay, dapat naka move-on na rin ako eh kaso makulit tong puso ko, sabi nang tama na pero sige pa rin sa pagtibok kay Jared.
Naalala ko pa nung panahon na nakipagbreak siya sa akin. Pinapunta niya ako sa rooftop nang school naming dahil may importante siyang sasabihin sa akin. Medyo kinabahan na ako nung binasa ko yung text niya pero binaliwala ko yun. Dali akong pumunta sa rooftop at nadatnan ko siyang nakatayo pero nakatalikod.
Syempre, medyo maloko ako ay tinakpan ko yung mata niya “Celine, ikaw ba toh?” nagulat ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko at hindi ‘babe’ dahil usually ay tinatawag niya ako sa pangalan ko kapag galit siya or seryoso siya.
Inalis ko ang mga kamay ko sa mata niya at pilit na baliwalain yung nangyari “May sasabihin ka ba sa akin na importante babe?” tanong ko. Humarap siya sa akin at tumingin. “Listen.. I need to tell you something” panimula niya.
“What is it?” tanong ko. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ako sanay na Makita siya in serious mood. Siguro importante nga ang sasabihin niya dahil pinapunta niya ako sa rooftop nang kami lang at hindi sa text.
BINABASA MO ANG
Heart String
Ficção AdolescenteCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...