Ch.16: Break for a Moment

80 1 0
                                    

Nakaupo ako dito sa may sulok habang si Jared ay sa tabi ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Pinasok kami nila Lyka sa isang kwarto at ni-lock. One hour pa ang itatagal namin dito sa loob. Ewan ko ba sa babaeng yun at kung anu-anong pumapasok sa utak at ito pa ang dare na pinagawa niya kay Jared.

“Im sorry nadamay ka pa sa kalokohan na toh” sabi niya.

“Ayos lang. Tsaka bakit nga pala ako yung pinili mo?” tanong ko.

Sumandal siya sa pader saka nagsalita “Alam mo kasi, naguguilty ako sa ginawa ko sayo. Yung hindi kita ipinagmalaki sa lahat na ikaw yung girlfriend ko. Medyo may takot kasi ako eh. Kaya sana” huminto siya at tumingin sa mga mata ko “Sana mapatawad mo ako doon. I am really sorry” nag-iwas ako ng tingin “A-ayos lang”sincere ako na ayos lang sakin. There’s no reason to hold grudge diba? Isa pa hiwalay na kami. Nangyari na ang dapat mangyari.

“Sorry rin kung bigla kitang iniwan sa ere ng walang matinong dahilan” dagdag pa niya. “Di totoo yung sinabi ko sayo na sawa na ako sa relasyon natin. May mas malalim pang dahilan kung bakit ko iyon nagawa kaya I am sorry” ahh kaya pala.

“A-ano bang reason? Pwede ko bang malaman?”

“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong niya at tumango ako. “Ganito kasi yun. Kaya ko niligawan si Fritzie dahil naka-arranged marriage ako sa kanya. Malaki ang utang na loob sa amin ng pamilya niya and since magkakaibigan naman ang parents namin kaya naipagkasundo nila ako kay Fritzie”

“P-pero mahal mo siya?” halatang nagulat siya sa tinanong ko miski rin ako. Ano ba yan! Ang daldal ko kasi masyado eh!

Tumawa siya ng marahan “Actually mahal ko siya bilang best friend. Nothing more, nothing less. We’re just platonic. Hindi ko siya magawang mahalin dahil may mahal akong iba at ganun din siya” sabi niya. Hindi ko alam kung bakit bigla bumilis yung puso ko nung sinabi niya na may iba siyang mahal.

“Pwede ba akong magtanong?”

“Oo naman”

“Masaya ka ba kay Enzo? Mahal mo ba talaga siya?” tanong niya. Bigla akong napatingin sa kanya. Bakas sa mukha niya na seryoso siya sa tanong niya at may lungkot sa mga mata niya. Umiwas ako ng tingin “Masaya ako kay Enzo kapag kasama ko siya. Napapasaya niya ako kahit sa mga simpleng bagay pero mahal?” huminto ako saglit saka nagsalita “Hindi ko pa alam. Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko para sa kanya”

“Sa tingin ko mahal mo na siya” ehh?

“P-paano mo naman nasabi yan? Eh ako nga di ko alam kung ano bang nararamdaman ko eh” sabi ko. “Paano ko nalaman? Simple lang. Nung hinalikan ni Fritzie si Enzo, kitang-kita ko sa mga mata mo na nagseselos ka. Nagseselos ka kay Fritzie. Isa pa, yung paraan kung paano tumingin kay Enzo ganun din kung paano ka tumingin sakin noong tayo pa.” tama siya. Kanina nagselos ako kay Fritzie kahit alam kong dare lang yon. Hindi ko ineexpect na mapapansin pala yun ni Jared.

Bumuntong hininga siya “Siguro dapat na rin akong mag-move-on. Kahit naguguluhan ka pa sa feelings mo pero masaya at mahal mo naman siya eh ayos na ako. Masaya na ako para sayo” nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin all this time eh mahal niya pa rin ako?

“Jared” yun na lamang ang lumabas sa bibig ko. “Wag mo akong alalahanin. Ayos lang ako. Ang alalahanin mo ay si Fritzie. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nun pero sigurado ako na pipilitin niyang ipaglaban ang nararamdaman niya lalo na at pinagsisihan na niya yung time na pinili niyang maging M.U lang sila. Basta ipaglaban mo rin kung ano man yang nararamdaman mo kung ayaw mong pagsisihan yan sa bandang huli” sabi niya.

Gusto kong umiyak para sa kanya kaso di ko magawa “Sorry Jared. Sana mahanap mo yung babae para sayo” sabi ko.

Ngumiti siya “Don’t be sorry. Of course I will”

Nakalabas din kami after one hour at inasar kami ng mga classmates namin kung anong ginawa namin sa loob at todo tanggi naman kami. Natapos din ang pool party ng 5pm at umuwi na kami. Sabay kami ni Enzo na umuwi at habang naglalakad ay panay ang kwentuhan namin.

“Ano nga pala ang ginawa niyo sa kwarto?” tanong niya habang nakangisi. “W-wala. Wala kaming ginawa noh?” sabi ko at sinundot naman yung tagiliran ko “Ahh! Ano ba?” tumawa lang siya.

Napahinto ako sa paglalakad at ganun din siya “Oh bakit?”

Hinawakan ko yung strap ng bag ko saka nagsalita “Enzo.. ano ba talaga tayo? Kasi ako naguguluhan na eh” hindi siya umimik bagkus ay nakatayo lang siya at nakatingin sakin “Hindi ko rin alam. Sorry.” Sabi niya.

Ngumiti lang ako ng pilit. Sana maging tama ang magiging decision ko. “Magbreak muna tayo. I mean wag muna tayong magkita or mag-usap. Naguguluhan talaga kasi ako, alam mo namang complicated ang naging relationship natin diba? Gusto ko lang sana makapag-isip isip at ganun din ikaw. Gusto kong ma-realize kung ano bang nararamdaman ko para sayo.”

Tumango tango naman siya “Ganun ba?” tumango ako “Sige kung iyan ang gusto mo.”

Heart StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon